Jennylyn Mercado says son with Patrick Garcia will bear the surname of whoever she marries

IMAGE 0


Patrick and Jennylyn find themselves in the awkward position of working for the same network. How would Jennylyn handle a chance encounter between Patrick and Alex Jazz, the son he's never met? "Ano, I'll say... 'Anak, say hi na lang,'" she laughed.


Parehong visible sa Kapuso network ang dating magkarelasyon na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pero kahit papano ay hindi pa rin sila nagkukrus ng landas. Hindi pa sila nagkakausap at nagkikita simula nang magkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan nila, at kahit halos isang taon na ang anak nilang si Alex Jazz or AJ, hindi pa rin ito nasisilayan ni Patrick.

Patuloy lang ang takbo ng buhay ng dalawa na busy sa kani-kanyang career.

Si Jennylyn ay featured sa cover ng FHM magazine ngayong November habang si Patrick naman ay kasama sa bagong series ng GMA-7 na Fullhaus.

Ayon kay Jennylyn, iisa lang daw ang mensahe niya sa pagpo-pose nang sexy sa FHM: "Kahit na mommy ka na, hindi naman ibig sabihin na papabayaan mo na ang katawan mo. Kailangan, di ba, palagi kang fresh, palagi kang maganda, maganda ang skin, yung katawan mo slim. O kahit hindi masyadong payat, kailangan fit ka, di ba?"

Loveless raw si Jennylyn, pero wala raw masama kung mag-date man siya. "Single naman ako. Open ako. Pero, wala pa naman."

CHILD'S LAST NAME. Bukod sa trabaho, priority raw ni Jennylyn ang pag-aasikaso kay Alex Jazz. Pero handa na ba siyang ipakilala ang anak sa ama?

"Darating din naman ang time na yun, pero, ayoko nang isipin. Pinaghahandaan ko naman yun."

Napag-isipan na raw niya na mas gusto niyang ipagamit sa anak ang apelyido ng kung sinumang lalaking pakakasalan niya at hindi ang "Garcia."

"I'm sure darating din yung time na maghahanap si AJ ng father figure. Sasabihin ko ang totoo. Walang reason para magsinungaling."

What if makasalubong nilang mag-ina si Patrick?

"Ano, I'll say... 'Anak, say hi na lang,'" at saka tumawa siya.

PATRICK REMAINS OPTIMISTIC. Positive naman si Patrick na isang araw, makikita rin niya nang personal ang anak.

"I'm optimistic that one day, mari-realize niya na it's not about both of us anymore, it's about our son. I may have failed so many things in my life, pero, in being a father, at least, give me a chance to be a father."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May binili raw siyang birthday gift para sa anak.

"Actually, meron ako sa bahay for him. Pero I'll just give it na lang once na maging okey na. Siguro isipin na lang niya ang anak namin na one day, baka makilala ko rin."

Gumagawa ba siya ng hakbang para makita ang bata?

"Well, I have those thinking... pero, baka masamain pa if I'll do any moves. I might just find it in a news that I'm harassing her, you know... Gusto ko, kusang loob niya, bukal sa puso niya na makilala ko na ang anak namin."

Anong reaksiyon niya sa tinuran ni Jennylyn na hindi apelyido niya ang gagamitin ng anak.

Aniya, "Well, kung yun ang gusto niyang mangyari. Basta sana naman siguro, she won't be... na hindi ipakilala [si AJ] sa tunay niyang ama. Siguro ngayon, pero, I don't know. As of now, I just wanna be quiet about it."

What if makasalubong niya ang mag-ina or si Jennylyn, lalo pa nga't pareho silang Kapuso?

"Ako naman anytime, I'm ready to talk to her. Wala naman akong galit na itinatago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN