Talent manager Becky Aguila gets conned out of P2.5 million by swindling syndicate

IMAGE 0


Becky Aguila is used to negotiating multimillion-peso deals for her talents such as Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Joross Gamboa and Valerie Concepcion, but she turned out to be no match for a band of grifters who go after big fish. Becky relates to PEP her sad cautionary tale to prevent more victims, especially after the police released members of the gang who were arrested during a sting operation.


Nagsalita na sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager nina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Joross Gamboa at Valerie Concepcion na si Becky Aguila na nabiktima ng isang swindling syndicate sa halagang P2.5 million.

Mahaba ang kuwento kung paano "trinabaho" si Tita Becky ng nasabing gang. Isang buwan daw yun na walang tigil sa pakikipag-communicate sa kanya. Nagkunwari ang mga itong bibilhin ang kanyang property na binebenta sa Commonwealth Avenue at nang makuha na ang tiwala niya ay napunta na sa negosyo ang usapan. Dito na siya nadale.

Feeling ni Tita Becky, na-hypnotize siya, at hindi katangahan kung paano niya nabitawan ang halagang P2.5 million.

Ayaw sanang ipaalam ni Tita Becky sa media ang panlolokong naganap last September, dahil after Rowena Pulmano—ang dating personal assistant ni Jennylyn Mercado na kinasuhan ng theft—natakot siyang isipin ng mga tao na hindi pa siya nadala.

WARNING TO THE PUBLIC. Pero nang malaman niyang marami na palang nabiktima ang gang na ito, na karamihan ay mga maykaya't milyones din ang nakuhanan, naisip niyang gawing warning sa publiko ang naging karanasan niya.

May kinalaman sa growth enhancer para daw sa produksiyon ng cultured pearls ang ginamit na panloloko kay Tita Becky, ayon sa ulat ng isang news website. Kaya kung kayo ay nagbebenta ng property at may magkukunwaring bibilhin ito't aalukin kayong maging dealer ng pearl growth enhancer, ay i-check niyo munang mabuti bago kayo magbitiw ng pera. Batay sa complaint affidavit ni Becky na naiulat sa isa pang online journal, "Pearl Growth Enhancer Shark Enzyme Kinetic” daw ang pangalan ng produktong inalok sa kanya.

Nagkaroon ng entrapment operation a few days ago ang mga awtoridad at nahuli ang mga hinihinalang miyembro ng sindikato.

"May death threat na ang victim na nakapag-entrap sa syndicate. Lie low na siya. Pabalik na siya sa U.S. Nagbakasyon lang siya at mabuti na lang at nandito siya, otherwise natangayan na ang mga magulang niya ng P5 million na lifetime savings nila. Natatakot lang siya na baka balikan ang mga magulang niya who are already in their 80s. Laking pasasalamat niya na bago sila magbayaran ay nakapagtanong muna siya sa tiyahing nakatira sa Greenhills. Talagang nagulat siya nang ikuwento ng tiyahin niya—na-swindle din siya ng same gang two years ago sa halagang P8.6 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Syndicated estafa is non-bailable. As of yesterday, P50 million total amount na ang nakuha sa mga biktima. Alam namin na hindi na maibabalik ang perang nakuha sa amin. Ang sa amin lang ay mabigyan kami ng hustisya na di na namin makakamtan matapos nilang pakawalan ang tatlong suspects," bulalas ng manager.

SUSPECTS GET AWAY. Sa San Juan Police Station dinala ang mga nahuli at dito ay positibong itinuro ni Tita Becky ang mga suspects na siyang tumangay ng pera niya. Naging bayolente si Tita Becky nang makita ang mga taong nanloko sa kanya at talagang pinagsusuntok niya't pinagpapalo ng mabigat na bag.

Pero sabi ng isang suspect, wala na raw sa kanila ang pera ni Tita Becky.

"A big disappointment talaga ang justice system. Bakit nila pinagpiyansa yung mga taong yun, bakit nila pinalabas ng kulungan? Why? Nakaka-frustrate ang bulok na sistema natin. We victims are so hungry for justice pero ginisa nila kami sa sarili naming mantika," sambit ni Tita Becky.

Nabalitaan nilang nakalabas na raw ng bansa ang mga suspects kaya back to zero ang imbestigasyon.

"Hindi ko na hinahangad na mabalik pa ang P2.5 million ko. Kikitain ko pa naman 'yan. Pero ang gusto ko sana ay maparusahan ang mga nambibiktimang mga ito para matigil na ang kanilang ginagawang panloloko sa mga tao," deklara ni Tita Becky.

Sa presinto nga ay nagkita-kita silang mga katulad niyang biktima at mas malalaki pang halaga ang natangay mula sa mga ito.

"We were seven victims at ang alam ko, marami pa na ayaw lang lumantad ng iba. Imagine, ilan pa ang mabibiktima kung hindi mahuhuli ang mga ito. Pero anong ginawa ng kapulisan natin, pinakawalan nila!"

Sa nangyari, ani Tita Becky, isang matinding lesson talaga ang natutunan niya, na huwag magtiwala kaagad, lalo na sa mga hindi kakilala.

"Tama si Jennylyn, never trust anyone. Hindi na talaga ako magtitiwala," pagtatapos ng talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN