Maxene Magalona fulfills promise to her late father that she'll finish college

IMAGE 0


"Bago siya namatay, I told him, gagawa ako ng paraan para maka-graduate. E, 'yan kasi ang ultimate dream ng mga magulang para sa kanilang anak, di ba? 'Yan ang gusto ni Papa, kasi hindi rin siya naka-graduate. Gift ko ito kay Papa this Christmas," says Maxene Magalona about her promise to her dad Francis M.


Tampok si Maxene Magalona sa GMA ChristmaSerye na Sana Ngayong Pasko. Makakasama niya rito ang iba pang naglalakihang bituin gaya nina Ms. Susan Roces, Christopher de Leon, Gina Alajar, TJ Trinidad, JC de Vera, JC Tiuseco, at iba pa. Sobrang excitement ang nararamdaman ni Maxene para rito.

"One month lang tatakbo ang show. Very rich and dramatic ang story, si Direk Mike Tuviera ang magdidirek," banggit ni Maxene nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakakaramdam ng pressure si Maxene, lalo pa't mga batikan ang kasama niya rito.

"I'll just do my best because this is a big opportunity for me. Pinagtiwalaan ako ng GMA-7 ng bagong challenge, and I'm so happy. Gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang tiwala nila," sabi niya.

Itinuturing pa rin ni Maxene na kulang ang experience niya pagdating sa akting, at parang ngayon lang kasi siya namumukadkad sa larangang ito.

"Nakatrabaho ko na si Tita Gina, and I am always in awe kapag nakikita ko siya, just like Tito Boyet. Kakabahan ako kapag kaeksena sila, with no less than Ms. Susan Roces, pero gagawin ko ang lahat para matuwa ang audience."

A PROMISE TO HER PAPA. Kung tutuusin, naka-graduate na si Maxene sa studies niya, but she just has to finish a few things.

"Pangako ko kasi 'yan sa Papa ko [the late Francis Magalona]," aniya. "Bago siya namatay, I told him, gagawa ako ng paraan para maka-graduate. E, 'yan kasi ang ultimate dream ng mga magulang para sa kanilang anak, di ba? 'Yan ang gusto ni Papa, kasi hindi rin siya naka-graduate. Gift ko ito kay Papa this Christmas."

Maxene will soon graduate with a degree in Social Science at the Ateneo de Manila University.

"I know Papa is smiling down on me right now," nangingiting sabi ng dalaga. "I'm so happy. Kahit wala na si Papa, basta nagagawa ko yung tama, kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, I think okay yun for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER MOTHER'S HAPPINESS. May balitang may aali-aligid sa mommy niyang si Pia Arroyo Magalona. Natawa lang dito si Maxene.

"Hindi ko naman sila masisisi," sabi ni Maxene. "Kung gusto nilang ligawan si Mommy, she's still young at 45, ha. Very beautiful. Okey lang sa akin. Anything na makapagpapasaya sa mom ko, nasa kanya na ang decision. I'm sure it's not yet the right time. Very early pa. Kamamatay lang ni Papa.

"It's all up to her. It's going to be her decision. Why not, kung magiging masaya siya? Kailangan din niya yung may makapagpapasaya talaga sa kanya. She's happy being our mom, pero hindi lang yun, siyempre. Basta, susuportahan namin siya."

If the right time comes, kung hindi man daw maintindihan ng iba niyang kapatid, siya na ang magpapaintindi sa mga ito.

"I'm ready to explain, na kung may guy man sa buhay ng mom namin, he won't definitely replace our dad. The idea of having a stepdad? Why not? Open-minded naman ang family namin sa bagay na 'yan. Liberal sa family namin, e. Pero, may rules and regulations pa rin.

"Very open kami sa kung anuman ang pupuwedeng gawing desisyon ng mom ko, we trust her na para sa kabutihan din namin yun. Hindi rin nangangahulugan that she would get into marriage right away. Step by step, little by little. Slowly, natatanggap na rin namin, e.

"We're learning to face the fact that our dad is already gone and in a better place. Kaysa naman nagrerebelde kami, magiging masaya na lang kami sa pamilya," pagwawakas ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN