Mark Herras vehemently denies claim of singer-dancer that he impregnated her

IMAGE 0


"Pero seryoso po, wala po akong alam sa mga ganyang bagay. Hindi ko alam ang isyu na 'yan. Wala akong idea sa mga nangyayaring 'yan, kaya wala po akong alam diyan," says Mark Herras about a report saying that he impregnated a member of an all-female group.


Isang babaeng nagngangalang "Krissa," na miyembro ng isang bagong all-female sing-and-dance group ang diumano'y nagbabalak magsampa ng demanda laban sa young actor na si Mark Herras.

Ayon sa report sa isang tabloid, nagkakilala raw sina Mark at Krissa sa isang gimikan sa Timog, Quezon City. Sinabi rin ng babae na may nangyari raw sa kanila ng talent ng Kapuso network dahil naging mag-on daw sila nito.

Buntis daw ngayon si Krissa at ipinaalam na raw niya ito kay Mark. Pero wala raw balak si Mark na panagutan ang ipinagbubuntis niya kaya maghahabla siya ngayon.

Nang makausap sa radio program na Wow! Ang Showbiz sa DWIZ si Mark kaninang tanghali, November 20, agad na naitanong sa kanya kung kilala niya si Krissa?

Natawa muna ang young actor bago nakasagot. "Wala! Wala po!" tanggi niya. "Mamatay man ako. Sa sobrang busy ko sa trabaho, wala akong panahon d'yan, saka mabait na po ako."

Siya raw ang ama ng diumano'y ipinagbubuntis ni Krissa?

"Hindi ko alam!" muling natatawang sagot ni Mark. "Pero seryoso po, wala po akong alam sa mga ganyang bagay. Hindi ko alam ang isyu na 'yan. Wala akong idea sa mga nangyayaring 'yan, kaya wala po akong alam diyan."

Sa ganitong klaseng isyu, tila napuntirya ang kauna-unahang Ultimate Male Survivor ng StarStruck na gamitin upang mapag-usapan ang bagong grupo na ito ng mga kababaihan.

"Actually, hindi na naman bago 'yan, e," sabi ni Mark. "May nangyaring aksidente before na, yun nga, may nagsasabi nga na may nabuntis nga akong isang babae. Pero sabi ko naman, 'Sige, labas niyo kung meron kayong ilalabas. Tingnan natin kung totoo.' E, wala naman po, kaya hindi ako natatakot. Alam ko naman po pag sa isyu, at alam ko naman na pag tama ako, hindi naman ako natatakot sa mga ganyan."

Sa ngayon ba ay wala siyang nililigawan o idine-date na babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, wala po. Sobrang busy po talaga sa trabaho, araw-araw po," aniya.

Nakatutok daw nang husto ang atensiyon ng young actor sa mga TV show niya sa GMA-7, kaya wala na raw siyang panahon para gumimik pa.

Dagdag pa ni Mark, "Itong Ikaw Sana, MWF po ang taping. Yung ibang araw ko for SOP rehearsal, then yung ibang araw ko dahil co-host din po ako ng StarStruck."

Pahabol pa ng young actor, ang kilala niya lang daw na "Krissa" ay si Krissa Mae na dating na-link kay Polo Ravales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN