Manny Pacquiao attends Mass hours before his fight against Miguel Cotto

IMAGE 0


T-shirts and bobbleheads of Manny Pacquiao and Miguel Cotto are being sold at the lobby of the MGM Grand Hotel.


LAS VEGAS, NEVADA—Isang Misa ang ginanap kaninang umaga (Saturday, 9 a.m., Las Vegas time; Sunday, 1 a.m., Manila time) sa Mandalay Bay Ballroom para sa laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto.


Dumalo sa Misa ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, ang ina ng Pambansang Kamao na si Mommy Dionisia, at ang mga kababayan natin na nagbibigay ng suporta kay Pacman.

Kasama sa mga ipinagdasal sa Misa ang paggaling ng Filipino boxer na si Z Gorres na comatose at naka-confine sa isang ospital sa Las Vegas. Nanalo si Z sa kanyang laban noong Biyernes, pero nag-collapse siya dahil sa blood clot.

Pinakiusapan ang mga dumalo sa Misa na huwag munang magpakuha ng litrato na kasama si Manny dahil kailangan nito na magpahinga.

Nang matapos ang Misa, isang nanghihinang Mommy Dionisia ang nasilayan ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Parang hihimatayin ang hitsura ni Aling Dionisia kaya nagtulong-tulong ang kanyang mga kasama sa pag-alalay sa kanya. Puting-puti ang damit na suot ng ina ni Manny at ayon sa isang Fil-Am na nakiusyoso, tila nagta-trance si Aling Dionisia na maikukumpara kay Elsa, ang karakter ni Nora Aunor sa pelikulang Himala.

7 p.m. ang oras ng laban nina Pacquiao at Cotto, pero 3 p.m. pa lang, marami nang tao sa lobby ng MGM Grand Hotel.

Mabentang-mabenta ang Pacquiao-Cotto shirts na ipinagbibili sa halagang US$25. Forty dollars naman ang presyo ng Pacquiao-Cotto bobbleheads.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN