Anne Curtis reacts positively to rumor linking ex-boyfriend Sam Milby to Bea Alonzo

IMAGE 0


"Kung totoo man, wala naman akong magagawa doon. I don't intend naman to react negatively. Sino ba ako para humadlang? I'm out of that already. Pareho kong kaibigan sina Sam at Bea, and honestly, kung ano ang makapagpapasaya sa kanila, doon ako. Walang hindi magandang salitang manggagaling sa akin," is Anne's reaction to reports that Sam Milby and Bea Alonzo are now dating.


Parang nadulas ang dila ni Vhong Navarro minsang nagbibiruan sila ni Anne Curtis sa Showtime, ang daily talent show ng ABS-CBN. Nabanggit ang pagbabalikan issue kina Anne at Sam Milby at kitang-kita kay Anne na tila nadiyahe ito sa pambubuking ni Vhong.

"Naku, wala yun! Panggu-goodtime lang ni Vhong yun. Ganoon naman kami sa show, e," paglilinaw naman ni Anne nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Pagdating sa mga tsika about Sam, hindi ko na lang sineseryoso kasi wala naman, e. Just imagine, more than a year na kaming magkahiwalay, and I have moved on already. Wala na sa akin ang mga ganyan. Happy na si Sam sa buhay niya at ako rin naman. So, ano pa ba ang isyu?"

Nabanggit kasi ni Anne na parang nami-miss niyang may boyfriend, lalo na't malapit na ang Pasko.

"Naiisip ko lang na okey sana kung may boyfriend ako this Christmas. Pero kung wala naman, bakit ko pa hahanapin? Hindi ako naghahanap, and I don't have to. Honestly, wala naman akong gustong balikan. Kung mangyari na lang na ganoon, and not necessarily that I'm hoping o nag-iilusyon, okey rin lang siguro. Why not?" natatawang sabi niya.

SAM AND BEA. Pero paano pa papasok ang reconciliation kung laganap na ang balitang sina Sam at Bea Alonzo na? Ano ang masasabi ni Anne dito?

"I'm not in the position to react, kasi hindi ko naman alam kung totoo o hindi," sabi niya. "Pero kung totoo man, wala naman akong magagawa doon. I don't intend naman to react negatively. If that will make them happy, sino ba ako para humadlang? I'm out of that already. Pareho kong kaibigan sina Sam at Bea, and honestly, kung ano ang makapagpapasaya sa kanila, doon ako. Walang hindi magandang salitang manggagaling sa akin."

Hindi ba naiirita si Anne na hanggang ngayon ay si Sam pa rin ang ikinukulit ng mga tao sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot niya. "Pero nagwi-wish lang ako na sana magkaroon na rin ako ng bagong boyfriend para bagong chapter at hindi na basta pinag-uusapan pa ang nakaraan namin ni Sam. Kasi, habang unattached ako at kung unattached man si Sam, hindi maiiwasang i-link kami. Laging magkakaroon ng mga isyung ganyan.

"Okey rin kasi na sina Sam at Bea na 'cause I don't see any problem with that. Kaya lang, ayokong basta nagsasalita dahil personal na nilang buhay 'yan, e. I will just mind my own business, di ba?"

BIGGER STAR IN 2010. So far, maganda ang nagaganap sa career ng young actress, and it looks like Viva and ABS-CBN are going to continue to join forces to make Anne a bigger star sa 2010.

"Magpatuloy lang na ganito, pinababayaan ko na lang ang mga nagma-manage sa career ko kung ano ang makakabuti. Nami-miss ko na ang teleserye, and I hope early next year, mag-umpisa na kami sa isang bagong teleserye.

"Sa ngayon, naiisip ko nga, paano ko pa isisingit ang ibang activities kung may regular soap na uli ako? Nadagdagan pa ako ng isang show na almost every day, but I'm enjoying it.

"Basta ako, nandito lang para magtrabaho. Wala namang nakakaalam kung ano pa ang mangyayari sa personal life ko sa mga susunod na araw, and we just have to hope for the best.

"Alam ng mga tao ang pinagdaanan ko sa love, kaya natuto na rin naman ako. Hindi madali yung agad-agad ay maka-recover. I'm happy that I became a stronger person. Pagdating sa love, masasabi kong nag-iisip na talaga ako!" natatawang pagwawakas ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN