Pauleen Luna confronted by an old lady for "harming" Jennylyn Mercado in Ikaw Sana

Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg">

Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg">

IMAGE 0


"Nangyari yun sa The Block [SM North Edsa]... Hinampas lang naman niya ako sa braso. Bigla siyang lumapit, naglalakad ako, tapos bigla niya akong hinampas. Sinigawan niya ako, 'Ang sama ng ugali mo! Bakit inaapi mo si Jennylyn?'" recounts Pauleen Luna about an old lady who confronted her in a mall.


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng GMA-7 early primetime series na Ikaw Sana kaninang tanghali, November 6, sa Il Terrazo sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa pakikipag-usap namin sa isa sa mga bida ritong si Pauleen Luna ay naikuwento niya ang naging karanasan niya sa isang mall kamakailan nang saktan at talakan daw siya ng isang matandang babae. Ito ay dahil sa "pananakit" daw niya kay Jennylyn Mercado sa mga eksena nila sa Ikaw Sana.

"Nangyari yun sa The Block [SM North Edsa]... Hinampas lang naman niya ako sa braso. Bigla siyang lumapit, naglalakad ako, tapos bigla niya akong hinampas. Sinigawan niya ako, 'Ang sama ng ugali mo! Bakit inaapi mo si Jennylyn?'

"Sabi ko, 'Po?'

"Sabi niya, 'Nakita kita sa TV, sinasampal mo si Jennylyn!'

"Sabi ko, 'Nay, huwag po kayong magalit sa akin, nagtatrabaho lang po ako.'

"Tapos sabi niya, 'Hay naku, tigil-tigilan mo 'yang pang-aapi ng kapwa!'

"Sabi ko, 'Sorry po!' Tapos umalis na ako. Baka kasi kung ano pa ang magawa niya sa akin!" natatawang kuwento ni Pauleen.

"Mabait naman ako in real life!" pahabol niya habang tumatawa pa rin.

Yung mga sampal at pananakit naman daw niya kay Jennylyn sa Ikaw Sana ay kinokontrol niya kahit totohanan.

"At saka ako, sinasabi ko ang gagawin ko. Hindi ako nanggugulat ng co-actor, kasi bad yun!" tawa niya ulit. "May mga instances na understandable kapag malakas ang sampal, kasi nakakatulong siya talaga. Pero dapat sinasabi mo. Kunwari kami ni Jen, 'O, sasabunutan muna kita sa kanan tapos sa kaliwa, tapos sasampalin kita sa kanan, tapos hahatakin kita.' Parang choreographed para hindi siya nagugulat. Kasi once na hindi mo sinabi yun, totoo na yun!"

Alin ang mas gusto niya, yung siya ang sinasampal o siya ang nananampal?

"Either way, masakit, e. Either way kasi pag nanampal ka... Mahirap magkontrol ng sampal either way, mahirap either way. Pag sinampal ka, mahirap. Masakit, kasi ikaw ang nasasaktan. Pag ikaw naman ang nanampal, mahirap kasi kailangn mo siyang kontrolin. Hindi siya totoong buhay na galit ka na. Puwede kang manampal na hindi mo kailangang kontrolin," paliwanag ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAYOR GATCHALIAN GETS IZA'S SUPPORT. Malapit na naman ang eleksiyon. Kinausap na ba siya ng ex-boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian para tumulong sa kampanya nito?

"Hindi pa. I think si Iza [Calzado] is campaigning for him, I think. Matagal na silang magkaibigan, I think ten years. Before pa naging kami dati, way back... I think, ha? Hindi ako sure," sabi ng young actress.

Hindi pa ba siya kinukuha ni Mayor Sherwin para mangampanya?

"Okay lang, pero willing ako kapag kinuha niya. Oo naman, wala naman kaming ano, e, rift."

Hindi ba siya nakaramdam ng selos na si Iza ang kinuha ni Mayor Sherwin at hindi siya?

"Okay lang, ang tagal na nilang magkaibigan, sa totoo lang. Wala, wala akong naramdaman. At saka si Iza naman is very nice, at saka may boyfriend siya."

RUMORED CHINESE SUITOR. Nilinaw naman ni Pauleen ang isyu na nanliligaw sa kanya ang Chinese guy na dating boyfriend ng kapwa niya Kapuso talent na si LJ Reyes. Ayon sa kanya, hindi raw siya tumatanggap ng manliligaw ngayon.

"I'm not open to it. Hindi po. Ang misunderstanding dun is I'm not open to it. I'm just being a friend to everyone. Hindi po ako tumatanggap ng manliligaw," sabi niya.

Ikinuwento ni Pauleen kung paano niya nakilala ang Chinese guy na nili-link sa kanya.

"Nag-cut ako ng ribbon sa Save More sa ilalim ng Broadway Centrum. Sila ang may-ari. Dun ko siya na-meet and yun lang yun."

Never daw silang nag-date.

"Hindi po. Ano po talaga, I'm not ready. So ayun, I'm not ready, so wala. I'm really not open to it."

Nanliligaw ba sa kanya ang ex ni LJ?

"Hindi ko tinitingnan that way kahit sino. I'm just being friends with everyone. Hindi, we're just friends, friend lang talaga. Yun lang, nag-cut lang ako ng ribbon," giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "I don't go out with one guy sa mall or kung saan, lahat grupo. 'Tsaka yun nga, hindi pa ako ready, 'tsaka ang dami kong ginagawa."

PAULEEN'S LOLA. First death anniversary ng lola ni Pauleen kahapon, November 5. Last year, binaril at napatay ng isang lalake ang 62-year-old na lola ni Pauleen na si Mrs. Mercedita Jimenez sa Blumentritt, Manila.

"Isang taon na, ambilis, sobra! Tapos birthday ko na sa Tuesday [Nov. 10]. Last year, nag-birthday ako sa burol niya," banggit ng young actress.

Nakakulong na raw ang pumaslang sa lola niya.

"Nahuli siya, di ba? Pero hired killer siya."

Hindi na raw nalaman nina Pauleen kung sino ang mastermind sa pagpaslang sa lola niya. Pero umaasa pa rin ba siyang masu-solve ang kaso?

"Hindi ko po alam, e. Kahit naman ma-solve, it won't bring my grandmother back," malungkot na sabi ni Pauleen.

Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg">


Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg"> Ikaw Sana" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20538/pauleen-luna-confronted-by-an-old-lady-for-harming-jennylyn-mercado-in-ikaw-sana" data-desc="Pauleen says he is not ready to accept suitors now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/85238875b.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN