Eula Valdes confirms separation from husband Richard Litonjua

IMAGE 0


Absence did not make the heart grow fonder for Eula Valdes and husband Richard Litonjua, who lives in Australia. "Ngayon, aminado ako na kapag malayo, maraming nangyayari na, alam mo yun, minsan napu-fall out kayo. Parang wala na. Pero friends naman kami," said the actress on Startalk.


Finally, kinumpirma na ni Eula Valdes na hiwalay na sila ng asawa niyang si Richard Litonjua na nakabase sa Australia. Ginawa niya ang paglalahad sa Startalk noong nakapanayam siya sa story conference for her new series sa GMA-7, ang telefantasya na muling pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sinabi ni Eula, "Ngayon, aminado ako na kapag malayo, maraming nangyayari na, alam mo yun, minsan napo-fall out kayo. Parang wala na. Pero friends naman kami. At saka, may buhay na siyang sarili.

"Kadalasan kasi, kapag naghiwalay or whatever, may isyu na ganyan-ganyan... Kami, nag-uusap, nagte-text. Baka umuwi siya rito next year."

Nilinaw naman ni Eula ang isyu sa sexuality ni Richard na diumano'y siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"Ay hindi, hindi, hindi... hindi bading ang asawa ko. Although ang tawag ko sa kanya, bakla," natawa rin sa sinabi niya.

"Hindi... tawagan namin yun. Ang tawag naman niya sa akin, tomboy. Kasi may pagka-boyish ako. Siya naman, since lumaki siya na mostly sa family nila puro babae, in touch siya sa feminine side niya.

"Pero hindi siya bading. Dyusko, walang chance, hindi bading yun. No way! Kahit na wala na kami, masasabi ko talagang hindi siya bading. Distance lang talaga, mahirap."

NEW LOVE. Inamin din ni Eula na may bago na siyang inspirasyon ngayon, ang modelong si Rocky Salumbides.

"Oo... I'm happy. Yun naman ang importante, e. Kailangan happy tayong lahat. Yun naman ang goal natin, di ba?... What you see is what you get. Ayoko naman nung huwag tayong lalabas kasi pag-uusapan tayo. E, okay lang naman sa amin. Okay lang din sa mga anak ko.

"Magkakasundo naman sila. Ano kami... compatible kami, e."

May plano ba siyang muling magpakasal?

"Puwede rin, although ang sabi ng panganay ko, 'Ma, okey lang 'yan ha... pero sana, huwag ka nang magpakasal ulit.' Sabi ko, 'Bakit naman?' Sabi niya, 'Basta... tama na yung isa. Okey lang,' sabi niya, 'okey lang na mag-boyfriend. Pero, hindi rin naman ako nagsasalita nang tapos.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN