Manny Pacquiao and wife Jinkee arrive together from U.S. amidst controversy about their marriage

IMAGE 0


Fresh from his victory against Miguel Cotto, Pinoy boxing champ Manny Pacquiao and his wife Jinkee were interviewed by GMA-7's Unang Hirit. Towards the end of the interview, the couple granted requests for them to kiss each other.


Dumating na nga kaninang bandang 5:20 ng umaga, November 20, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao mula sa kanyang panalo kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico. Kasamang dumating ni Manny ang kanyang entourage, sa pangunguna ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao—taliwas sa naunang report na hindi sila magkasabay na uuwi ng Pilipinas.

Pagkalapag na pagkalapag ng kanilang eroplano, na nagmula pa sa Los Angeles, ay nagpaunlak agad ng isang exclusive interview sina Manny at Jinkee kay Connie Sison para sa Unang Hirit ng GMA-7. Bagama't hindi man direktang napag-usapan ang tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Manny dahil sa pagkakaugnay niya sa pangalan ng aktres na si Krista Ranillo, may mga pasundot-sundot na tanong pa rin tungkol dito.

Narito ang kabuuang panayam ng Unang Hirit kina Manny at Jinkee:

Unang Hirit: How do you feel na nakabalik ka na ng Pilipinas at nakikita mo yung suporta ng iyong mga kababayan?

Manny: Masayang-masaya ako dahil nakabalik na ako dito sa Pilipinas at, siyempre, nakapiling ko yung mga anak ko. Masaya ako dahil sa mainit na pagsalubong sa akin ng mga fans. Maraming salamat sa walang-sawang pagsuporta niyo po.

Unang Hirit: May dream match ka pa ba sa ibang boksingero o magre-retire ka na, o pagkatapos pa ito ni Mayweather?

Manny: Hindi natin alam kasi, siyempre, pag-isipan muna natin kung magre-retire na ba o hindi pa. Kasi yung mama ko [Dionisia Pacquiao], gusto niya mag-retire na [ako]. Tingnan natin. Ipi-feel natin kung kaya pa ng katawan natin.

Unang Hirit: Si Mayweather na ba ang huli niyong makakalaban?

Manny: Hindi ko pa alam kung... hindi naman sigurado 'yon kung matuloy yung fight. Pero sa tingin ko, mukhang mahirap kasi hindi magkakasundo sa negosasyon. Pero malaki ang posibilidad na maglaban kami. Maghintay lang tayo.

Unang Hirit: Sa tingin mo ba ay natatakot si Maywather na kalabanin ka dahil nung tinatanong siya noon ay parang ayaw niyang sumagot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny: Alam mo kasi, maraming mga strategy. Strategy din kasi 'yan sa boxing, e. Strategy para makakuha ng malaking share sa negosasyon.

Unang Hirit: Sa lahat ng laban, parang ngayon ka lang nakitaan na medyo may tama ka talaga sa mukha at sa tenga. Itong tama mo sa tenga, kumusta na?

Manny: Sa tenga, okay naman. Namaga lang kasi pag hindi inalis yung blood, manatili siya, titigas yung tenga mo. Papangit yung tenga ko, sabi ng doktor. Sabi niya, alisin yung blood sa tenga, yung maga, para bumalik sa normal kaya pinagamot ko.

Unang Hirit: Pero hindi ka naman nagkakaroon ng problema sa pagdinig o balance mo?

Manny: Hindi naman. Dito lang naman sa labas ng tenga natin... Kasi lumobo siya, may dugo, kinuha yung dugo tapos tinahi at nilagyan ng [benda].

Unang Hirit: Kumusta yung biyahe kasama ang pamilya mo. Kumusta yung pagsasama niyo ng iyong ama (Rosalio Pacquiao)?

Manny: Okay naman, enjoy siya. At talagang masaya siya, first time niya sa States.

Unang Hirit: Ano yung mga unang ginawa ninyo nung nandun kayo? Meron ba kayong bonding time, siyempre, first time na nakasama mo ang Mama mo at saka Papa mo together sa Amerika? Ano ang mga ginawa n'yo?

Manny: Magkasama kaming lahat ng pamilya ko, pati yung father ko. Pinasyal ko sila. And then, lahat ng mga kapatid ko... First time din nung kapatid kong babae na panganay.

Unang Hirit: Puwede mo ba kaming kuwentuhan kung ano ang mga particular na mga lugar na pinasyalan n'yo?

Manny: Nag-shopping sila dun sa Beverly Center. Then, sa Las Vegas namili din sila. Marami pang ibang pinuntahang store.

Unang Hirit: Naku, mukhang malaki-laki ang pocket money na naibigay mo, ha?

Manny: Hindi, para sumaya sila.

Unang Hirit: Bukod sa boxing career mo, nandiyan din ang pagtakbo mo. Before, nabanggit mo sa amin na nagbago na ang isip mo, hindi ka na tatakbo. What made you change your mind na tumakbo na muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny: Hindi naman ako nagsabi na hindi na tatakbo. Talagang tuloy ang plano ko na... Siyempre, gusto ko namang makatulong sa mga tao. Yun lang ang... 'yan lang ang maibalik kong pasasalamat sa mga tao, na makatulong ako nang taus-puso talaga, totoong tulong talaga na nanggagaling sa puso. At ayan naman ay gagawin ko para naman kabayaran dun sa suporta nila at walang-sawang pagdarasal, at siyempre sa biyayang ibinigay sa akin ng mahal na Panginoon.

Unang Hirit: Sa pagpa-file mo ng COC [certificate of candidacy], puwede ba namin malaman para masubaybayan ka ng mga tagahanga mo kapag ikaw ay magpa-file na?

Manny: Ia-announce namin 'yan pag may exact date na kami sa pagpa-file ng COC. Then, siguro bonding muna with the family.

Speaking of family, sa puntong ito ay sinamahan na sila sa interview ng misis ni Manny na si Jinkee.

Unang Hirit: Jinkee, kumusta naman ang trip pagbalik ninyo dito?

Jinkee: Okay naman, naka-relax. Okay naman yung biyahe.

Unang Hirit: Balita ko nag-shopping daw, marami daw mga kasama niyo, ang family niyo?


Jinkee: Oo, nag-shopping ako for my boutique.

Unang Hirit: Tell us about yung pakiramdam mo. Kasi ngayon si Manny, talagang marami siyang tama nung kanyang fight. Ano ang pakiramdam mo habang nandun ka mismo at nanonood?

Jinkee: Siyempre, ninenerbiyos ako nung first round kasi parang tinatamaan siya. Pero napanood na kasi namin si Cotto sa New York, e, nung lumaban. So, alam kong kayang-kaya ni Manny yung style niya.

Unang Hirit: Ano yung usual na ginagawa mo o pinapangaral mo kay Manny bago siya pumasok sa ring?

Jinkee: Hindi naman sa nagpapangaral, kasi alam ko naman na pag umakyat na siya sa ring, ginagawa niya talaga yung best niya. Prayers lang yung parang contribution ko.

Unang Hirit: Ano yung plano niyong gawin ngayon for your family? Kumusta ba ang family natin ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny: Okay naman, masaya naman kami na namamasyal. Masaya kami ngayon dahil kasama namin yung mga anak namin. And then, may kuwento ako sa inyo during the fight... Nasa likod ko sila nakaupo, sabi niya [Jinkee], 'Babe, tapusin mo na, tapusin mo na!' Paano ko tapusin, e, matigas si Cotto? [sabay tawa niya]

Unang Hirit: Ano ba yung nakita mong difference ni Cotto as compared to the other boxers na nakalaban mo? Nahirapan ka ba kumpara sa iba?

Manny: Medyo nahirapan din kasi matibay si Cotto. Hindi basta-basta na boksingero, talagang malakas din. Tingnan mo yung inabot ko, ang dami kong black eye! Siguro pasalamat tayo sa Panginoon naka-survive tayo.

Unang Hirit: Kaya nga yung mga naonood nung time na 'yon, talagang nagsisigawan. Kasi nakita nila na unlike nung kay (Ricky) Hatton na napakabilis ng pagtatapos ng fight na 'yon, pero ito natapos yung 12 rounds. Ikaw ba, Jinkee, at some point, nagkaroon ka ba ng parang agam-agam kung ilang rounds?

Jinkee: Naisip ko hanggang 11, pero naisip ko na kayang-kaya niya kahit umabot ng 12 rounds.

Unang Hirit: Uuwi muna ba kayo ng Sarangani?

Manny: Uuwi muna kami ng Sarangani, kasama yung pamilya ko.

Unang Hirit: Yung mga anak niyo kanina na-interview ko, sobra silang excited. In fact, gumawa pa sila ng mga eroplano para sa inyo. Ano ba ang gagawin niyo together with the kids?

Manny: Bonding muna, bonding with the kids kasi matagal na hindi namin sila nakasama.

Unang Hirit: Napansin ko rin yung mga anak ninyo, sobrang Inglisero, siyempre talagang nasa International school. How do you feel pag nakikita mo silang lumalaking maayos yung nagiging takbo ng kanilang pag-aaral?

Jinkee: Ako talaga, I'm happy. Siyempre, inaano ko talaga na matuto silang mag-Ingles. Kapag dumating sila sa U.S., marunong silang sumagot 'tsaka kung sila lang, di ba?

Unang Hirit: So, yun yung talagang goal ninyo? Meron ba kayong plano for your kids, particularly kung gusto nilang makapag-aral abroad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jinkee: Siguro pag nag-college na, yun yung plan ko na sa States sila mag-aral. Dito, elementary, high school, dito muna sa Pilipinas.

Unang Hirit: Jinkee, I hope you don't mind... Nung time na ano, napaiyak ka, na-touch ka daw ba sa sermon ng pari, kasi yun ang sabi ni Manny, e, na-touch ka...

Jinkee: [Tumawa si Jinkee sa tanong samantalang tahimik lang si Manny] Oo, na-touch lang ako 'tsaka meaningful lang kasi yung kanyang [pari] homily do'n. So, yun lang 'yon, 'tsaka na-miss ko yung mga anak ko, e.

Pagkatapos mang-imbita ni Manny para sa kanyang victory party sa Atrium ng Mall of Asia ngayong hapon ay ang mga host naman ng Unang Hirit na nasa studio ang nagtanong kay Manny.

Arnold Clavio: Yung sa tenga mo, wala bang dapat ikaalala yung mga fans mo diyan?

Manny: A, ito sa tenga ko wala kasi medyo lumobo lang yung tenga ko... Tinahi siya para hindi lumobo ulit. Then, okay na. Wala namang problema sa loob.

Arnold: So, walang problema sa pagdinig?

Manny: Wala naman, hindi naman.

Arnold: E, sa kamay mo, ba't may balot pa 'yan, maga pa rin, Manny?

Manny: May ano ako, bone contusion... pagkasuntok ko sa hook. Kailangan, sabi ng doktor, huwag igalaw nang igalaw, ipahinga daw ng at least two weeks.

Arnold: Mga ilang panahon bago ka makasabak ulit, yung talagang physically fit ka para harapin na 'tong si Mayweather?

Manny: Linggo lang, linggo lang. After three weeks, puwede ko nang maigalaw. Pero hindi muna maisuntok sa heavy gloves kasi siguro abutin pa ng isang buwan. After that, puwede na akong mag-ensayo ulit.

Arnold: Ang sweet niyo namang dalawa [Manny at Jinkee]... Manny, okay na kayong mag-asawa, 'no?

Manny: Okay naman kami, wala kaming problema.

Arnold: Alam mo ba nung wala ka rito, biktima ka ng tsismis. Alam mo ba 'yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny: [tumawa muna siya bago sumagot] Grabe, ganun talaga, e! Sana banggitin naman nila yung ano, pag may tsismis, banggitin nila yung Wapakman. Panoorin nila yung Wapakman sa film festival!

Arnold: Jinkee, kamusta ka na?

Jinkee: Okay naman.

Biniro ni Arnold si Jinkee na hindi na niya ito paiiyakin kaya ang tungkol sa mga bata na lang ang tinanong niya. Kaso lang, hindi marinig ni Jinkee sa override ang tanong ni Arnold kaya hindi niya ito nasagot.

Suzi Entrata-Abrera: Manny, may chance ka pa bang makapagbakasyon, kasama yung family mo na kayo lang para makapag-spend time together?

Mnany: Meron, meron... Magbabakasyon kami after siguro ng school ng mga bata para naman magkaroon kami ng time sa isa't isa, lahat, sa mga bata, bonding with the kids, with the family.

Suzi: Ano ang paborito ninyong gawin? Kayo ba ay sa beach o ano ba?

Manny: Siguro maligo sa dagat. 'Yan ang pinaka-the best.

Drew Arellano: Hindi ba, usually, may mga artista o basketball players, katulad na lang ng roster ng Boston Celtics last time, na pumunta sa dugout mo at nakisaya sa pagkapanalo mo over Oscar dela Hoya? Meron bang pumunta na artista dun sa dugout nang tinalo mo si Cotto?

Manny: Meron naman, meron naman... Nakalimutan ko lang yung mga pangalan pero... [Natawa ang mga host sa sinabi na ito ni Manny kaya maging ang boskingero ay natawa na rin.] May mga pumunta, lalo na sa fight, ang daming pumuntang mga artista.

Lyn Ching: Manny, ano yung feeling mo na yung mga artista, well, yung mga Hollywood stars na mismo ang talagang nagsasabi na, 'Wow, Paquiao is No. 1!"? Hollywood na, sila na ang lumalapit sa 'yo, umiidolo sa 'yo? What do you say?

Manny: Masayang-masaya ako. I'm very happy for that kasi yung mga fans ni Dela Hoya dati, sa akin na sila nagtsi-cheer ngayon, kasi nagretiro naman si Dela Hoya. And then, talagang sinusuportahan nila ako, sumisigaw pa sila, like Mark Wahlberg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lyn: Meron ka bang Hollywood stars na gustung-gusto mo talagang makasama, kundi man sa pelikula ay sa dugout pa lang, o makasama papunta sa ring?

Manny: Hindi ko na sila banggitin kasi baka magselos naman yung ibang mga kakilala ko [tumawa siya ulit].

Lyn: Napansin ko, pagbababa pa lang ni Jinkee mula sa escalator, talagang lahat kami dito napamangha na, 'Wow, ang seksi ng misis mo!'

Manny: Ang ganda ng asawa ko! [Nang marinig ni Jinkee ang sagot ng asawa ay napangiti lang ito.]

Lyn: So, does this mean after Queen Elizabeth, magkakaroon ka pa ng maybe prinsipe naman ang tawag niyo?

Jinkee: Palakihin muna namin si Queen Elizabeth bago namin sundan! Kasi maliit pa, e, magwa-one year old pa lang this coming December.

Lyn: May big party ka bang nakahanda para kay Queen Elizabeth? Dito niyo ba ise-celebrate o sa ibang bansa?

Manny: Siyempre, malaki 'yon pag sa birthday niya. Di ko alam, baka dito sa Pilipinas.

Drew: Nabalitaan namin na baka magkaroon ka daw ng pelikula with Rocky himself, Sylvester Stallone. Totoo ba ito?

Manny: [Natawa muna si Manny bago sumagot.] Hindi, may mga kumausap sa akin bago ako umalis. May kumausap sa akin for a reality show sa Amerika.

Lyn: Anong reality show? Based sa boxing o real life?

Manny: Hindi ko pa alam. Basta ano lang, reality show lang ang pinag-usapan namin. Nag-meeting kami bago ako umalis.

Lyn: Paano kung sabihin nila, 'Manny, make a movie here in Hollywood'? Papayag ka ba ?

Manny: 'No problem!' [Natatawang sagot niya.]

Suzi: Sino naman ang gusto mong maging leading lady sa international, kung sakaling Hollywood?

Manny: Ay, hindi na mahalaga sa akin yun. Maganda lang yung maipakita nating performance sa Amerika.

Suzi: Paano mo napagkakasya-kasya yung oras mo, Manny, kunwari matuloy 'tong project na 'to sa Amerika, meron pang ano na baka tumakbo ka sa eleksiyon, siyempre you need time for your family, at may mga shows ka dito sa GMA. Paano mo siya napagsasama-sama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny: Ano lang, kailangan bawasan yung mga wasting time na minsan, yung paglabas-labas. Kailangang dun sa trabaho, trabaho.

Lyn: Nung nasa Amerika kayo ni Mommy D [Mommy Dionisia], ipinagluto ka ba niya ng mga paborito mong pagkain? O si Jinkee, yung tinola, nilutuan ka ba niya?


Manny: A, hindi, may tagaluto kami dun, e. Yung dinala kong tagaluto, di ba, yung sa training ko? Talagang magaling magluto 'yon, e.

Lyn: So, pagkatapos ng training mo, talagang kumain ka nang todo-todo after the fight? At ano ang kinain mo?


Manny: Hindi naman, basta konti yung kinakain ko pag wala akong training, pagkatapos ng fight. Kaya lang ako kumakain ng marami pag nagte-training kasi ayaw kong pumayat. Baka lumiit ako tapos mag-underweight ako.

Lyn: So, may specific bang pagkain o diet ka? May mga gustong malaman yung diyeta mo, kung ano ang kailangan nilang gawin sa araw-araw para maging isang katulad ni Manny Pacquiao?

Manny: Unang-una, narating ko yung narating ko kasi sa pagdarasal ko sa Panginoon, pagtitiwala ko sa Kanya. Importante 'yon kasi kahit anong galing mo man, kung wala kang suwerte, hindi ka mabigyan ng suwerte ng Panginoon, hindi ka rin magiging sikat, hindi ka rin magtagumpay sa mga pangarap mo. Kailangan dasal, tiwala sa Panginoon, then hard work, siguro magiging [successful] ka sa mga pangarap mo.

Pagkatapos naman nito ay kinantiyawan ni Arnold sina Manny at Jinkee ng "kiss!" Nagpaunlak naman ang mag-asawa at hinalikan nila ang isa't isa sa labi.

Nang mag-request ang mga nasa VIP section ng NAIA ng isa pang halik, nagpaunlak ulit sina Manny at Jinkee.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe ang mag-asawa para sa mga kababayan natin.

Jinkee: Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumuporta. Sana huwag kayong magsasawa.

Many: Salamat din sa lahat ng mga kababayan natin, sa lahat ng pagsuporta. Sa lahat ng mga Kapuso, sa sambayanang Pilipino, salamat. Higit sa lahat, sa mahal na Panginoon. Sa Kanya galing lahat ng 'to, magpasalamat tayo. Karangalan nating mga Pilipino, karangalan nating lahat. Maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN