Dingdong Dantes says trip with Marian Rivera in Singapore and Malaysia strengthened their relationship

IMAGE 0


"One thing for sure, yung bakasyon na yun strengthened not only yung pagkakakilala namin sa isa't isa kundi pati na rin yung bilib namin at tiwala namin. Siyempre, na-realize namin na hindi na lang kami puro trabaho. We need to enjoy and have fun with life and make other people happy also," says Dingdong Dantes about his recent trip with Marian Rivera (inset) to Singapore and Malaysia.


Kagagaling lang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Singapore at Malaysia para sa GMA Pinoy TV at launching ng Dyesebel sa Malaysia for Astor Prima at Marimar sa Singaporefor Starhub at Mio TV.

How was their trip?

"Masarap...sobra! Actually, trabaho siya, pero nagmistulang bakasyon na rin. Primarily, nagpunta kami dun dahil ida-dub kasi sa kanilang local [language] ang Marimar at Dyesebel. So siyempre, in between those engagements, nagkaroon na rin ng konting relaxation," sabi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng perfume line for Bench, ang Desired, last night, November 5.

Three to four days din daw sila sa Malaysia at Singapore kaya nakapag-bonding sila nang husto ni Marian.

"At saka, kumbaga, ang saya!" sambit ni Dingdong. "Pagkatapos ng palaging trabaho na hindi kami magkasama sa work, at least, nagbalik ulit. We joined forces again for something na pinagtrabahuhan namin dati. This time, hindi lang siya sa Pilipinas ipapalabas kundi maging sa Singapore at Malaysia. At ang nakakatuwa, umaabot na rin dun."

Ano ang mga napag-usapan nila ni Marian during their bonding moments in Singapore and Malaysia?

"Siguro it's more on mas napag-usapan namin kung gaano kami kasuwerte sa mga respective jobs namin. She's doing well with what she is doing. Tapos ako, masaya ako sa resulta ng nangyayari sa show namin [Stairway To Heaven]. So, it's more of that. Kailangang pagbutihan pa namin. It's more of a gift. It's a privilege na napagkaloob sa amin.

"One thing for sure, yung bakasyon na yun strengthened not only yung pagkakakilala namin sa isa't isa kundi pati na rin yung bilib namin at tiwala namin. Siyempre, na-realize namin na hindi na lang kami puro trabaho. We need to enjoy and have fun with life and make other people happy also."

May assurance ba silang nabigay sa isa't isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, walang ganoon, ever since naman," maikling sagot ni Dingdong.

Balita ring nag-shopping sila doon at binilhan din nila ang isa't isa ng mga mamahaling gamit?

"Hindi naman... Well, ako, wala kasi akong traveling bag. So, yun ang binili niya," sabi ni Dingdong.

What about him, ano ang binili niya para kay Marian?

"Simple lang, pinakain ko lang siya ng marami!" natatawang sabi niya. "Well, siguro mas magandang siya ang sumagot sa tanong na 'yan."

PHOTOS IN SINGAPORE. Natawa lang si Dingdong when asked tungkol sa mga larawan nila ni Marian habang nagmu-malling nila sa Singapore na lumabas din dito sa PEP. Aware daw siya sa naturang pictures.

"Cute nga, e! Ang labo! Sana may close-up, di ba?" natatawa niyang sabi. "Hindi, biro lang..."

So, kinu-confirm niya na sila nga ni Marian yun?

"Oo naman, oo naman," sabi niya. "Kapag naman nakatalikod or nakaharap, hindi mo naman mapagkakaila."

Sa ngayon, hindi pa raw nila naiisip kung anuman ang magiging plano nila sa Christmas. Pero kinumpirma ni Dingdong na may naiisip na siyang Christmas gift for Marian.

Puwede ba siyang magbigay ng clue tungkol sa ireregalo niya?

"Siguro isa siyang representation ng lahat ng pinaghirapan ko," sagot ni Dingdong.

Tinanong din ng PEP kay Dingdong ang sinabi ni Marin na wala raw silang anniversary kundi "secondsary" lang dahil bawat segundo raw ay ipinaramdam nila ang pagmamahal nila sa isa't isa.

"Oo, kasi like what I always said, I don't wanna give a specific na label kung anuman na special meron kami. I think, it is more than that. So, yun na muna. Hanggang dun na muna. Kung saan kami masaya ngayon, e, yun na muna ang iintindihin namin."

LOVE TRIANGLE? Kung in real life ay going strong pa rin ang kung anumang relasyon nina Dingdong at Marian, in a way, expected na rin daw ng aktor na may mga intriga pa ring lalabas tungkol sa leading lady niya sa Stairway To Heaven na si Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro normal naman yun kasi may show. Ang ginagampanan namin, hindi naman comedy. Yung love story, drama, e. The audience will be inclined to think kung bakit ganun ang pagganap namin. Ako, naiintindihan ko yung ganun," paliwanag ni Dingdong.

Isa ba si Rhian sa napag-usapan nila ni Marian noong nasa Singapore sila?

"Hindi, hindi namin siya napag-usapan. At saka, wala namang kailangang klaruhin dun," diin ng aktor.

After working with Rhian, would he want to work with her again?

"Oo naman, oo naman," sagot ni Dingdong. "She's a very cooperative actress. In fact, makakasama ko siya sa isang movie project next year."

Ayon kay Dingdong, kumpirmado nang si Rhian ang makakatambal niya sa pelikulang Andong Agimat, na sisimulan ang shooting sa December.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN