Jolo Revilla refutes report that he had a violent fight with ex-girlfriend Lovi Poe

IMAGE 0


"Sa amin ni Lovi, kahit papaano, masakit na may lumalabas na ganitong mga intriga. Hindi po kami gano'n, hindi po kami nagsasakitan, at maayos po kaming naghiwalay. Hindi na kailangang magsigawan o magsampalan, dahil una sa lahat, hindi kami tinuruan ng magulang namin ng gano'n. Maayos po ang pagpapalaki ng magulang namin sa amin, at wala kaming balak na sirain ang mga pangalan ng mga magulang namin," says Jolo Revilla about reports that he and ex-girlfriend L


Lumabas sa ilang tabloids na isa sa diumano'y dahilan ng breakup nina Jolo Revilla at Lovi Poe ay ang pagiging bayolente raw ng batang aktor. Ayon pa sa isyu, may nakakita raw sa dating magkasintahan na nag-away sa labas ng isang bar. Sinampal at kinaladkad pa raw ni Jolo si Lovi.

Kaninang tanghali, November 20, nagpaunlak na mainterbyu sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ si Jolo. Agad na hiningan ng reaksiyon si Jolo sa ilang isyung ikunukulapol sa hiwalayan nila ni Lovi.

Unang binigyang linaw ni Jolo ang tungkol sa diumano'y pag-aaway nila ni Lovi sa isang bar, kung saan kinaladkad at nasampal pa raw ng young actor ang dating girlfriend.

"Una sa lahat, actually, ayoko na sanang pag-usapan 'to," simula niya. "Pero okay lang sa akin, no problem, gusto ko ring i-clear 'to. Sa amin ni Lovi, kahit papaano, masakit na may lumalabas na ganitong mga intriga. Hindi po kami gano'n, hindi po kami nagsasakitan, at maayos po kaming naghiwalay. Hindi na kailangang magsigawan o magsampalan, dahil una sa lahat, hindi kami tinuruan ng magulang namin ng gano'n. Maayos po ang pagpapalaki ng magulang namin sa amin, at wala kaming balak na sirain ang mga pangalan ng mga magulang namin."

Isa rin daw sa ibinilin sa kanya ng amang si Sen. Bong Revilla, anak ng yumaong Fernando Poe Jr. si Lovi, kaya't hindi niya ito dapat saktan. "'Saka hindi po kami marunong manakit, marunong lang po kaming magmahal," dagdag ni Jolo.

Patuloy pa ng batang aktor, "Gusto ko lang ding i-clear na walang third party kaya kami nag-break, na sa kanya o sa akin, wala pong katotohanan ito. Maayos kaming naghiwalay, nag-uusap pa kami ngayon, kami po'y magkaibigan. Hindi naman basta-basta mawawala yung friendship na 'yon dahil malalim din naman yung pinagsamahan namin."

Nagkausap na ba sila ni Lovi kaugnay ng isyung ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes," sagot ni Jolo. "Actually, nagulat kami nung may lumabas na ganitong isyu. Una sa lahat, siyempre nakakapag-init ng ulo dahil hindi totoo. Ikalawa, nag-usap kami kung ano ang dapat gawin dahil hindi tama yung may ganitong isyu na lumalabas."

Sa palagay niya kaya ay may gusto pang manira sa kanila ni Lovi?

"Sana huwag naman," hiling niya. "Pero hindi natin masasabi, kasi iba-iba naman ang utak ng mga tao. Pero hindi po kami pinalaki ng magulang namin ng gano'n. Imposibleng si Lovi, pinalaki ng magulang niya na marunong manakit.

"At siyempre," patuloy ni Jolo, "nahihiya din kami sa mga magulang namin kapag may lumalabas na issues na ganito, kasi kahit papa'no naaapektuhan din naman sila."

May bago na ba siyang nililigawan?

"Actually, wala pa naman," agad na sagot ng binatang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN