Boy Abunda gives his take on Manny-Krista rumored affair

IMAGE 0


"Well, it takes two to tango...Wala akong masyadong detalyeng alam. Assuming na may katotohanan yung mga kuwento, desisyon nilang dalawa [Manny and Krista] yun. Pangalawa, what drove them into that dalliance or relationship, I don't know, e. Pero my general statement, do I go for a girl or a man having a relationship outside of marriage? Of course not!" says Boy Abunda when asked for his take on the Manny Pacquiao-Krista Ranillo alleged relationship.


Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang opinyon ang tinaguriang Philippines' King of Talk na si Boy Abunda hinggil sa mainit na topic ngayon sa mga usap-usapan at umpukan—ang diumano'y relasyon nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

"Kayo nga yung may litrato diyan, sa'n nyo nakuha yun?" balik-tanong naman ni Boy sa PEP. Ang screen capture na inilabas ng PEP mula sa YouTube video ang siyang tinutukoy ni Boy.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP at iba pang miyembro ng press na makausap ang talent manager-TV host sa presscon na ibinigay sa kanya ng Pacific Meat Co. Inc. Para sa bagong Argentina Corned Beef TV commercial ni Boy ang presscon na ginanap kaninang tanghali, November 19.

Para kay Boy, kung totoo man ang mga tsismis tungkol kina Manny at Krista, hindi lang daw kasalanan ng isa yun o dapat sisihin ang isa lang sa dalawang pumasok sa gano'ng klaseng relasyon.

"Well, it takes two to tango," sabi niya. "Wala akong masyadong detalyeng alam. Assuming na may katotohanan yung mga kuwento, desisyon nilang dalawa [Manny and Krista] yun. Pangalawa, what drove them into that dalliance or relationship, I don't know, e. Pero my general statement, do I go for a girl or a man having a relationship outside of marriage? Of course not! Ilagay mo na lang ang sarili ito sa sarili mong pamilya... nanay mo, tatay mo, hindi mo naman nanaisin yun.

"Pero to say na [only] one is guilty, naaalanganin ako dun," pahabol niya.

Kung kaharap ba niya ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao, ano ang masasabi niya rito?

"Alamin mo ang totoo. Alamin mo talaga ang totoo," sagot agad ng TV host. "Exert every possible effort to know the truth. Again, take it from your husband, kausapin mo. At hangga't kaya mo, as long as there is still love, fight for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You have the right for that marriage. Asawa ka, e. And I know saving the marriage for the sake of the children is one of the reasons, but don't just do it for the children. Do it for yourself. Do it for yourself.

Napasok na ba siya sa ganoong sitwasyon?

Una munang inamin ni Boy na dumaan din siya sa sitwasyon na nababaling sa iba ang kanyang paningin.

"Oo naman. Nangyayari naman 'yan na nanghihina ka at napapatingin ka, at nate-tempt ka, at nagkakasala ka. But I think the issue here is nakakabalik ka ba? Doon sa daan na gusto mo? Nakakabalik ka ba sa relasyon? Nabubuo mo ba ang sarili mo? Oo naman! Pinagdaanan naman ng lahat 'yan. Pinagdaanan ko rin 'yan."

E, siya ba, naranasan niya na bang "maagawan"?

"Oo, guwapo partner ko. Oo naman... Actually, when he was still involved in Philippine Airlines, I was warned by a friend, ako daw ang mag-ingat...," natatawang pagbabalik-tanaw ni Boy.

Nakaranas daw sila ng maraming pagsubok. "You go back to the basics, you go back to the relationship, you go back to the friendship, you go back to the love. You go back to what is real, what is true. And awa ng Diyos, we are on our 26th year."

At kay Krista, ano naman ang masasabi niya?

"I wanna ask her, what is the truth? Totoo bang lahat itong aming nababasa. Well, she's being crucified now... Do you think you deserve the crucifixion? Do you deserve all the name-calling that is happening now? And my follow-up question would depend on whether she will say yes or no."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN