Manny Pacquiao on Krista Ranillo: "Matalik na magkaibigan kami talaga."

IMAGE 0


Boxing champ Manny Pacquiao breaks his silence on his rumored affair with sexy actress Krista Ranillo. He insists that they are just "close friends."


"Matalik na magkaibigan kami talaga," ito ang naging deklarasyon ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao tungkol sa diumano'y relasyon nila ng sexy actress na si Krista Ranillo.

Sa panayam ni Manny sa GMA News ay iginiit niya na magkaibigan lang sila ni Krista, sabay promote ng pinagsasamahan nilang pelikula, ang Wapakman. Ito ay sa kabila ng usap-usapan na may namamagitan sa kanila, idagdag pa ang mga "sightings" kung saan magkasama ang dalawa—sa Hong Kong, sa training ni Manny sa Baguio, hanggang sa US.

Humingi ng paumanhin si Manny kay Krista at sa pamilya nito dahil sa isyung ito.

"Pasensiya na at hindi ko naman ginusto na masira yung pamilya ninyo at... Kumbaga sa ano, dumating lang talaga yung panahon na... dumating yung pagkakataon na talagang sinakyan ng ano at nagkaroon ng isyu-isyu, gano'n..." saad ni Manny.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na direktang sinagot ni Manny ang tsismis tungkol sa kanila.

Dahil sa isyu, balitang naapektuhan ang pagsasama ng Pambansang Kamao at ng asawa nitong si Jinkee.

May balitang lumabas na sa bisperas ng laban ni Manny kay Miguel Cotto sa Las Vegas ay nagkaroon daw ng matinding away ang mag-asawa. Nalaman daw kasi ni Jinkee na pinuntahan ni Manny si Krista sa hotel room nito. Lalo pang umigting ang balita nang maging emosyunal si Jinkee sa gitna ng homily sa Thanksgiving Mass para sa tagumpay ni Manny. Naluha ang misis ni Manny sa sermon ng pari tungkol sa kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.

Pero mukhang nagkaayos na ang mag-asawa nang sabay silang dumating noong Biyernes, November 20. Bagamat may pakiusap sa media na huwag tanungin sa presscon pagdating nila ang tungkol sa relasyon diumano ni Manny kay Krista, sinabi ni Manny na wala naman daw problema nang kumustahin ang pamilya niya.

Wala pang balita kung nakabalik na rin sa Pilipinas si Krista at ang kanyang pamilya mula sa US.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN