Survivor jury member Marvin Kiefer refuses to divulge his choice for Pinoy Sole Survivor...but buckles down

IMAGE 0


"Masasabi ko, yung taong ibinoto ko, sobrang deserving na maging winner. And if anyone will ask me kung bakit siya yung binoto ko, may maisasagot ako sa tanong," says Survivor Philippines: Palau jury member Marvin Kiefer.


Para kay Marvin Kiefer, hindi raw nagtatapos ang buhay niya sa Survivor Philippines: Palau dahil gusto niyang balikan ang mundo ng modeling at pagrampa. Pero given the chance, susubukan daw ng binata mula sa Cagayan de Oro City ang mundo ng showbiz kapag binigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7.

So, how's life after Survivor Philippines: Palau?

"Okay naman, actually, hindi pa tapos ang Survivor. Naguguluhan na rin nga ako, hindi ko na maisip kung sino ba talaga [ang mananalo]. Although, before we left Palau, lahat ng members ng Jury, nakaboto na. Pero magulo pa.

"Let's just wait until the finals night. Dun na natin makikita kung sino ba talaga. I had already cast my vote, pero walang nakakaalam. Mamayang gabi lang bubuksan ni Paolo [Bediones, host ng programa] yung kinalalagyan ng mga boto namin. So, walang nakakaalam.

"Lahat ng Jury [members], walang alam kung sino. Kahit si Paolo, wala ring knowledge who won. Pati staff ng show, walang alam sa mangyayari tonight," kuwento ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa GMA-7 compound kaninang hapon, November 13.

Nangulit pa rin kay Marvin ang PEP. Sa tatlong remaining castaways—Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cooll at Jef Gaitan—sino sa palagay niya ang karapat-dapat na manalo at mag-uuwi ng three million cash prize?

"Actually, nagboto na kami. Dun pa lang sa island, we already cast our vote. Pero yun nga, hindi ko alam kung sino," pag-iiwas uli niya. "I think, kahit sino sa kanila, puwedeng manalo. Deserving naman yung tatlo for the title and the money."

Pero ano ba yung pinagbasehan niya sa pagboto?

"Marami, marami," ani Marvin. "Yung mga alyansa niya, kung paano niya nilalaro yung game. Kung gaano ba siya kagaling sa game, or sumakay lang ba siya or siya ba yung strategist, tapos yung pinaka-least na nasaktan at magaling na strategy. Stuff like that. Yun ang objective ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, of course, kung kakampi ko ba siya dati. Kung ka-alliance ko ba siya dati. Parang ganun. Lahat-lahat, may factor. Also, kung gaano mo siya kagusto bilang tao. Yung personal attachment. Hindi rin maiaalis 'yon, di ba?"

Kahit anong pangungulit, ayaw talagang i-divulge ni Marvin kung sinong castaway ang ibinoto niya.

Sa tingin ba niya, deserving yung taong ibinoto niya sa title at sa perang ipagkakaloob ng network?

"Masasabi ko, yung taong ibinoto ko, sobrang deserving na maging winner. And if anyone will ask me kung bakit siya yung binoto ko, may maisasagot ako sa tanong," maikling tugon niya sa tanong.

DESERVING OR NOT? Sa opinion ng nakararami, may ilang castaways na hindi deserving mapasama sa Final 5 or Final 3. Ganito rin ba ang opinyon niya?

"Well, sa simula nung katatanggal ko lang sa game, and nung bumalik na kami sa Pilipinas, sa tingin ko sa iba, hindi deserving mag-stay. Kasi parang walang masyadong ginawa o naitulong sa tribe," sabi niya.

Patuloy ng dating host ng "FLO" ng TV5. "Pero nung tumatakbo na yung show at napapanood ko sa TV, parang I think sariling diskarte 'yon, e. And of course, maraming dating na-vote out at saka yung sinasabi ng audience na 'Bakit sila? Bakit sila yung naiwan? E, wala naman silang ginawa.' Pero sa akin, siguro yun naman yung strategy nila kasi nga mahina sila, so ginawa nila, nag-strategize. Yung malalakas naman, nautakan."

So, nautakan siya ng ibang kasamahan niya kaya agad siyang natanggal sa pinagsanib-puwersa ng Airai at Koror tribes, ang Sonsorol, sa unang Tribal Council?

"Parang ganun nga, yung malakas at the start of the game, sila yung target. Kasi alam nila pagdating sa challenges, matatalo sila. Like yung ngang case ni Charles [de Vera Fernandez, pumasok sa Top 5, along with Mika Batchelor], alam niya lahat ng alyansa. Ang nangyari, kasama tuloy siya sa lahat ng alyansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi lahat nag-isip na mahina talaga siya. Na tipong sinasabi nila dahil mahina nga, puwedeng tanggalin anytime. At saka dahil sa alam niya lahat ng alyansa, sumakay na lang siya. Natanggal na lahat, naiwan siya. Hindi agad nakita ng castaways na kailangan na pala siyang tanggalin. Pero suwerte lang dahil umabot siya sa Top 5, which is naging favorable sa kanya."

Now that the game is almost over, may sama pa ba siya ng loob sa mga castaway na nag-vote out sa kanya?

"Nung natanggal ako, I really felt bad. Alam ko naman na at some point, matatanggal ako. Alam ko na maraming ayaw sa akin. Maraming natakot sa akin," sambit ng Ultimate Crush ng season two ng Survivor Philippines: Palau.

Bakit maraming ayaw sa kanya?

"Bakit? Kasi parang hindi ako maka-jive sa kanila, yung mga usapan nila sa camp. Especially sa camp, kasi kailangan nila ako. Pero pagdating sa loob ng camp, yung usapan nila, hindi ako maka-relate. To the extent na sinasabihan nila akong masungit daw ako. Pero hindi naman. Hindi lang talaga ako makasali sa usapan nila, yung mga topic nila, hindi ako maka-relate," pagtatapat niya.

Dahil ba siya ang pinakabata sa lahat ng castaways?

"Hindi naman sa bata kasi madalas namang kasama ko, mga mas may edad sa akin. Yung usapan nila, sobrang babaw. Alam ko ayaw sa akin ni Echo [Caceres] at Suzuki [Sadatsugu]. Pero dapat kami yung magkakasama dahil kami yung original member ng Koror tribe. Ang pagkakaalam ko, may nasabi ako kay Echo na tipong na-offend siya kaya gusto na niya akong tanggalin. Which nangyari nga.

"Masaya pa rin naman ako na natanggal ako nang maaga, pero ang sa akin lang, sana not that time. Siguro later in the game, na may napatunayan ako sa kanila. Na hindi lang ganun ang kaya kong gawin. I was expecting aabot ako sa Top 6. Pero as I've said, anything can happen kapag nasa laro ka pa," kuwento ng 18-year-old castaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang sama ng loob kay Jef—na balitang girlfriend na niya—na bumoto para mapatalsik siya sa game?

"Ay, wala na," sagot niya. "Everything is okay now between us. Ikinagulat ko lang nung una, kasi alam ko na naman na ako yung tatanggalin in the first place. Kung napanood ninyo yung laro, in-enjoy ko na lang yung sarili ko few hours before the Tribal Council.

"Okay na kami ni Jef. Pero nasa stage pa rin kami ng getting to know each other. Lumalabas kami, pero hanggang dun lang yun," muling umiwas si Marvin na pag-usapan ang napapabalitang girlfriend na niya.

THE FINAL 3. Sa tatlong naiiwan, ano ang mga bagay na makakapagpanalo sa kanila?

"Si Amanda? Parang hindi ko talaga nakitang gumalaw si Amanda. Parang hindi siya nagkaroon ng alyansa, hindi siya malakas sa challenges. Ang nangyari pala, sa likod, silang dalawa ni Mika [Batchelor], gumagawa ng alyansa. Tahimik lang pala si Amanda, pero yung pagpunta nila sa CR ng mga babae, gumagawa pala sila ng strategy. Si Amanda, deserving naman siya. Parang hindi ko lang maisip, e, kasama siya sa mga natira.

"Si Jef... walang nakapagsabi na aabot siya sa ganito. Kahit siya, aminado siyang mahina siya. Ina-admit naman niya na hindi siya talaga malakas. Sa mga challenge, siya yung pinipili na mag-step out, tapos wala talaga siyang ginawa. Ang nangyari, ginawa lang siya for the vote. Napunta lang siya sa alyansa nina Amanda at Mika kaya dahil dun, matagal siyang nag-stay. I think she deserves the title, pero I'm sure a lot of people don't think that way. Pero kung iisipin, umabot siya sa Final 3.

"Si Justine, I think sa lahat magaling siya. Imagine, from Isla Purgatoryo, nakabalik siya. She was able to survive na 20 days isolation at tinalo niya ang ibang castaways sa kanilang challenges. So, pagbalik niya, nag-strategize siya nang sobra para makuha niya. I think, deserving si Justine, sobra! She deserves the title and the cash reward. Tingin ko, nakalalamang siya," saad ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN