Sam Milby sees nothing wrong with giving Bea Alonzo and Angel Locsin Blackberry phones

IMAGE 0


"'Ako, I like to give blessings, people should not look at it maliciously. There's nothing about it, yun lang," Sam Milby explains his giving Blackberry phones to Bea Alonzo and Angel Locsin.


Pumutok ang balita kamakailan na pareho raw tinanggihan nina Bea Alonzo at Angel Locsin ang Blackberry phone na dapat ay regalo sa kanila ni Sam Milby. Ayon sa lumabas na report, tinanggihan ni Angel ang mamahaling regalo ni Sam dahil hindi raw ito tumatanggap ng regalo na hindi galing sa kanyang karelasyon. Si Bea naman daw ay naniniwala na may mas karapat-dapat na tao na dapat pagbigyan nito ni Sam kaysa sa kanya.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa Star Magic Tour last Friday, November 13, sa Araneta Coliseum, nilinaw niya ang naturang isyu.

"I'm sure some people look at it in a malicious way, but it's not," sabi niya. "Last Christmas kasi, si Angel, may regalo siya para sa akin. Mayroon siyang ibinigay na Christmas present sa akin, pero wala akong ibinigay sa kanya. Nung birthday niya, I felt I should give her something for her birthday.

"Happy na ako sa Blackberry ko, sabi ko, I'll give her Blackberry. Ang daming nasa showbiz na naka-Blackberry na, and it's easy to communicate sa Blackberry messenger. Tinanggihan niya, kasi yung phone na ginagamit niya, galing kay Luis [Manzano, Angel's ex-boyfriend], and I understand that she can't accept it. At that time, they were definitely together. So I really understand that she can't accept that."

Ipinaliwang din ni Sam kung bakit nagdesisyon siyang ibigay ang Blackberry niya kay Bea.

"With Bea, kasi nag-birthday din siya and yung ibang mga kaibigan niya, like sila Shaina [Magdayao], si Nikki [Gil], Anne [Curtis], si Iya [Villania]... lahat sila nagsasabi, 'We need to have a fund-raiser para mag-Blackberry na si Bea, kasi siya lang ang parang left out 'pag may usapan sa Blackberry.' I said, 'I have my extra Blackberry sa bahay ko, so I'll just give her mine.' Sabi naman nila, 'I'll give it to Bea na lang.' Pero sabi niya [Bea], she just doesn't want a Blackberry because haping-happy siya sa phone niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon ni Sam sa sinabi ni Bea na may mas karapat-dapat na taong pagbigyan ng Blackberry phone kaysa sa kanya?

"Para sa akin, wala naman yun, it's just a gift. And even her friends were telling me, just give it her, the one that I have, and it's not malicious at all. Ako, I like to give blessings, people should not look at it maliciously. There's nothing about it, yun lang," diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN