PJ Valerio insists despite photo on Internet: Queenie Padilla is not yet his girlfriend

IMAGE 0


"Queenie and I, we're not... close lang kami. Hindi pa naman kami mag-on. We're getting there, but we are not there yet," says PJ Valerio about his relationship situation with Queenie Padilla.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si PJ Valerio kaninang tanghali, November 15, habang ang buong bansa ay nag-aabang sa laban ni Manny Pacquiao. Nilinaw ni PJ sa PEP ang ilang issues tungkol sa kanila ni Queenie Padilla, ang dalagang anak ni Robin Padilla, na sinasabing karelasyon niya ngayon.



Una naming binanggit kay PJ ang litratong natanggap ng PEP kung saan magkasama sila ni Queenie.

"Magkasama kami sa litrato? Ano ang 'itsura?" tanong ni PJ.

"Paano kaya nangyari iyon? Kasi two weeks ago, ninakaw ang phone ko sa MRT. Dinukutan ako, pero nakuha ko uli ang phone ko. Pero I lost my phone for about five hours. Baka dahil doon kaya may lumabas na litrato. Otherwise, hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Baka naman yung nakakuha ng phone ko ang nagpadala ng picture namin.



"Kasi maging yung battery ng cellphone ko ay pinag-interesan. They changed my battery so they could have really done so many things to my phone. Pati nga ang contacts ko ay pinakialaman din nila," lahad ng singer-actor.



May nakarating din na ulat sa PEP na dine-deny raw ni PJ na may relasyon sila ni Queenie. Ano ang reaction niya rito?



"Nagde-deny? Kasi, Queenie and I, we're not... close lang kami. Hindi pa naman kami mag-on. We're getting there, but we are not there yet," sagot ni PJ.

Pero nanliligaw ba siya kay Queenie?

"Yes, that's true, na nanliligaw ako," pag-amin niya. "We're just very close and I don't want anybody to misinterpret that."

So, is he saying na hindi pa sila ni Queenie?



"Yes, hindi pa kami," giit niya.



MEET THE PARENT. Nag-meet na ba sila ng ama ni Queenie na si Robin Padilla?

"Hindi pa nga," ani PJ. "Iyan nga ang gusto kong mangyari. Hindi pa po kami formally na-introduce sa isa't isa...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko talaga siyang makilala para maging maganda ang dating ng panliligaw ko kay Queenie. Di ba dapat naman talaga na makilala ko ang father ni Queenie?" saad niya.

Hindi raw niya nababalitaan or nababasa ang mga pahayag ni Robin tungkol sa kanila ni Queenie.


Inamin ni PJ sa past interviews niya na dinadalaw niya si Queenie sa bahay, bagay na ikinatuwa ni Robin.



Sa ending ng pahayag ng PEP, muling sinabi ni PJ na wala siyang idea kung paano nakarating sa press ang litrato nilang dalawa ni Queenie. Wala rin daw siyang idea kung ano ang hitsura ng nasabing larawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN