Survivor Philippines: Palau Update: Charles de Vera Fernandez last castaway to be voted off

IMAGE 0


Charles de Vera Fernandez (main photo), the young businessman from Pangasinan, became the last castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau. With his exit, the Final 3 is now complete: (insets, from top) Justine Ferrer, Jef Gaitan, and Amanda Colley Van Cooll.


Nagbabaga sa init ang naganap na Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau. Dito ay nalaman na ang tatlong castaways na maglalaban-laban para sa cash prize na three million pesos at sa titulong Pinoy Sole Survivor.

Ang tatlong natitirang castaways ay sina Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cooll, at Jef Gaitan. Samantalang natanggal naman ang businessman mula sa Pangasinan na si Charles de Vera Fernandez.

Naging makapigil-hininga ang Tribal Council dahil naglabasan ng sama ng loob sina Justine, Amanda, Jef, at Charles. Halos lahat sila ay nagpakawala ng maaanghang na salita laban sa isa't isa na ikinagulat maging ng Jury. Bago pa man sila pumunta sa Tribal Council ay nagkainitan na ang apat sa kampo pa lang. Marahil ay naipon na ang lahat ng galit at sama ng loob nila, partikular na si Justine, kaya ibinuhos na nila ito lahat.

Bagamat si Charles ang nanalo sa huling Immunity challenge ay kinailangan niya itong i-give up nang mas piliin niya ang reward na condo unit sa Makati na nagkakahalaga ng P2 million. Binigyan din siya ng karapatang mamili kung kanino mapupunta ang Immunity necklace sa mga natitira niyang kasama.

Sa huli, pinili ni Charles na ibigay ang Immunity necklace kay Justine.

Dalawang beses nagkaroon ng tie sa botohan kung sino ang huling castaway na matatanggal. Sa unang botohan ay ibinoto nina Justine at Charles si Amanda, samantalang sina Jef at Amanda naman ay ibinoto si Charles. Sa ikalawang botohan ay sina Justine at Jef na lang ang bumoto. At muli ay nagkaroon ng tie nang si Amanda ang ibinoto ni Justine at si Charles naman ang ibinoto ni Jef.

Dahil dito, nagkaroon ng tie-breaker sa pamamagitan ng paggawa ng apoy. Ang unang makapagpapasindi ng apoy at magpapaputol sa lubid ang siyang mananalo at makakasama sa Final 3.

Bagamat unang nakagawa ng apoy si Charles, hindi naman ito naging sapat para maputol niya ang lubid dahil naubusan na siya ng kusot na magpapaningas ng apoy. Sinamantala ni Amanda ang pagkakataon para makagawa ng apoy at manalo sa kanilang labanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Amanda ang makakasama nina Justine at Jef sa Final 3. Natalo man siya, hindi masyadong nanghinayang si Charles dahil meron na nga siyang condo unit.

Si Charles ang ika-pito at huling miyembro ng Jury na kinabibilangan din nina Marvin Kiefer, Tara Macias, Echo Caceres, Suzuki Sadatsugu, Shaun Rodriguez, at Mika Batchelor. Sila ang magdedesisyon at boboto kung sino ang mananalo ng tatlong milyong piso at sa titulong Pinoy Sole Survivor.

Sa huling Tribal Council ay bibigyan ng karapatan ang mga miyembro ng Jury na tanungin isa-isa ang Final 3 ng kahit na ano. Dito nila ibabase ang kanilang mga boto kung sino ang karapat-dapat na manalo.

Malalaman ang naging desisyon ng Jury sa live presentation ng Survivor Philippines: Palau sa Biyernes, November 13.

Sino kaya kina Justine, Amanda, at Jef ang tatanghaling Pinoy Sole Survivor?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN