Ai-Ai delas Alas wants to do a concert like Madonna when she turns 50

IMAGE 0


"Gusto ko Madonna ang dating ko kapag nag-concert ako. In five years time, 50 na ako. Gusto ko nagko-concert pa rin ako. Tingnan ko kung kaya ko pa ring gayahin si Madonna!" says Ai-Ai delas Alas.


Doble ang saya ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ngayong araw, November 11! Sa unang pagkakataon, ipalalabas ang pelikula niya sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Sine-celebrate ni Ai-Ai ang kanyang 45th kaarawan ngayong araw kasabay ng opening ng first team-up nila ng legendary action king at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round mula sa Star Cinema.

"Wish ko talaga maging successful ang movie namin. Kasi, kumbaga sa panganganak, ang labor pains ng pelikulang ito, e, napakasakit. So, di ba, pag panganak mo, pag lumabas yung baby, ang ganda ng baby, nawawala lahat ng pain? So, sana ganun ang mangyari," asam ni Ai-Ai nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta naman ang puso niya ngayong magbi-birthday siya?

"Isa siyang sinumpang bagay sa buhay ko!" tawa niya. "Kaya nga ang theme song ko, e, 'You Can't Have It All.' Kaya idol na idol ko si Ate Vi [Vilma Santos]. Isa lang ang diperensiya namin—siya nagkaroon ng asawa, ako wala."

ANG TANGING INA PART 3. May ideya na ba siya kung ano ang susunod niyang movie project sa Star Cinema?

"I think yung Ang Tanging Ina 3. Tungkol naman 'yan sa pagiging OFW ni Inah, ang character na nanay na minahal ng mga tao sa Ang Tanging Ina," banggit ng comedienne.

Bukod sa mainstream movies, wala ba siyang planong gumawa ng indie film o mag-produce ng ganitong uri ng pelikula?

"Actually, gusto ko," sagot niya. "Gusto kong gumawa ng indie film. Pero straight drama, ha. Siyempre si Direk Wenn [Deramas] din ang direktor ng movie ko. Pero mag-uusap muna kami. Pag-uusapan namin 'yan. At ako ang magpro-produce."

Pinaplano pa ni Ai-Ai kung kailan siya gagawa ng indie film. Kare-renew lang niya kasi ng kontrata sa Star Cinema for two years at may tatlong pelikula pa siyang gagawin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH JOLO. Sa ngayon, busy si Ai-Ai sa weekly series na ginagawa niya sa ABS-CBN, ang Pepeng Agimat na pinagbibidahan ni Jolo Revilla.

"Anak ko si Jolo dito. Tapos may eksena rin kami ni Senator Bong Revilla. Bale, anak namin si Jolo," banggit ni Ai-Ai.

Kumusta namang katrabaho si Jolo after working with his dad sa movie nila noon na Kapag Tumibok Ang Puso?

"Para siyang si Bong Revilla. Nanginginig ang boses niya. Mahilig siyang magpalaki ng boses niya. Hanggang December pa taping ko. Tapos noon, gagawin na yung bagong teleserye sa ABS-CBN na kasama ako."

ANNIVERSARY CONCERT. Nagpaplano rin si Ai-Ai ng bonggang anniversary concert sa Araneta Coliseum next year. Ito ang 20th year niya sa showbiz.

"Gusto ko Madonna ang dating ko kapag nag-concert ako. In five years time, 50 na ako. Gusto ko nagko-concert pa rin ako. Tingnan ko kung kaya ko pa ring gayahin si Madonna!" natatawang sabi niya.

Last week of November may plano si Ai-Ai na pumunta sa Europe.

"Oo, sandali lang ako doon. Wala lang, magbabakasyon. Parang birthday gift ko na sa sarili ko," makahulugang sabi ni AiAi.

AI-CONIC. Pero bago tumulak patungong Europe si AiAi, may show siya sa bagong bukas na Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, titled Ai-conic on November 20, Friday, 10 pm. Special guests niya si Sam Milby at ang bagong grupo na Young Sessionistas.

"Kakaiba ito kasi first-ever fashion-comedy concert. Bahala na kayong umintindi!" sabay tawa ni AiAi. "Pero nag-pictorial pa talaga ako para sa show na 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN