Pinoy Sole Survivor Amanda Colley Van Cooll keeps cool about showbiz plans

IMAGE 0


The Probinsiyanang Tisay shares how she became the last woman standing in Survivor Philippines: Palau: "Never give up. Even if you feel like you're done, like you're lost already, don't give up. Have some faith." More pictures


Hindi pa rin makapaniwala at overwhelmed ang kauna-unahang itinanghal na Pinoy Sole Survivor na si Amanda Colley Van Cooll nang ma-interview at batiin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press pagkatapos ng live Finale ng Survivor Philippines: Palau kagabi, November 13, sa Studio 5 ng GMA Network.

"Thank you very, very, very much. It's very emotional. And I didn't think I would be emotional. I thought I'm ready for it, you know, win or lose, I'll be okay. But now I'm really overwhelmed. It's crazy to be the first Pinay Sole Survivor," bulalas ni Amanda.

Matapos ang pakikipagtunggali sa 15 pang castaways sa loob ng 39 days, 24 challenges at 40 Tribal Councils, isinuot na sa leeg ng tinaguriang Probinsiyanang Tisay ang winner's necklace na higit pa sa Immunity necklace na kanilang pinaglalaban sa isla.

Mismong ang first Pinoy Sole Survivor pa na si JC Tiuseco ang nagsuot sa kanya ng necklace. Ang tseke naman para sa grand prize na P3 million tax-free ay iniabot nina GMA Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores at Assistant Vice President Clyde Mercado.

Nanalo si Amanda sa botong 4-3 sa kalabang si Justine Ferrer. Wala namang nakuhang boto ang isa pang member ng Final 3 na si Jef Gaitan mula sa jury na binubuo nina Mika Batchelor, Charles de Vera Fernandez, Shaun Rodriguez, Suzuki Sadatsugu, Echo Caceres, Tara Macias at Marvin Kiefer.

In-expect ba niya na siya ang mananalo?

"No, I'm not. Possibility, 50-50 pa rin, it was really 50-50. But I was always positive and optimistic that I'm gonna win this. But also I'm ready to lose because I don't want to expect that much. But, of course, I want to win."

PLANS. Ano ang mga plano ni Amanda ngayon?

"Sandali lang, ha, kasi katatapos lang nito," nabibigla pang sagot ni Amanda. "I don't know right at this moment. I'm just gonna enjoy this winning moment right now with all the castaways and with my family. And then decide later on. But I do have plans for the money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, like I said, I need to pay all my debts. And I did change my mind about the chicken farm [una niyang plano]. I'm hoping to just having a little mountain resort from our property that we always have in Mindoro. The rest we'll invest it in somewhere else like business."

Papasukin din ba niya ang showbiz katulad ng first winner ng Survivor na si JC Tiuseco?

"Showbiz? I'm not showbiz type but if the opportunities come my way, I will give it a shot. And if it doesn't work out for me, then it's okay.

Hosting ang sa tingin niyang mas babagay sa kanya, sa mga shows na katulad ng Born To Be Wild.

"But, I mean, I don't want to take over Kiko's (Rustia, Survivor season one castaway) job," agad niyang sambit. "Ayokong agawan si Kiko. Pero something na ganun where you get to travel, experience and learn new things throughout the country."

LESSON LEARNED. What's the best lesson she learned from her Palau experience?

"Never give up. Even if you feel like you're done, like you're lost already, don't give up. Have some faith."

Sino ang naging pinaka-close niya sa isla?

"Si Mika ang absolute closest ko. That's the reason like in the end, I just... usually like I can control my emotions but in this game it's hard to. Especially 39 days, that's a long time na kasama mo yung mga tao. Magiging emotional ka talaga, attached ka talaga sa kanila."

JUSTINE. In-expect niya ba na si Justine yung makakalaban niya nang mahigpit sa Finale?

"Absolutely not. The reason why is bow down talaga kami sa kanya because of what she went through. She's the first one voted off. Then she just beat all those people. So, like, you know, I just didn't think it would be her. But I'm really proud of Justine. She really proved herself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

During the live finale, nag-sorry si Justine kay Amanda at sa family nito dahil sa ipinakita niyang ugali at mga sinabi niya against Amanda. Napatawad na ba ni Amanda si Justine?

"Oo, naman, matagal na. We've already talked about it, so it's not a problem anymore. Lahat kaming castaways we're all okay with each other. We're all friends."

ALL WOMAN. Pinansin ng PEP ang pagiging astig at boyish ni Amanda, lalo na nga't naging construction worker pa siya sa Alaska noon. Ganito na ba siya talaga noon pa?

"Yes, I have always been like this."

Pero huwag magkamali, all woman siya. Sa katunayan nga raw ay nagkaroon na siya ng dalawang boyfriends.

Wala raw siyang karelasyon ngayon. Ready na ba siya to enter into another relationship?

"No, after all this, lovelife is not my priority right now. It can wait."

Mukhang talagang malayo ang focus niya sa pag-ibig. Nang tanungin kung attracted ba siya to any Kapuso hunks, "Naku naman, Kuya, ang bilis mo namang magtanong nang ganyan!" ang mabilis niya ring sagot.

Kahit nga make-believe lang na love team, halimbawa kung ipaparis siya kay JC Tiuseco, ay ayaw pa niyang isipin. "Siguro pag love team, I'm not ready for that... Hindi ko pa po naiisip yun, e... Inaaral ko pa lang ang showbiz."

CLICK HERE for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN