Chesca Garcia relates how baby Kendra strengthens bond with husband Doug Kramer

IMAGE 0


Chesca Garcia reveals the upcoming activities of her show Us Girls: "Dapat abangan nila our Cebu episode. Everybody who is fan of Twilight, New Moon , Eclipse, Breaking Dawn—magkakaroon kami ng malaking-malaking party for all the fans. Of course, yung mga celebrities na ini-invite din namin in Us Girls na i-open nila ang house nila for Christmas season kasi may ide-decorate


After giving birth to her first baby, balik US Girls na muli si Cheska Garcia. Sa nakaraang pocket presscon ng nasabing show, kung saan naka-usap namin ang actress/TV host, she happily admitted to us that their baby has strengthened the bond between her and husband, Doug Kramer.

Aniya, "Oo naman, Doug and I have always been close as a couple and siguro, Kendra just strengthened the relationship even more."

Ikinuwento rin sa amin ni Cheska ang kaligayahang nararamdaman niya as a hands-on mom kay Kendra.

"Now I know the deeper understanding of what unconditional love is, kumbaga passionate na passionate ka with this person. 'Saka yung changes na di mo akalaing gagawin mo, ginagawa mo ngayon, na it really matures you as a person. I am a hands-on mom. Before nag-breast feed ako..., but I don't breastfeed anymore," pahayag ng nakatatandang kapatid ng aktor na si Patrick Garcia.

Agad naming tinanong kay Cheska kung nakaplano na bang sundan nila ang kanilang baby ni Doug lalo't cute na cute daw ang bata at hati ang features sa kanilang mag-asawa.

"Three years pa siguro," ang mabilis niyang sagot. "Di ba sabi ko before I got married [na uunahin] yung pagsasama namin as a couple. But the following month, I found out that I was already pregnant. October ako nagpakasal, by November buntis na ako."

Pagdating naman sa trabaho, hindi naman daw nag-set ng limitasyon si Dougs sa kanyang career.

"Walang restrictions naman, I guess parang ako pa nga ang nagbibigay ng restrictions sa sarili because I now I have to be a little bit conscious about things that I do. Sa mga sinusuot ko naman, ganun pa rin ako, di naman ako revealing na tao, I don't wear revealing clothes."

Regular na muling mapapanood sa US Girls si Cheska. Excited ang bagong mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very happy, I miss Iya [Villania] and Angel [Aquino] kasi, siyempre, naging close din kami. We've been together for how many years na rin so talagang na-miss ko sila," pagtatapos ni Chesca.

Ang Us Girls ay mapapanood tuwing Linggo, sa timeslot na 7:00 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN