Birthday girl Ai-Ai delas Alas wants to look for love in Greece

IMAGE 0


"Ang birthday wish ko, bukod sa kumita nang bonggang-bongga yung movie, sana wala na lang masyadong salanta na maganap sa Pilipinas, mga bagyo, baha, lindol. Kasi kawawa naman yung mga kapwa natin Pilipino, masyado na tayong... quota na tayo sa kahirapan. Sana maging masaya na lang yung Pasko natin," says Ai-Ai delas Alas who is celebrating her 45th birthday today, November 11.


Inabutan na ng birthday niya si Comedy Queen Ai-Ai delas kaninang alas-dose ng madaling-araw, November 11, sa cast party na ginanap sa Lutong Macau restaurant sa SM Megamall. Dito kasi dumiretso ang cast and staff ng Ang Tanging Pamilya matapos ang matagumpay na premiere night ng pinagbibidahan niyang pelikula with Joseph "Erap" Estrada. Ginanap naman kagabi, November 10, ang premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Kinantahan ng "Happy Birthday" si Ai-Ai ng cast at mga taong nasa loob ng restaurant eksaktong hatinggabi, with matching cake pa at candle blowing.

Present sa cast party ang direktor ng Ang Tanging Pamilya na si Direk Wenn Deramas, ang ibang cast na sina Toni Gonzaga, Sam Milby, Mommy Dionisia Pacquiao, Candy Pangilinan with boyfriend Direk GB Sampedro, Thou Reyes, AJ Perez, Igiboy Flores, Carl Camo, Miguelito de Guzman, Empoy Marquez at Carla Humphries. Nandun din ang mga Star Cinema executives na sina Ms. Malou Santos at Direk Olive Lamasan.

Wala si Erap sa cast party dahil may sarili raw itong ginawang selebrasyon para sa kanyang mga kaibigan.

Masayang-masaya naman si Ai-Ai nang humarap sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kasama ang ilang ABS-CBN TV crew.

"Salamat naman po sa Panginoon at natapos na rin po ang premiere night at napaka-successful! Salamat po sa lahat ng mga taong nanood at salamat po sa lahat ng mga manonood pa. And thank you dahil first time po na ipapalabas ang pelikula namin na birthday ko," saad ni Ai-Ai.

Ano ang masasabi niya sa dami ng celebrities at politicians na sumuporta sa premiere ng movie nila ni Erap?

"Oo nga, e. Actually, wala na akong masabi kasi ang saya-saya ko dahil ito ang isa sa pinaka-classic na pelikulang nagawa ko dahil kasama ko ang ating dating Presidente. Sabi ko nga, kahit sa second life ko, alam ko hindi ko na siya makakasama sa movie. At ito na yung nabigyan ako ng pagkakaton sa dami ng artistang babaeng maganda, sa dami ng mga artistang babaeng magaling, ako yung napili ng ating dating Pangulo at tuwang-tuwa naman ako doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa favorite na eksena ni Ai-Ai sa movie ang kissing scene nila ni Erap.

"At may kissing scene pa!" sambit niya. "Tinodo ko na talaga, 'day! Binonggang-bongga ko na talaga. At sabi naman ni Papa Erap, 'Huwag mong bigyan ng malisya,'" biro ni Ai-Ai.

PRESSURE. Sa dami na ng nagawa niyang box-office hit movies, nakakaramdam pa rin ba siya ng pressure sa Ang Tanging Pamilya?

"Palagi naman akong nape-pressure, e. Kanina nga sinabi nila sa akin na gagawin ko na yung Tanging Ina 3, na-stress na naman ako, 'day! Sabi ko, 'Puwede papahingahin n'yo muna ako? Nai-stress ako.' Yun na lang ang nasabi ko!" natatawang sabi ni Ai-Ai.

Ang Part 3 ng Ang Tanging Ina ay intended daw para sa Metro Manila Film Festival next year.

Mukhang mas malaki ang chance ni Ai-Ai na makuha ang Box-Office Queen award next year dahil sa pawang hit ang movies niya this year. Ano ang comment niya rito?

"Oo nga raw, at saka sabi nila yung tatlong movies ko lahat naman kumita. Kahit yung Tanging Ina 2 [MMFF 2008 entry] dumating ng January, tapos BFF [with Sharon Cuneta], tapos ito [Ang Tanging Pamilya]."

SOUL-SEARCHING. Maganda ang takbo ng kanyang career, okay din ang kanyang family. Kumusta naman ang lovelife niya?

"Hindi naman lahat ibinibigay. So, okay lang. Sinabi ko naman kay God kung ano na lang yung gusto niyang ibigay sa akin, yun na yun. Thy will be done."

Kasama rin ba ang lovelife sa purpose ng inihayag niyang "soul- searching" sa Greece?

"Oo, yun din. Hahanapin ko yung kaligayahan ko, kasi ayoko namang tumandang mag-isa."

Sa November 29 na raw ang alis ni Ai-Ai patungong Greece. Ang bakasyon niyang ito ay pa-birthday na rin daw niya sa sarili.

BIRTHDAY WISH. Ano ba ang birthday wish niya today?

"Ang birthday wish ko, bukod sa kumita nang bonggang-bongga yung movie, sana wala na lang masyadong salanta na maganap sa Pilipinas, mga bagyo, baha, lindol. Kasi kawawa naman yung mga kapwa natin Pilipino, masyado na tayong... quota na tayo sa kahirapan. Sana maging masaya na lang yung Pasko natin. Itong movie, maagang Pamasko sa kanila kasi para happy naman tayo. Sana wala na lang yung mga kalamidad. And siyempre, good health para sa pamilya ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang plano niya sa birthday niya?

"Wala. Konting dinner-dinner lang."

THE AQUINOS. Samantala, dumating din para sumuporta sa premiere night ang kabigan ni Ai-Ai na si Kris Aquino, kasama ang mga kapatid nitong sina Ballsy at Pinky. Ano ang feeling?

"Masaya ako kasi first time nila akong sinuportahan sa movie ko. Masayang-masaya ako and thankful ako kay Friendship [tawag niya kay Kris], nandiyan siya para suportahan yung movie namin. And ang mga 'couz [cousins] ko nandiyan. Feeling ko, I'm a Cojuangco-Aquino. Kulang na lang si brother [Noynoy]. Pero nandiyan naman ang pamilya, so happy naman ako kasi yung suportang ibinibigay ko sa kanila, kay Tita Cory, e nandiyan naman sila ngayon."

So, buo ang suporta niya kay Noynoy sa 2010 elections?

"Oo naman. Sinabi ko naman yun, e," sagot ni Ai-Ai.

Hindi ba nagtampo ang leading man niyang si Erap na kakandidato rin at makakalaban ni Noynoy sa pagkapangulo sa 201o elections?

"Hindi naman. Nag-usap na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN