Dingdong Dantes launches his own perfume line for Bench

IMAGE 0


"Actually, early last year pa. It so happened na marami rin celebrities na nag-launch ng pabango. So, siyempre, may kanya-kanyang panahon 'yan. May kanya-kanyang schedules. That's why I'm very fortunate and I'm very happy na nabigay sa akin itong month of November. Tamang-tama, magpa-Pasko at magandang pang-regalo," says Dingdong Dantes about having his own perfume line.


Wala halos ideya ang karamihan sa mga inimbitahang press people ng Bench kung sino ang celebrity endorser ng bago nilang perfume line, ang Desired. Kagabi lamang na-reveal kung sino ang endorser sa pamamagitan ng isang intimate fashion show na ginanap sa 2nd floor ng Edsa Shangri-La Hotel.

Ang endorser ng Desired ay walang iba kundi si Dingdong Dantes.

Ayon sa actor-TV host, siya mismo ang nakaisip ng naturang brand name at kasama rin siya sa nag-conceptualize ng overall look ng bagong scent ng Bench.

Siyempre pa, very happy si Dingdong na ngayon ay meron na rin siyang sariling perfume line.

"Nagpapasalamat ako sa Bench dahil matagal ko na talagang... Even as a kid kasi, hilig ko na talaga ang pumorma at isa sa pagkumpleto ng porma ay yung pabango or fragrance talaga. It will determine your personality. Kaya nga noong nabigyan ako ng pagkakataon ng Bench to come out with my own scent, e, ito talaga ang konsepto na nakita namin," saad niya.

Matagal na rin daw na-conceptualize ang pagkakaroon niya ng sariling perfume para sa Bench. Pero bawat isa sa kanilang Bench celebrity endorsers ay may kanya-kanyang schedule.

"Actually, early last year pa. It so happened na marami rin celebrities na nag-launch ng pabango. So, siyempre, may kanya-kanyang panahon 'yan. May kanya-kanyang schedules. That's why I'm very fortunate and I'm very happy na nabigay sa akin itong month of November. Tamang-tama, magpa-Pasko at magandang pang-regalo."

Ano ang concept na ginawa niya para sa line of perfuime niya?

"Well, yung overall feel, yung overall look. Kasi, kung maamoy mo siya, maihahambing mo siya sa hitsura ng kahon, yung packaging niya. It is very intriguing, very warm, elegant, and yet, sexy. So, ganun ang dating niya."

Bukod sa kanya at sa ilang Bench people, kasama na ang big boss nito na si Mr. Ben Chan, pinaamoy muna raw ni Dingdong sa ilang girls ang iba't ibang scents na pagpipilian—kasama na rito ang rumored girlfriend niyang si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinaamoy ko sa kanya tatlong scents, e, so unanimous talaga ang lumabas na ito. Noong pinaamoy ko sa kanya, kumbaga, narrowed down na, top three favorites ko na yun. So, inamoy niya yung iba at nagkataon na unanimous talaga. Ito ang nagustuhan niya, ito rin ang nagustuhan ng maraming taong pinaamoy ko. But most importantly, ito rin ang gusto ng Bench at ito rin ang 'saktong scent na gusto ko. Kahit dati, ganitong scent din ang ginagamit ko. So, it is very much attached to my personality."

FAMILY FEUD. Samantala, ayaw pang kumpirmahin ni Dingdong kung siya nga ba ang papalit kay Richard Gomez para maging host ng game show na Family Feud. Pati na ang balitang papalitan na siya ni Dennis Trillo bilang co-host ng StarStruck V.

"Baka hindi pa tamang panahon para sabihin!" natatawang sabi ni Dingdong, na tila naiipit sa mga tanong sa kanya. "Siguro hintayin na lang natin ang sasabihin ng Family Feud. Ayoko pong manggaling sa akin, since sila naman ang bumuo ng programang yun. At wala naman ako noong magsimula ito, gusto kong sa kanila manggaling ito."

Pero kung sakali, okey ba sa kanyang maging host ng Family Feud?

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Dingdong. "It would be an honor at isang masayang-masayang programa 'yan na palagi kong pinapanood. Kumbaga, yun ang oras ko sa gym, e, yung Family Feud. Kapag nasa treadmill ako, Family Feud talaga, eksakto 'yan."

Will he also kiss the female contestants gaya ng trademark ni Goma?

"Kung sakali... kung sakali na makuha ko, ha, sisiguraduhin ko na kapag hahalik ako, naka-Desired ako na pabango para hindi naman nakakahiya!" natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN