Dingdong Dantes defends Marian Rivera against rumor that she pushed 12-year-old autograph seeker

IMAGE 0


"Well, sa pagkakakilala ko sa kanya all these years, hindi niya magagawa yung bagay na yun dahil si Marian ang isang tao na sobrang mahal niya ang bata, lalung-lalo na ang mga batang humahanga sa kanya," says Dingdong Dantes about the latest intrigue hounding rumored girlfriend Marian Rivera.


"It's impossible for her to do that."

Ito ang reaksiyon ni Dingdong Dantes nang tanungin siya ng Startalk (Sabado, Nobyembre 14) tungkol sa napabalitang panunulak daw ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa isang 12-year-old girl sa autograph signing nito para sa isang boutique kamakailan.

Galing daw ang report sa isang entertainment columnist na may radio show rin. Ayon sa kolumnistang ito, itinulak daw ni Marian ang bata. Hindi rin daw siya nagsisinungaling dahil kaibigan niya raw ang ina ng bata.

Ayon naman sa mga nagtatanggol kay Marian, may mag-ina nga raw na gusto sanang magpa-autograph sa aktres sa opening ng boutique na yun. Pero may schedule na sinusunod ang pagpipirma, kaya hindi nakapagpa-autograph ang mag-ina. Dahil naubusan na ng oras, dinala raw ni Marian ang bata sa labas ng boutique para doon na lang gawin ang pagpapapirma. Pero na-misinterpret daw ito ng ina ng bata na akala ay tinulak ni Marian ang kanyang anak.

Ayon naman kay Dingdong, "Wala talagang puwedeng paraan para mangyari yun. I think they have to get their facts straight from people before lumalabas na ganyan-ganyan, because hindi lang yung morale ng tao ang dina-down nila kung hindi pati yung paniniwala ng bata na ginawa talaga sa kanya yun.

"Well, sa pagkakakilala ko sa kanya all these years, hindi niya magagawa yung bagay na yun dahil si Marian ang isang tao na sobrang mahal niya ang bata, lalung-lalo na ang mga batang humahanga sa kanya."

GOODBYE STARSTRUCK V. Sa primer naman ng StarStruck V last week, pormal nang nagpaalam si Dingdong. Si Dingdong ang napili ng GMA-7 na pumalit kay Richard Gomez bilang host ng daily game show na Family Feud. Tatakbo kasing congressman sa Ormoc City si Goma sa 2010 elections kaya kailangang iwan na muna niya ang kanyang programa.

Ayon kay Dingdong, malungkot din na iiwan na niya ang StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalungkot. Isipin niyo, five years, five generations ng iba't ibang batch ng mga artista, nandoon ako to witness those at nakita ko rin kung papaano sila nag-grow, kung papaano sila minahal ng industriya rin. So, imbes na nalulungkot ako, mas nagiging proud ako that I've been part of this five years of StarStruck,"saad niya.

At the same time, excited na rin daw siya to be the new host of Family Feud.

"Excited na excited na, pina-practice ko na sa bahay!" natatawang sabi niya.

Halos kasabay naman ng pag-pinch-hit niya kay Richard sa Family Feud ay ang nalalapit na pagtatapos ng primetime series nila ni Rhian Ramos na Stairway To Heaven.

Malungkot man sa pagtatapos ng Stairway To Heaven ay masaya naman si Dingdong dahil sa tumataas na ratings ng kanilang programa. Sa katunayan, ito na ang nangungunang primetime show, batay sa overnight ratings ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila.

"Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta, sa lahat ng nanood. Kumbaga, nawawala lahat ng pagod namin, lahat ng sakripisyo, lahat ng hirap namin," sambit ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN