Communication is still open between ex-couple Lovi Poe and Jolo Revilla

IMAGE 0


"Kahit papaano, nag-uusap kami. Magkaibigan kami at hindi basta-basta mawawala yun. At malalim ang pinagsamahan namin at kahit papaano, hindi maalis ang isang Lovi Poe sa puso ko," says Jolo Revilla about ex-girlfriend Lovi Poe.


Kumpirmadong break na sina Jolo Revilla at Lovi Poe. Pero magkaganuman man, base sa hiwalay na panayam ng Startalk sa dalawa, inamin nila na open pa rin naman ang communication nila.

"Minsan na lang... minsan nangangamusta siya. Siyempre, magkaibigan pa rin naman kami," sabi ni Lovi.

Ayon naman kay Jolo, "Kahit papaano, nag-uusap kami. Magkaibigan kami at hindi basta-basta mawawala yun. At malalim ang pinagsamahan namin at kahit papaano, hindi maalis ang isang Lovi Poe sa puso ko."

RONALD SINGSON. Ipinagpapalagay ng karamihan na ang ugat ng breakup ng dalawa ay ang pagsulpot daw sa buhay ni Lovi ng anak ni dating Ilocor Sur Gov. Chavit Singson, si Ronald Singson.

"I don't deny na nagkakasama kami ni Ronald, but I'm with a lot of friends," paglilinaw ni Lovi. "It's not a date at siguro parehas lang kami ng mga kaibigan ngayon. Kahit ipagdiinan ng iba na ako ang may kasalanan, dyusko, I know the truth! And as long as Jolo knows the truth, yun ang importante sa akin. I'm not affected because I know the truth naman."

Pero kung sakali at ligawan nga siya ni Ronald, sa tingin ba ni Lovi this is the right time to fall in love again?

"There's nothing wrong, I'm single," sagot niya. "But for me to enter a relationship right now, it is not just the right time. Sa amin naman ni Jolo, hindi naman biro yun, ang dami rin naming pinagdaanan."

Sinang-ayunan naman ni Jolo ang sinabi ni Lovi.

"Actually, oo... marami kaming pinagdaanan. Medyo bumpy, medyo malubak. Basta ang masasabi ko, siguro sa ngayon, dun sa mga dumadaan na pagsubok, kahit papaano, napatatag din nila kami," saad ng anak nina Bong Revilla at Lani Mercado.

"HINDI KAMI NAGKASAKITAN." Mariin namang itinanggi ni Jolo ang report na pinagbuhatan niya ng kamay si Lovi. Kumalat din kasi sa text messages na may nakakita raw sa kanila na sinampal niya si Lovi sa labas ng isang bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maayos kaming naghiwalay. Hindi kami nagsakitan at malaki ang respeto ko sa kanya," pahayag ni Jolo.

Bagamat pareho nilang sinasabing walang third party sa breakup nila, hindi pa naman nila masabi kung posible pa silang magkabalikan.

"Mahirap magsalita sa ngayon. Basta ako, ang masasabi ko, okey naman kaming ganito," nakangiting sabi ni Lovi.

As for Jolo, "Hindi pa ngayon yung tamang panahon. Malay natin sa mga darating na panahon. Siyempre sa ngayon, gusto naming mag-focus sa trabaho namin, sa career namin, at pati na rin sa pag-aaral namin."

Sa huli, nasabi ni Jolo, "Nagpapasalamat ako siyempre sa family niya. Kay Lovi, dahil kahit papaano, naramdaman ko na nandun yung pagmamahal nila sa akin. Nagpapasalamat din ako kay Lovi dahil ni isang beses, hindi ko naramdaman na wala siya sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN