Anne Curtis not worried about overexposure despite being seen on TV every day

IMAGE 0


"Okey lang ako. Natuto ako sa mga pinagdaanan kong relasyon. Kaya so far, happy ako this way na wala munang commitment o karelasyon. Puro trabaho lang," says Anne Curtis.


Napakarami nang mga artista ang nakikiisa sa Shop & Share project ng Philippine National Red Cross at eBay.ph. Sa pamumuno nina Angel Locsin at Anne Curtis, inilunsad ito sa Sining Kamalig ng Gateway Mall last Saturday, November 14.

Ilan sa mga artistang nakapag-donate na ng kanilang items for auction ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Maxene Magalona, Dingdong Dantes, Luis Manzano, Sam Milby, Erik Santos, Dennis Trillo, Marian Rivera, Robin Padilla, Kim Chiu, Gerald Anderson, at John Lloyd Cruz.

Ayon kay Anne, "Ang dami-rami talaga at may iba pang gustong mag-donate."

Pati ang president daw ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio ay may donations na naka-auction na rin.

"Hindi naman lahat ng pinapa-auction ay high-end," paglilinaw ni Anne. "Mayroong very affordable items, gaya ng CD album ni Christian Bautista, discounted price na may pirma pa niya. O yung mga T-shirt, mga nagamit nang damit na puwedeng pakinabangan ng mga bibili. Maraming ganoon at murang-mura, makakatulong pa sila sa charity."

Ang proyektong ito ay para na rin sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng may ilang linggo na ang nakararaan.

OVEREXPOSED? Marami naman ang nababahala sa kaso raw ng overexposure ni Anne, lalo na't araw-araw na siyang napapanood sa Showtime, isang bagong variety and talent show ng ABS-CBN, Mondays to Saturdays. Tuwing Sunday naman ay mapapanood siya sa musical-variety show na ASAP '09.

"On the dot pa rin ang pagharap ko sa commitments. Masaya ako sa ginagawa ko, nandoon ang fire at passion sa akin. I don't think nao-overexpose ako dahil iba namang klaseng show ang Showtime, at sa ASAP '09, isa lang ako sa napakarami doon at hindi naman babad ang exposure ko doon," paliwanag ni Anne.

So far, ang mga ito pa lang naman daw ang regular work ni Anne. Kung mag-uumpisa na siya ng bagong teleserye by early next year, malamang na magsakripisyo siya ng isang show, pero depende pa rin daw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta nandoon yung kagustuhan kong mag-work, hindi mawawala yung responsibilty. Wala akong mapapabayaan. Naka-focus naman ako," paniniguro niya.

SAM & BEA. Patuloy na hinihingian ng reaction si Anne tungkol sa balitang pagkakamabutihan na raw, for real, ng ex-boyfriend niyang si Sam Milby at ni Bea Alonzo.

"Huwag na nating lagyan ng issue 'yan!" natatawang sabi ni Anne. "Matagal na yung mga reaction ko raw, pero parehong close sa akin sina Sam at Bea. Kung totoo man, I see nothing wrong with that. Wala na rin naman kami ni Sam, at magal na akong naka-move on. I should be happy for them. Besides, hindi ko naman sure kung talagang sila na nga, kasi rumors lang 'yan. Kung anuman, alam ko kasi na talagang sobrang nirerespeto nina Sam at Bea ang isa't isa."

Kung ganoon man kasi, walang problema kay Anne. Pero ipinagtapat niyang more than a year na siyang loveless.

"Okey lang ako. Natuto ako sa mga pinagdaanan kong relasyon. Kaya so far, happy ako this way na wala munang commitment o karelasyon. Puro trabaho lang," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN