Robin Padilla confirms he and Liezl Sicangco have been divorced for two years

IMAGE 0


Unknown to many, action superstar Robin Padilla and Liezl Sicangco have been separated for two years now. But only recently did Robin admit this to a veteran columnist.


Robin Padilla will turn 40 on November 23.

Pero single ulit ang action star dahil inamin niya sa isang veteran columnist na two years na silang divorced ng kanyang asawa na si Liezl Sicangco. Kinumpirma rin ni Robin na may asawa nang iba si Liezl sa Australia. Halos 20 years nagsama noon sina Robin at Liezl.

Tumangging magbigay ng iba pang detalye si Robin.

Kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono kaninang umaga, November 6, ang isang taong malapit kay Robin upang humingi ng iba pang mga detalye tungkol dito.

Tinanong namin ang aming source kung bakit ngayon lamang lumabas ang balitang divorced na pala sina Robin at Liezl.

"Siguro, dahil wala namang lumabas na issue tungkol doon at wala rin namang nagtanong sa kanya," sagot ng aming kausap. "Pero I'm glad na maayos naman pala silang nagkahiwalay ni Liezl at mas naging magkaibigan pa sila ngayon. Nasa higher level na ang friendship kaysa noong mag-asawa pa sila.

"Mas masaya ang relationship nila, na kay Liezl pa rin ang mga bata at kung may okasyon na dapat ay narito silang mag-iina, dumarating sila rito. Last year, magkakasama silang pumunta sa Europe, bale birthday gift niya [Robin] 'yon kay Liezl. Sa November 19, uuwi rito ang mag-iina dahil sa November 23, 40th birthday nga ni Robin.

Dagdag niya, "Pero walang big celebration, mas concentrated ngayon si Robin sa kanyang mga advocacies. At sa araw ng birthday niya, sama-sama silang pupunta sa Cuyapo, Nueva Ecija para mamigay ng relief goods. Tuluy-tuloy din ang pagpunta niya sa depressed areas ng mga kapatid niyang Muslim."

Natuloy ba ang pagpunta ni Robin sa Libya?

"Hindi siya natuloy," sagot ng aming source. "Dapat ay aalis siya ngayon pero nagka-sore eyes siya. Nasa bahay lamang muna siya dahil ayaw niyang makahawa."

Tentative pa rin ang pag-alis ni Robin sa U.S. sa December 10. May tatapusin pa kasi siyang commitments sa ilang endorsements niya na willing ding mamigay ng relief goods sa iba't ibang apektadong lugar na gusto niyang puntahan. Isa na rito ang bayan ng ama niya sa Panganiban, Camarines Norte, na pupuntahan niya bago umalis papuntang U.S. Nagpunta kasi si Robin, with BB Gandanghari sa Panganiban at nakita niya kung gaano ito napinsala ng bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang bunsong anak nina Robin at Liezl na si Ali ang nag-request sa action star na gusto nitong pumunta ng Disneyland. Ipinakuha na rin ni Robin ng visa ang ibang mga anak niya na sina Queenie, Kylie, at ZhenZhen dahil first time lang nilang pupunta sa States.

Ang mga babaeng anak daw ni Robin ay dadalaw rin sa anak ng action star sa dating aktres na si Leah Orosa, si Camille, 19 years old na naka-base na roon. Magba-bonding daw sila.

After ng Christmas vacation nila sa States, back to work na ulit si Robin para tapusin ang shooting ng movie niya with Toni Gonzaga for Star Cinema

Ngayong puwede nang mag-girlfriend ulit ni Robin, ready na rin kaya siya for another relationship?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN