Mark Herras willing to be godfather of Paolo Contis and Lian Paz's child if they ask him

IMAGE 0


"Ninong na naman ako? Yun na lang ba ang papel ko sa buhay, ninong?" jokes Mark Herras when asked if he will say yes in case ex-girlfriend Lian Paz and Paolo Contis ask him to be the godfather of their unborn child. Mark is one of the ninongs of ex-girlfriend Jennylyn Mercado's child with actor Patrick Garcia, Alex Jazz.


May mga sugat sa braso si Mark Herras nang sadyain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng early primetime series ng GMA-7 na Ikaw Sana. Nakuha raw ng young actor ang mga sugat niya sa bagong sport na kinahihiligan niya—ang longboarding.

"Ano siya, kapag nakakita ka ng skateboard, yung longboard, same lang. Four wheels din pero mas mahaba 'tsaka pang cruising siya, puwede kang downhill, kahit pababa. E, ang nangyari, gumulong ako kasi wala rin namang brake, walang handbrake!" natatawang kuwento ni Mark tungkol sa aksidente niya.

Nangyari raw ang aksidente kay Mark sa taping nila ng Ikaw Sana sa Tagaytay.

"Palipat kami nun ng location. Nag-longboard ako, sumemplang pa, kaya gumulong ako! Sa braso lang naman ako nagkasugat. Pero medyo okay na itong mga sugat ko.

"Nag-i-skateboard na ako dati, then naisip ko it's time na bumili ako ng sarili kong board. Dati kasi nanghihiram lang ako sa mga barkada ko, tapos yun, bumili na nga ako. Nag-try akong mag-longboard.

"Actually, okay na exercise yun kasi once na yung cruise niya pababa, siyempre kailangan mo munang umakyat, e, tapos pasipa ka nang pasipa. Mahirap, e, kaya exercise din yun. Nakaka-develop pati sa upper body."

Ito raw ang dahilan kaya nahinto sa pagdyi-gym si Mark.

"This week, habang walang SOP, babalik na ako sa gym kasi nagpagaling din ako. Actually, second accident ko na ito, e. Yung first, na-sprain ako. Kaya nagpahinga muna ako. Pero now, babalik na ako sa gym."

CAMERA BUG. Hilig din daw ni Mark ang photography.

"Tuluy-tuloy pa rin, pero hindi naman ako talaga nag-aral. Sariling ano lang, kahit ano kinukunan ko. Sabi kasi sa akin ng mga kilala kong professional photographers, 'Kuha lang nang kuha sa kahit nasaan ka. Tapos balang araw, pag titingnan mo yung mga pictures mo, makikita mo yung mga magagandang kuha mo.' Kaya ako, kinukunan ko lahat ng makita ko, lalo na nung bago yung kamera ko. Lahat talaga, kuha ako nang kuha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May paborito ba siyang tao na kunan ng karawan?

"Wala naman. Dati kung nasaan ako, halimbawa nasa SOP ako, lahat ng taga-SOP, kinukunan ko," sabi ni Mark.

Wala siyang partikular na artista na pinakamadalas niyang kunan?

"Ako, sarili ko. Sarili ko!" natatawang sabi niya. "Actually, ayoko ng tao, gusto ko bagay."

GODFATHER IN THE MAKING? Buntis na ngayon ang ex-girlfriend ni Mark na si Lian Paz ng EB Babes. Ang aktor at kaibigan din ni Mark na si Paolo Contis ang ama ng dinadala ni Lian.

Kapag kinuhang ninong si Mark ng magiging anak nina Paolo at Lian, papayag ba siya?

"Ninong na naman ako? Yun na lang ba ang papel ko sa buhay, ninong?" tawa ni Mark, na ninong din ang anak ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

"Seriously," dagdag niya, "oo naman, papayag ako. Kami naman ni Pao, ever since naman, kahit nung simula pa lang ang tungkol sa kanila ni Lian, magkaibigan kami. Walang problema sa amin."

Although matagal na silang hindi nagkikita ni Lian, okay pa rin naman daw ang sitwasyon nila. Kaya walang nakikitang rason si Mark para tumanggi kapag kinuha siyang ninong.

"E, kung ibigay sa akin ni Pao, e. Okay lang, walang problema."

Hindi pa naman daw siya kinakausap nina Paolo at Lian tungkol sa pagni-ninong. "Pero kapag sinabihan nila ako, okay lang. Wala namang kaso yun. Ninong ulit!" tawa niya.

Baka forever siyang maging ninong ng anak ng mga nagiging ex niya?

"Kapag may pantatlo na, baka sumpa na sa akin yun, a!" tawa nang tawang sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN