Toni Gonzaga doesn't worry about being courted by "lady-killer" Robin Padilla in upcoming film

IMAGE 0


Although it has not yet been formally announced, Toni Gonzaga will be the leading lady of Robin Padilla in his comeback movie with Star Cinema. "Siyempre, I'm honored and flattered dahil talagang privilege na mabigyan ng chance na makatrabaho siya," says Toni about working with the action superstar.


Pagkatapos ng pelikula ni Toni Gonzaga with Joseph "Erap" Estrada, Sam Milby, Dionisia Pacquiao, at Ai-Ai delas Alas, Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema, inaabangang na rin ang nalalapit na tambalan nila ng action star na si Robin Padilla sa big screem.

"E, hindi pa naman formally ina-announce," mahiyaing komento ni Toni nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Entertainment Live sa ABS-CBN.

Pero sinabi namin sa kanya na mismong si Robin ang nagsasabi tungkol sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema kasama siya.

"Talaga? Wow! Siyempre, I'm honored and flattered dahil talagang privilege na mabigyan ng chance na makatrabaho siya," sambit ni Toni.

Hindi ba siya kinakabahan dahil halos lahat ng leading lady ni Robin sa pelikula ay niligawan niya?

"Hindi naman," sagot ni Toni. "Kasi hindi naman yun ang ine-expect ko kapag nakatrabaho siya. Siyempre, ang iniisip ko agad yung pelikula. Kung paano magagawang maganda ang trabaho namin. Kung paano ako magiging professional sa set kapag kasama siya."

Magaling daw manligaw si Robin kaya kahit may boyfriend na ang leading lady niya ay napapasagot pa rin niya, lalo na ngayong divorced na sila ng asawa niyang si Liezl Sicangco. Ano ang masasabi ni Toni rito?

"Talaga? A, e, huwag na nating isipin yun. Saka na, kapag nasa set na. Charos!" tawa niya.

TONI'S SISTER IS NOW UNDER ATTACK. Nagbigay naman ng kanyang opinyon si Toni sa kinasasangkutang intriga ng younger sister niyang si Alex Gonzaga. Tinitira raw kasi ngayon ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson `si Alex dahil sa sinabi nito sa isang episode ng hinu-host niyang showbiz talk show Juicy sa TV5.

"Ay, naku, hindi naman. Pero kung totoo man, naiintindihan ko ang mga fans," sabi ni Toni.

Ano ba ang ginawa ni Alex?

"Hindi ko nga alam, e. Hindi ko alam, pero naintinidhan ko agad. Hindi ko pa nga alam ang dahilan, naintindihan ko agad ang dahilan!" natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, napanood ko ang sinabi ng kapatid ko," patuloy niya. "Personally, hindi bilang kapatid, kasi bilang talk show host ng isang entertainment program na tina-tackle ang mga isyu regarding artists, siyempre, dapat alam mo kung hanggang saan lang ang puwede mong sabihin sa telebisyon.

"Pero so far, sa napanood ko, sinasabi na below the belt. Nag-comment lang siya regarding ano, nag-follow up lang siya about the issue. Siguro nagkataon lang na very sensitive ang mga fans, which in-explain ko sa kapatid ko. Kasi na-hurt din siya.

"Siyempre, hindi naman siya talaga ganun ka-active sa showbiz na talagang all-out. Tapos makakatanggap siya ng ganung salita. Naiyak siya. Pero sabi ko sa kanya, 'Kailangang maging makapal ang balat mo diyan. Hindi ka puwedeng maging balat-sibuyas diyan. Kailangan handa ka sa mga ibabato sa 'yo. Mas marami nga akong salita na natanggap noon.'

"Yung pagiging payat ba [ni Kim] yung sinabi niya? Tapos ako rin daw, tinira na rin. E, kapag ganun naman, naiintindihan na namin yun. Wala yun kasi mas marami akong masasakit na salitang tinanggap nung lumipat ako [from GMA-7 to ABS-CBN].

"Pero ang kapatid ko, nalulungkot siya. Ayaw niya ng ganun kasi nasisimula pa lang daw siya. Pero ako naman, lagi kong sinasabi sa kapatid ko, 'Ganyan talaga.'"

Humagulgol ba si Alex dahil sa nangyari?

"A, semi-hagulgol," seryosong biro ni Toni. "Yeah, na-hurt siya. Hurt talaga yung bagets. Na-trauma kasi talagang binombard siya ng kung anik-anik na intriga. Sabi nga niya, nagsisimula pa lang siya, bakit ganun?"

Pero hindi naman aabot sa puntong gusto nang mag-quit ni Alex sa paghu-host ng show niyang Juicy?

"Sabi ko sa kanya, 'Parte 'yan ng job mo. Dahil sa nangyari, after nito matututo ka na. Mati-train ka as a host. Kapag magaling-galing ka na talaga, kasi bilang host alam mo yung limitation, alam mo kung ano lang ang sasabihin mo sa TV. So, kapag nahasa ka na nang nahasa, puwede ka nang maging reporter.' Charos! Pinag-reporter!" tawa ulit ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN