Mommy Dionisia Pacquiao: "Natutuwa ako sa mga tao na idol nila ako."

IMAGE 0


From being known as the mother of Filipino boxing champ Manny Pacquiao, Dionisia Pacquiao is now a celebrity in her own right. She is introduced in the Star Cinema movie Ang Tanging Pamilya

.


Feel na feel na ni Mommy Dionisia Pacquiao ang kanyang pagiging artista dahil todo kaway talaga siya sa kanyang mga tagahanga habang naglalakad siya sa red carpet sa premiere night ng Star Cinema movie na Ang Tanging Pamilya kagabi, November 10, sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Introducing si Mommy Dionisia sa movie na ito na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, kasama sina Toni Gonzaga at Sam Milby. Showing na ito sa mga sinehan starting today, November 11.

Sa lakas ng tawanan ng mga tao sa loob ng sinehan sa tuwing lalabas sa screen si Mommy Dionisia ay patunay lamang na siya na nga ang bagong comedy discovery sa Philippine showbiz.

Tuwang-tuwa naman si Mommy Dionisia sa magandang reaksiyon at feedback na nakuha niya sa mga tao sa kanyang unang sabak sa pelikula.

"Nagpasalamat ako talaga, ang daming naghanga, tuwang-tuwa ako! Ang daming naghanga sa amin. Masaya ako talaga ngayon," sambit ni Mommy Dionisia, na kumikislap sa dami ng suot niyang alahas, nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa post-premiere cast party ng Ang Tanging Pamilya sa Lutong Macau sa SM Megamall.

Ano ang reaksiyon niya nang mapanood niya ang sarili na umaarte sa big screen?

"Na-happy ako talaga. Ay, nakita ko na ang aking sarili. Artista na ako!"

Ano ang paborito niyang eksena sa Ang Tanging Pamilya?

"Yung pagbeso-beso namin ni Ai-Ai [na nagme-make face sila pareho dahil hate nga nila ang isa't isa]. Yung nagsabunutan. Tapos yung sayaw namin ni Ai-Ai [nag-dance showdown sila sa movie)."

May naka-lineup na ba siyang next movie na gagawin?

"A, hindi ko pa alam. Magpahinga muna siguro ako."

Sino ang gusto niyang makasama sa susunod niyang pelikula?

"Sinabi ko na sa kanila, isali nila si Piolo Pascual. Magiging anak ko siya," sagot ni Mommy Dionisia.

Paano niya pini-feel ang kasikatan niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang happy! Natutuwa ako sa mga tao na idol nila ako. Haping-happy daw sila, sabi nila."

MANNY'S REACTION. Ano sa tingin niya ang magiging reaksiyon ng anak niyang si Manny pag napanood ang movie niya?

"Siyempre, masaya. Masaya siya talaga dahil alam naman niya na ang nanay niya artista na talaga."

Dahil nga nasa Las Vegas ngayon si Manny para sa kanyang big fight versus Miguel Cotto sa November 15, pagbalik na lang daw ng Pilipinas siguradong manonood silang buong pamilya. Maging ang asawa ni Manny kasi na si Jinkee ay nasa U.S. na rin. Ngayong araw naman na ito, November 11, ang flight ni Mommy Dionisia papuntang States.

Paano naman niya sinusuportahan si Manny sa laban nito?

"Mag-pray lang. Yun lang."

Bukod sa laban ni Manny, isa rin sa sasadyain ni Mommy Dionisia ang imbitasyon sa kanya ng idol niyang si Imelda Papin para makasama sa concert nito sa Las Vegas.

"Yun nga, e. Excited na ako na makita siya sa personal. Sabi niya, 'Maghintay ako dito sa Vegas.' 'Pupuntahan kita sa Vegas,' sabi ko. Mag-duet kami sa concert,"

BIRTHDAY WISH FOR AI-AI. Hiningan din namin ng birthday wish si Mommy Dionisia para kay Ai-Ai na birthday niya today, November 11.

"Ang wish ko lang kay Balae ay kumita ang aming pelikula at sana ay bigyan pa siya ng mahabang buhay ng Panginoon para makaalaga pa siya sa mga anak niya. Bigyan siya ng kalusugan ng katawan."

Pareho silang single mother ni Ai-Ai, anong payo ang puwede niyang ibahagi sa Comedy Queen?

"Buti nga mag-isa na lang. Ibuhos na lang namin sa mga anak ang oras namin, ang pagmamahal namin sa mga anak para wala na silang kahati," sabi ni Mommy Dionisia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN