KC Concepcion would rather not support any politician openly

IMAGE 0


"Ang katawan ko, ready na bumalik ng Europe. Pero while there's work, nandito ako. So, I'm just making the most of everything. Hopefully, 2010 will be just as big and exciting as 2009. Enough to keep me here para mapasaya naman ang mga nagiging supporters ko," says KC Concepcion.


Kahapon, November 17, ay ini-launch ang bagong advocacy program ni KC Concepcion sa pakikipagtulungan ng Swatch watches—ang "KC Cares. Swatch Shares." Ito ay bahagi ng 20th anniversary celebration ng Swatch sa Pilipinas.

Ayon kay KC, it only costs ten pesos to feed a hungry child for a day. Kaya naman sa bawat Swatch watch na bibilhin this Fall/Winter 2009 collection, may portion dito na mapupunta sa program ni KC that can feed a child for an entire month.

KC is an ambassador of the UN World Food Programme (WFP), an advocacy na napakalapit sa puso niya. Ito ay sa kabila na kakambal din nito ang ilang panganib sa mga malalayo at liblib na lugar na pinupuntahan nila.

"Yes po, like recently, when we went to Mindanao just last time, yung office po sa Pakistan, sumabog, may nagbomba. So, that was not great news for us. And there's a Filipino that died na taga-WFP. So, oo po, dangerous din po. But they've been doing this for so long na parang, I guess, it's really an honor to be part of an agency like WFP. So, hindi ko na iniisip yun," pahayag ni KC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Paano siya nabibigyan ng security sa pagpunta niya sa mga liblib at mapanganib na lugar?

"They have civilians and they also have military. But they have a really good security naman po. At saka, tinatawagan din po yata ni Tita Shirley [Kuan, KC's manager] si Tito Binoe, si Robin Padilla, kapag pumupunta kami. Pero ewan ko lang po kung effective yun, mukha naman po!" natatawa niyang sabi.

Sabi ng mommy ni KC na si Sharon Cuneta, natatakot daw siya sa mga lugar na pinupuntahan ng kanyang anak. Pinagsasabihan din ba siya ng Megastar tungkol dito?

"Never po siyang nagsabi directly na huwag magpunta, but nararamdaman ko po na minsan natatakot naman siya. But there's nothing to be scared of. Again, part siya ng bigger picture at hindi lang naman po ako ang nagtatrabaho rito. At saka, alam naman po nila, commitment ko po," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino yung mga inspirasyon niya para itaguyod ang mga ganitong klaseng advocacy?

"Siguro yung mga batang nakikita ko sa Mindanao," sagot ni KC. "Of course, palagi ko silang naiisip when it comes to this kind of stuff. But Tita Virgie [Ramos of Swatch] has been very generous and Swatch has been so supportive. At hindi lahat ng kumpanya, magiging willing na gawin 'to."

Nararamdaman ba niya kung gaano ka-proud ang parents niya sa kanya?

"We talk from time to time. And I'm proud of them as well, especially with my mom. I never told her that personally, but I'm very proud of the kind of woman she is. And I hope I make her proud."

PIOLO PASCUAL. Masarap din daw na sa mga ginagawa niyang pagtulong ay may katuwang siya rito. Nandoon na rin ba siya sa point na naghahanap ng isang lalake na makakasama niya sa mga advocacy niya?

"Well, siyempre po, dapat din naman po nanggagaling sa puso niya. So, ayoko namang i-dictate yun or i-request yun kung sinuman siya," sabi ni KC.

Totoo bang sinabi niyang ready na siyang magka-boyfriend ngayon?

"Not naman boyfriend, but somebody to take care of," paglilinaw niya. "I'd like to take care of someone now. But in terms of marriage, parang no na muna. And when I take care of someone, we also have a lot of work right now."

Nakangiting inamin ni KC na may mga nanliligaw sa kanya ngayon. Pero kumusta na nga ba ang panliligaw sa kanya ng kanyang leading man sa Lovers In Paris na si Piolo Pascual?

"Of course, napag-uusapan naman namin ni PJ na habang meron kaming projects sa showbiz, we should really focus on our work," sagot ni KC.

Hindi kaya after Lovers In Paris ay mawala na rin kung anuman meron sa kanila ni Piolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, siguro po, bilang lalake at babae, nasa sa kanya po yun. And so far, kung anuman po ang naipapakita niya, sobrang ganda naman po and he's a very good guy. We're very good friends. At ang babae naman po, naghihintay lang," aniya.

Added factor ba na boto ang mommy niya kay Piolo?

"Oh, yes, wala pong against sa kanya sa side ko!" sambit ni KC. "Parang a lot of men have the qualities that I am looking for, but if it will gonna happen, it will gonna happen po talaga. Kung sino yung para sa akin."

On a scale of 1 to 10, ano ang rating na maibibigay niya para sagutin si Piolo?

"Ay naku, e, di para ko naman siyang sinagot sa ano!" natatawa niyang sabi. "Basta po for me, ayoko pong mag-expect ng whatever. For me, I will always be here for Piolo. I have always been here as I've said before. And kung anuman yung meron kami, that's privately ours, at kung anuman yun, basta I will be his friend."

Magiging mainit ba ang Pasko niya this year?

"Of course, you can only hope and pray for the best. Of course, a woman will just... At least for me, we'll just wait and see what will happen. If it will happen, it will happen. If it doesn't, then there's a reason."

TO ALL THE MEN SHE "LOVED" BEFORE... Napag-usapan din ang tungkol sa mga naging boyfriend ni KC at maging ang iba pang mga na-link sa kanya.

Naging kontrobersiyal ang breakup nila ng direktor na si Lino Cayetano.

"Oo, 'no? Nabalitaan niyo talaga yun. Tapos pumayat ako ng major weight noong time na yun," pagsang-ayon ng dalaga.

So, kailan sila naging okey ni Lino?

"Recently lang," sagot ni KC.

Who made the first move?

"Well, actually, nag-umpisa 'yan nang maging friends na kami ni Bianca [Gonzales, Lino's ex-girlfriend]. Tapos yun, parang it meant well naman, it meant to be okay. Parang ayoko rin naman na magkaroon ng enemy. Ako ang tipo ng taong ayoko ng gulo. And to begin with, kung sinuman yung naging karelasyon ko, we started out as good friends. So, maganda talaga kapag ang foundation niyo, good friendship, hindi nawawala yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-sorry na ba sa kanya si Lino?

"Sorry, that's too personal na rin. Parang we just really keep it the way it is right now."

Masasabi bang magkaibigan na sila ni Lino ngayon?

"Of course, of course," sambit ni KC.

May naging panghihinayang na ba siya with her past relationships?

"Never, never, kasi they always teach you something," sagot niya. "I only had, siguro two chances na talagang magkaroon ng somebody na matagal talaga and ano yun, e, they come at a time when they are supposed to. There are some people that comes to your life for that time only and you'll take it with you for the rest of your life."

Si Billy Crawford naman daw ay matagal na niyang kaibigan. Magkakasama pa nga raw sila sa concert sa Las Vegas this November 20 and 27 with her mom.

Since she has worked with both Piolo Pascual and Richard Gutierrez, kanino siya mas kumportableng makipagtrabaho?

"Pareho naman po... magkaiba naman po sila," maingat na sagot ni KC. "At ako naman po ang tipo ng tao na kapag katrabaho ko at magaan naman po ang loob ko, imposible naman po na hindi ako maa-attach or parang mapapalapit sa 'yo.

"Well, matagal ko na pong hindi nakikita si Chard and kung magkita man kami, I'm sure, same lang, parang walang nangyari at malapit naman po kami sa isa't isa. Now, I'm busy every day at halos kasama si Piolo."

ALL ABOUT POLITICS. Natanong din si KC kung sino ang susuportahan o ie-endorse niya sa 2010 elections.

"I'd rather not answer," pag-iwas ni KC. "Of course, nag-register ako to vote. Pero parang medyo mas maganda yata kung hindi ko na lang po i-endorse nang diretsahan yung mga candidates. Kasi po, ang trabaho ko sa UN, medyo neutral po kami."

Pero di ba't nagpunta siya sa dinner na ibinigay ni Kris Aquino para sa kapatid nitong si Senator Noynoy Aquino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi po, gusto ko pong marinig bago ako bumoto, kung ano yung mga pag-iisip nila. Gusto ko silang makilala," paliwanag ni KC.

Nagustuhan ba naman niya ang mga narinig niya?

"Marami naman pong mga katanungan na nasagot niya," sagot niya.

Hindi ba niya ikakampanya o susportahan si Noynoy? Tatakbong presidente sa 2010 elections si Noynoy at kasama ang ina ni KC na si Sharon Cuneta sa nagbigay ng suporta rito.

"Hindi po ako allowed. Pero bilang Pinay, bilang citizen po ng Philippines, kailangan ko na rin po sigurong malaman kung sino ang iboboto ko," sagot niya.

Tatakbo ba ang stepfather niyang si Senator Kiko Pangilinan next year? Napabalita kasing tatakbo ito bilang vice president.

"Ay, hindi naman po siya tatakbo e," banggit ni KC.

Bakit nagdesisyon si Sen. Kiko na huwag nang tumakbo?

"E, yun po ang gusto ni God kasi pinag-pray ko po na ayokong iwanan ang work ko sa UN!" natatawa niyang sabi. "Actually, it was funny. There was a time...Well, itinuro po kasi sa akin you have to honor your mother and father. So, kahit na medyo nahirapan ako sa desisyon na at that time, tatakbo siya, sabi ko, 'Sige, if I'm gonna campaign for you bilang tatay ko, I will have to give up my work with the UN.'

"Pero, pinag-pray ko talaga. Sabi ko, 'Lord, gagawin ko 'tong sakripisyo, pero talagang masakit sa akin kasi love na love ko yung trabaho ko.' Pero noong ni-let go ko, totoo pala yun. Na kapag pala ni-let go mo ang isang bagay, He will honor your heart and your desire at parang babalik sa akin. Parang I don't have to do anything."

Anong plans ng stepfather niya ngayon?

"It's not time. Siguro there's a time for everything. There's a time for him to run. Siguro, time will tell."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas happy ba si KC sa nangyari?

"At this point, opo," pag-amin niya. "Medyo naka-relax po ako nang konti, pero siyempre, I want the desire of his heart also na mangyari. But siyempre, it will come."

KC'S HALF-SISTERS. Masaya rin si KC na mas lalo raw silang nagkakalapit ng mga kapatid niya sa ama niyang si Gabby Concepcion, like Gabrielle na anak ng aktor sa businesswoman na si Grace Ibuna. Ano ang reaction ni KC na nagpapakita raw ng interes si Gabrielle to join showbiz?

"Si Gary? I don't think so. I think si Gary, we talk and she's interested in Tourism and Law," paglilinaw ni KC

Nagkakausap sila lately?

"Oh yeah, we're sisters," mabilis niyang sabi. "Kapag nakita niyo kami, nakakatuwa. Nagti-text kami, like, 'Hi ate, what are you doing?' 'Heto baby girl, I'm getting tea in, for example, Starbucks.' Tapos siya, 'Ako rin! Ako rin nandito.' Tapos kapag kasama namin si Papa [Gabby], para kaming mga chicks ni Papa, tapos pare-pareho yung mga sinasabi namin. Alam mong may lukso ng dugo."

Si Chloe, na anak ni Gabby sa dating aktres na si Jenny Syquia, na lang talaga ang hindi niya nakakasama?

"She got in touch with us through Internet like when I was in college. Kaso naglipat-bahay ako, nawala ko yung number niya. Parang one time pa nga, nanawagan pa nga ako sa TV," sabi ni KC.

Constant na ba ang communication nila ngayon?

"Not yet, we're getting there. One at a time."

Wish niya ba na silang lahat na magkakapatid ay magkasama kahit isang beses lang?

"I would love that!" sambit ni KC. "Bilang ate nila. Pero siyempre, it has to be with consent ng mga parents nila. Pero siyempre, bilang ate, gusto ko talaga na magkakasama-sama kami. Pero siyempre, may mga sari-sariling mommies 'yan na mababait naman din. But one at a time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A VERY GOOD YEAR. So far, masasabi ni KC na 2009 has been a very good year for her. How will she assess her 2009?

"Well, like I've said po, yung pagpasok ko po rito sa film, sa music, sa TV, ang dami pong nagtatanong, 'Kailan ka babalik ng Europe?' Parang, 'Base ka na ba rito?' And I always say, 'Habang may work, nandito ako.'

"I don't know until when I'll be here. Ang katawan ko, ready na bumalik ng Europe. Pero while there's work, nandito ako. So, I'm just making the most of everything. Hopefully, 2010 will be just as big and exciting as 2009. Enough to keep me here para mapasaya naman ang mga nagiging supporters ko."

Nami-meet naman ba ang mga expectations niya sa pagpasok niya sa showbiz?

"More than I ever expected and more than anything, character building siya. So, parang pakiramdam ko, nahahasa rin ako bilang tao, bilang babae. It's teaching me so much."

Ano naman ang ini-expect niya sa 2010?

"I have a movie and an album coming out," balita niya.

"Secret" naman ang sagot ni KC nang tanungin kung ang next movie niya will be with Piolo. Although sa Q& A, nabanggit niya that she will be doing a movie with him.

Aniya, "Ilalabas din namin po yun. Sana... Maganda naman po ang response sa Lovers In Paris and, of course, I would love to do a movie with him."

By next year kaya ay nakikita na ba niya ang possibility to work with her parents, Sharon and Gabby?

"Hopefully, I have great hope for that," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN