Dionisia Pacquiao on her first foray into movies: "Hindi ko nahindian si President Erap."

IMAGE 0


At the presscon for Ang Tanging Pamilya, Mommy Dionisia sang two songs of love and betrayal, dedicated to the man she used to love, Manny's father. "Ganoon lang siguro ako kung magmahal. Ibinubuhos ko ang lahat. Pero, pinagtaksilan pa rin niya ako. Kapag ganoon, wala na talagang balikan," she said.


Bonggang-bongga si Dionisia Pacquiao kapag humaharap sa press lately. Ayos na ayos, fully made up at hindi aakalaing siya yung dating Aling Dionisia na taga-General Santos City.


Lumalaganap ang fan following ni Aling Dionisia. Karakter kasi siya at nagpapakatotoo sa sarili kaya nagugustuhan siya ng marami. Hindi niya natanggihan ang kaway ng showbiz, mukhang doon talaga siya papunta, at ganap na siyang artista sa pelikula via Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema Productions.

"Hindi ko nahindian si President Erap [Joseph Estrada]," sabi ni Aling Dionisia. "Siya mismo ang nagsabi sa akin na gusto niyang makasama ako sa pelikula. Maski si Ai Ai [delas Alas], ako ang nire-request, kaya sino ako para tumanggi?

"Nag-offer talaga ang Star Cinema sa akin. Nagpapasalamat ako, siyempre. Makakatulong ang trabaho para sa pamilya ko, yung ibang mga gastusin, makakadagdag ako ng income sa pamilya," simpleng dugtong niya.

NOT READY FOR REGULAR SHOW. Sa palagay ni Mommy Dionisia, sumikat talaga siya at pinag-usapan nang maanyayahan siyang sumayaw sa programang Shall We Dance? na hosted ni Lucy Torres-Gomez sa TV5.

"Pero, kung may mag-o-offer ng sariling TV show sa akin, pag-iisipan ko siguro," sabi niya. "Hindi madaling magsabi, kasi hindi naman ako pupuwedeng magtrabaho nang regular.

"Inaasikaso ko ang pamilya namin sa Gen San. At saka, sabi ni Manny, matanda na ako kaya nga ayaw niyang pumirma ako ng kontrata. Mapipilitan talaga akong magtrabaho. Okey na sa akin yung ganito, paisa-isa."

Hindi lang sa sayawan game na game si Mommy Dionisia. Sa solo presscon na ibinigay ng Star Cinema para sa kanya, nagulantang ang lahat sa ayaw paawat niyang rendition ng "Paper Roses." Uminom pa ito ng tubig bago bumanat ng kanta.

DEDICATED TO THE ONE SHE LOVED. Lalong hindi magkamayaw ang mga reporter sa pagtsi-cheer kay Aling Dionisia nang kantahin niya nang halos buong-buo ang "Isa Lamang Talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang kanta para sa dati kong asawa. Gusto ng mga anak ko na makipagbalikan ako sa kanya, pero ayoko na talaga. Ako ang may ayaw.

"Ganoon lang siguro ako kung magmahal. Ibinubuhos ko ang lahat. Pero, pinagtaksilan pa rin niya ako. Kapag ganoon, wala na talagang balikan," sabi ni Aling Dionisia, bilang paliwanag na rin sa kanyang mga jukebox hit choices.

Inuulan din ng endorsement deals si Aling Dionisia. Yung iba ay paningit lang siya kay Manny, pero yung iba, solong-solo niya.

Magkano na ang rate ni Aling Dionisia?

"Naku, huwag na nating pag-usapan 'yan! Pera lang 'yan. Yung sa unang kinita ko kasi, ipinambili ko na kaagad ng lote. Malapit sa highway, sa Gen San. Nakiusap ako kay Manny na patayuan na niya ng bahay para sa akin.

"Tumutulong pa ako sa anak kong isa. Yung apo ko kasi may sakit sa puso. Kinailangang ma-confine nang matagal sa ospital at tumutulong ako sa gastusin. Si Manny, may pamilya rin kasi 'yan, tumutulong din talaga sa mga kapatid niya.

"Pero, mas maganda talaga yung nagtutulong-tulong kami," pagwawakas ni Aling Dionisia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN