Karylle receives Gold Record award for her album Letting Go

IMAGE 0


"Yung naranasan ko kasi, ano siya, may healing power ang music. Masakit man siya, pagdadaanan mo siya. Pero pagkatapos nun, mayroon namang next step na okay ka na. May mga tao kasi na dine-deny nila ang feelings nila at nakakasama pa yun dahil hindi nila nailalabas ang lahat," says Karylle about drawing inspiration from her breakup with Dingdong Dantes while recording the album Letting Go.


Last Sunday, November 8, ay pinarangalan ang album ni Karylle na Letting Go ng Gold Record award sa kinabibilangan niyang musical-variety program na ASAP '09.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang singer-actress sa natamong award.

"This is my very, very first gold record album and this is for my album, Letting Go. Hanggang ngayon nga nagpo-promote pa rin ako, mayroon pa rin kaming mall shows, so tuluy-tuloy pa rin kami.

"It really feels so much sweeter pag naranasan mo yung pagod talaga, tapos it pays off. It really didn't come easy pero talagang pinagtrabahuhan ko and I wanted to improve my craft and all that, nagsulat talaga ako. Before, nagsulat ako ng 12 songs na ni-record ko, three made it to the album. May mga natapon pa rin, pero hopefully mapasama sila sa next, pag bagay sa concept."

Matatandaang nang i-release ang Letting Go ay kabi-break lang noon nina Karylle at Dingdong Dantes. According to Karylle, isa sa nakatulong para maghilom ang kanyang sugat sa puso ay ang musika.

"Parati kong sinasabi before na we should stop talking about it, ikakanta ko na lang. Yung naranasan ko kasi, ano siya, may healing power ang music. Masakit man siya, pagdadaanan mo siya. Pero pagkatapos nun, mayroon namang next step na okay ka na. May mga tao kasi na dine-deny nila ang feelings nila at nakakasama pa yun dahil hindi nila nailalabas ang lahat," saad niya.

DAHIL MAY ISANG IKAW. Sa teleserye namang kinabibilangan ni Karylle, Dahil May Isang Ikaw, balitang mas daring at sexy na ang role na ginagampanan niya rito bilang si Denise.

"Well, nag-iiba lang yung character," sabi ni Karylle. "Kasi ngayon, dumating na sa point na ikinasal na sila Kristine [Hermosa] and Jericho [Rosales] sa istorya. So, nag-e-escalate na rin yung feelings, yung pagkabaliw ni Denise sa pag-ibig. To be honest, hindi ko rin alam ang mga susunod na gagawin niya. Medyo mas sexy na rin yung character, pero hindi ko alam kung mas sexy pa ba dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usap-usapan din ngayon na nagkapisikalan daw ang co-stars nila sa Dahil May Isang Ikaw na sina Lorna Tolentino at Chin Chin Guetirrez sa kanilang fight scenes. Ito'y naging dahilan daw ng tension sa kanilang set. Ano ang reaksiyon dito ni Karylle?

"Nakarating sa akin 'yan, nabasa ko. But so far, wala naman akong nakitang problema. The last time that we're together, it's in a wedding scene and okey naman kaming lahat.

"Ako, nakaranas na rin ako ng mga fight scenes and mahirap, mahirap talaga siya kasi minsan nagkakamali ka. Ako, maingat din ako pero minsan naman nawawala yung feelings pag masyado kang maingat. Kaya kailangan talaga, balanse," paliwanag ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN