Roxanne Guinoo says teaming up with ex-boyfriend Jake Cuenca is purely work

IMAGE 0


"Siguro may nakikita pa silang chemistry sa aming dalawa. Hindi naman nila paplanuhin ito kung wala. I'm sure matutuwa ang supporters namin na heto uli, mayroon kami uling project together. Sana nga abangan nila," says Roxanne Guinoo about working with ex-boyfriend Jake Cuenca.


Naging kontrobersiyal ang breakup nina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca. Akala tuloy ng marami ay hindi na masusundan ang tambalan nila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Pero nagdesisyon ang ABS-CBN management na pagtambaling muli ang dalawa sa bagong episode ng Your Song Presents. Ang maganda pa rito ay mag-asawa ang role ng dating magkasintahan.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne kung kumusta ang pakikipagtrabaho niyang muli kay Jake.

"Okey naman yung working relationship namin ni Jake, work lang talaga," sabi ng young actress. "Siguro may nakikita pa silang chemistry sa aming dalawa. Hindi naman nila paplanuhin ito kung wala. I'm sure matutuwa ang supporters namin na heto uli, mayroon kami uling project together. Sana nga abangan nila."

Mukhang nakapag-move on nga si Roxanne, lalo't open naman siya na masaya at kuntento siya sa itinatakbo ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. May plano na ba silang magpakasal ng boyfriend niya?

"Mahal na mahal ko ang boyfriend ko," sabi niya. "Napaka-understanding niya, napaka-suppoprtive. Wala pang plano, pero siyempre, sana siya na. Ito ang taong ipaglalaban ko talaga."

Sa ngayon ay abala rin si Roxanne sa isang bagong teleserye na pagsasamahan nila nina Sid Lucero at Rayver Cruz.

"Kami uli ni Sid, tapos ka-love triangle namin si Rayver," banggit niya. "Happy kami for Rayver kasi ito na yung first time na lead role talaga siya, talagang big break ito sa kanya. Sabi nga namin sa kanya, 'Ganyan naman talaga, darating din ang oras para sa iyo.'

"'Saka ako kasi, naniniwala ako, wala namang small roles. Kahit maliit ang role mo, kahit second lead ka o kahit ikaw ang lead, basta kaya mong mag-shine sa simpleng bagay, kahit isang linya lang ang ibato mo, kayang-kaya mong mag-shine.

"Sa trabaho naman, weather-weather lang 'yan. May time na pahinga ka muna dahil may iba namang dapat na bigyan ng chance tapos pag natapos naman, ikaw uli. Para 'yang bilog, paikot-ikot lang," pahayag ni Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN