Willie Revillame says it was Manny Pacquiao who personally invited him to watch his fight against Cotto

IMAGE 0


"Manny is a humble man at simpleng tao. Okay siya. He was the one who called me at nag-invite sa akin. How can you resist that? Nakakabilib na tao si Manny. Hinanap pa niya ako nang papasok na sa MGM, siya mismo ang nagpahanap sa akin," says Willie Revillame about boxing champ Manny Pacquiao.


Isa sa mga nanood ng laban ni Manny Pacquiao kontra kay Miguel Cotto last November 14 (U.S. time) ay ang host ng Wowowee na si Willie Revillame. Nagkataon din kasing may show si Willie sa Las Vegas, ang Wowowillie na ginanap noong November 15, kaya nakapanood siya ng historic fight ng ating Pambasang Kamao.

Ayon kay Willie, mismong si Manny ang nag-imbita sa kanya upang manood ng kanyang laban sa MGM Grand Arena. Sa pay-per-view coverage ng HBO ay nai-focus pa nga sa camera sina Manny at Willie na nanonood ng undercard fights sa ringside.

Sa magkahiwalay na text messages ni Willie sa Editor-in-chief ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Jo-Ann Maglipon ay ikinuwento ng TV host kung paano siya nakapanood ng laban ni Manny.

"I was in my hotel room. Lito Camo [singer-composer] called me, sabi niya gusto daw akong kausapin ni Manny. Nang mag-usap kami, sabi niya na may tiket daw siya para sa akin sa ringside. At sabi niya, 'Tayo na ang magtulungan at magsuportahan, panoorin mo ako.' At hinintay niya ako sa hotel niya. Sa limo niya ako pinasakay at pagdating sa MGM, sabi niya, 'Samahan mo ako, dito ka sa tabi ko,'" lahad ni Willie.

Bagama't wala namang masama kung magkitang magkasama sina Manny at Willie, may ilan namang nag-iisip kung bakit sa dinami-dami ng Pinoy celebrities na pumunta sa Las Vegas para panoorin ang laban ni Manny ay kay Willie siya tumabi. Exclusive talent ng GMA-7 si Manny, samantalang si Willie naman ang itinuturing na isa sa top stars ng ABS-CBN.

Pero paliwanag ni Willie sa text message pa rin niya kay Ms. Maglipon, "Manny is a humble man at simpleng tao. Okay siya. He was the one who called me at nag-invite sa akin. How can you resist that? Nakakabilib na tao si Manny. Hinanap pa niya ako nang papasok na sa MGM, siya mismo ang nagpahanap sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagsasabi ring baka may kaugnayan ito sa darating na 2010 elections. Open naman kasi ang pagsuporta ni Willie kay Senator Manny Villar sa pagtakbo nito bilang presidente.

Balita ring "nililigawan" ni Sen. Villar si Manny para sa kampanya nito, kahit na mukhang desidido na ang boxing champ na tumakbo bilang congressman sa Sarangani Province. Sa Pacquiao-Cotto 24/7 special documentary ng HBO ay nakita roon ang pagbisita ni Sen. Villar sa Baguio para kausapin si Manny. Pabalik na sana ng Maynila that time ni Manny, pero ipinagpaliban niya ito dahil nga sa pagdating ng Senador. Hindi ito nagustuhan ng trainer ni Manny na si Freddie Roach kaya nauna na itong bumalik ng Maynila at sumunod na lang si Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN