Laurice Guillen believes her husband Johnny Delgado is now in heaven

IMAGE 0


"Oo naman, napaghandaan namin. Pero siyempre, iba pa rin yung parang kapag nangyayari na. Alam naman namin ang possibility na matalo siya sa fight against cancer. Pero at least naman... nag-uusap naman kaming mag-asawa kung ano yung mga gusto niyang mangyari. There are preparations that have been made," says actress-director Laurice Guillen (inset, top) about her husband, actor Johnny Delgado (main photo), who passed away last November 19.


Bukas, November 24, ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang aktor na si Johnny Delgado. Sumakabilang-buhay si Johnny—Juan Marasigan Feleo sa tunay na buhay—noong Huwebes, Nov. 19, dahil sa lymphoma. (CLICK HERE to read related story.)

Tatlong taon ding nakipagbuno sa cancer ang aktor. Sa kanyang pagyao ay naiwan niya ang kanyang asawa na si Laurice Guillen at ang dalawang anak nilang babae na sina Ina at Ana Feleo. Si Johnny ay 61 years old.

Sa panayam ng Startalk kay Johnny noong February 21, sinabi niya na maluwag niyang tinatanggap ang pagkakaroon niya ng cancer.

"So, hayun na, ganyan na ang sitwasyon, di ba? Okay, dasalan na, iyakan na! Kapag nakaikot pala sa 'yo ang mga tao, pakiramdam mo patay ka na. Lumabas yung resulta ng biopsy, lymphoma.

"Sabi ko, okey lang. Kasi, naniniwala naman ako kay Mama Mary na para kasing ano ko yun...parang nanay ko na, 'Ako ang bahala sa 'yo.' So, dun lang ako nakakapit. Tapos, sige na, gusto ko nang makita si Jesus," pahayag ng aktor noon. Parehong Marian devotee sina Johnny at Laurice.

At makalipas ang anim na buwan ay pumanaw na si Johnny.

Sa burol ng mga labi ni Johnny sa Mt. Carmel Church sa Quezon City ay nakausap ng Startalk ang maybahay ni Johnny na si Laurice at ang anak nitong si Ina.

Ayon kay Laurice, napaghandaan naman daw nila ang paglisan ng kanyang asawa.

"Oo naman, napaghandaan namin. Pero siyempre, iba pa rin yung parang kapag nangyayari na. Alam naman namin ang possibility na matalo siya sa fight against cancer. Pero at least naman... nag-uusap naman kaming mag-asawa kung ano yung mga gusto niyang mangyari. There are preparations that have been made," sabi ng actress-director.

Dagdag naman ni Ina, "Napaghandaan talaga namin. Sinabi sa amin na any time. So, doon lang namin na-realize na malubha na talaga si Daddy. So, yun, pag-uwi namin sa bahay, tinawagan na namin lahat ng friends and family. Nang magsidatingan sila sa bahay, he feels happy. Parang surrounded by love siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Laurice, "I thought that he would feel spiritual comfort by seeing his friends. Grabe ang love na ipinakita ng mga kaibigan namin."

May mga inihabilin ba si Johnny sa kanyang pamilya?

"Kasi si Daddy, hindi naman siya nagbilin talaga noong mga last ano niya... Pero parang it was the same pa rin, 'I love you,' ganun. Hindi talaga siya nagpaalam. Parang tingin ko nga, up to the last minute, lumalaban siya," sabi ni Ina.

Kuwento naman ni Laurice, "Sabi niya, 'Gusto kong umuwi para pirmahan lahat ng paintings ko. Yung mga hindi ko pa napipirmahan.' Tapos sabi niya, 'Hindi na 'ko magpe-paint. Yung paint brushes ko, ibibigay ko kay Ina. But, ang ibinibilin ko lang siguro...' Yung bilin niya sa isang anak ko na, 'Alam mo, that doesn't mean na mawawala ako,' sabi niya. 'It only means that I'm still there. Hindi mo lang ako makikita. So, gusto ko, kausapin mo pa rin akong madalas,' sabi niya."

Dugtong ni Ina, "Sabi nga niya sa kapatid ko, 'Katawan ko lang ang mawawala. Puwede mo pa rin akong kausapin.'"

Sa kabila ng pagkawala ng kanilang padre de pamilya, marami pa rin daw magagandang pagbabago ang dulot nito sa kanila.

"Maraming naayos sa buhay namin. Maraming gumanda sa relasyon namin," sabi ni Laurice. "We never felt love for each other as much as we did this year. 'Yan nga ang sinasabi sa cancer, [it] is a wake-up call. So, ibig sabihin, yung kung anumang hindi tama sa buhay natin, naitama."

Naniniwala rin si Laurice na nasa langit na ang kanyang asawa ngayon.

"I believe in heaven. I believe he is in heaven," sambit nito.

Bukas ng umaga, Nov. 24, ang libing ng mga labi ni Johnny sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN