JC de Vera will celebrate Christmas without special someone

IMAGE 0


"Single ako, pero unavailable. Bago yun, di ba? At least ngayon, nakakapag-travel ako. Nagagawa ko yung gusto ko. Mas nag-e-enjoy ako. Tingin ko, magiging masaya naman ang Christmas na ito," says JC de Vera.


Naging malapit sa isa't isa sina JC de Vera at Rhian Ramos habang ginagawa nila noon ang GMA-7 primetime series na Lalola. Pero inamin ng young actor sa panayam sa kanya ng Startalk na nang magtapos ang Lalola ay naudlot na rin kung anumang matamis na pagtitinginan meron silang dalawa.

"Siguro sabihin na nating talagang may mga nangyayari, may mga pumipigil talaga. Maraming pumipigil, pero okey lang," pagkibit-balikat ni JC.

Pagkatapos niyang ma-link kay Rhian, wala nang ibang babaeng naugnay ulit kay JC. Ayon pa sa young actor, malamang na mag-celebrate siya ng Pasko without a significant other.

"Oo, single ako, pero unavailable. Bago yun, di ba?" natatawang sabi niya. "At least ngayon, nakakapag-travel ako. Nagagawa ko yung gusto ko. Mas nag-e-enjoy ako. Tingin ko, magiging masaya naman ang Christmas na ito."

YASMIEN STILL DOESN'T WANT TO WORK WITH HIM. Samantala, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sila nagkakasundo ng isa pa niyang naging ka-love team na si Yasmien Kurdi.

Sa katunayan, ayaw pa rin siyang makasama ni Yasmien sa anumang project. Tahasan ngang sinabi ni Yasmien sa hiwalay na interview sa kanya ng Startalk na, "Siguro huwag na muna. Baka mamaya, matawagan na naman akong desperado. Siyempre, ayoko namang matawag na desperado."

Ano naman ang reaksiyon sa sinabing ito ni JC?

"Siyempre sad, sad ako dahil kasi for me, work yun, e. Para sa akin, kung anuman ang ibibigay na trabaho, okey ako dun. Siguro kung meron siyang personal na something sa akin, siguro sa kanya na lang. Tingin ko, kapag nagkasama kami ulit, magpa-patch things up din. Kusa na lang mawawala yun."

JC IS NOT SICK. Nilinaw rin ni JC ang lumabas na balitang may malubha raw siyang karamdaman at kailangan niyang magpa-blood transfusion.

"Weird lang kasi itong taon na ito, hindi naman ako na-hospital," sabi ni JC. "Hindi rin naman ako nagkaroon ng sakit na grabe. So, wala... Kaya sabi ko, okey pa naman ang katawan ko dun. Hindi naman ako mukhang may sakit. Kumakain pa rin naman ako nang maayos kaya wala, wala... hindi po totoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Right now, abala si JC sa bago niyang project sa GMA-7, ang Sana Ngayong Pasko. Isa itong ChristmaSerye, kung saan makakasama niya sina Ms. Susan Roces, Christopher de Leon, Gina Alajar, TJ Trinidad, Maxene Magalona, JC Tiuseco, at iba pa.

"Blessing din ito para sa amin dahil hindi naman lahat ng artists may ganitong opportunity. Special din siya dahil first time kong makakasama si Ms. Susan Roces. First time ko na makakasama yung mga big actors and big actresses," saad ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN