Cristine Reyes cries foul over "doctored" Internet photos

IMAGE 0


Kapamilya actress Cristine Reyes is one of the busiest actresses nowadays. After Patient X, she is now shooting the MMFF entry Ang Darling Kong Aswang opposite Cristine Reyes. She is also in the cast of the remake of the 1988 film Working Girls, and she is scheduled to tape an episode of ABS-CBN's Precious Hearts Romances

.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang aktres na si Cristine Reyes sa set ng pelikulang Ang Darling Kong Aswang, na official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival. Si Cristine ang gumaganap na leading lady ni Vic Sotto dito.

Kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na Patient X. At ngayon ay ginagawa naman niya ang Ang Darling Kong Aswang. Kasama rin siya sa remake ng 1988 Viva Films movie na Working Girls.

"Happy ako kasi kahit wala akong lovelife, na-entertain ako with my everyday work. Ganado pa din ako mag-work kahit araw-araw ang taping ko, kahit Sunday may shooting ako," sabi ni Cristine.

Hindi pa rin naiwasan ng PEP na kumustahin siya matapos ang Ondoy tragedy.

"Actually, kina Ate Ara [Mina] pa din ako ngayon nakatira, pero soon, lilipat na din ako sa nabili kong house sa may Commonwealth din," banggit ni Cristine. "Pero until now, nasa akin pa din yung two cars ko na nalubog sa baha. Pero thankful ako kasi may mga friend akong sa akin sken ng vehicle nila para sa mga shoot at tapings ko."

Kinuha rin namin reaksiyon niya tungkol sa kumakalat na pictures niya sa isang tabloid, kung saan nasilipan siya ng underwear sa mga litratong kuha raw sa premiere night ng Patient X.

"Gusto ko mag-react diyan. May mga nagsasabi nga na nakitaan ako ng underwear doon. Pero bakit naman sila ganun? Kasi flesh yung kulay na nandun, e, that night, black yung color na suot ko, kaya dinaya nila yun!

"Naiinis din ako kasi meron din akong pictures sa Facebook na na-grab ng mga tao at kung saan-saang mga website pinu-post, sana may konting privacy naman!" reklamo niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN