Tim Yap explains why the name of Embassy bar was changed when it re-opened

IMAGE 0


"Ang gulo ay depende sa taong nagpupunta. Sana yung mga taong pumupunta, maging mas disiplinado. Hinigpitan namin lalo yung security. Ngayon, we have 90 CCTVs [closed-circuit televisions] at any given time. We have about a thousand security guards at any given night, bouncers and all that na well-trained talaga. Kami, ginagawa namin ang part namin. Sana ang mga tao, gawin din nila ang part nila," says Tim Yap about the people who will come to the new Encore ba


Pagkatapos maipasara ng dalawang buwan ay muling nagbukas noong October 30 ang Embassy Bar sa The Fort, Taguig City, na itinuturing na isa sa favorite hangouts ng elite and well-known personalities in and out of showbiz. Madalas din itong mabanggit sa balita dahil sa mga gulong nagaganap dito.

This time, may bago nang pangalan ang Embassy—Encore.

Sa recent interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Tim Yap, sa isa sa owners ng Encore, ipinaliwanag niya kung bakit nila isinara ang Embassy at pinalitan ang pangalan nito sa kanilang re-opening.

"Wala lang, para lang makapag-renovate kami, makapag-reconstruct," sabi niya. "Hinigpitan pa namin lalo yung security namin at lahat pa. Two months siyang nagsara. Pero habang nakasara yun, nakapag-renovate kaming mabuti. Naging relief center kami, naging drop-off point kami ng mga goods para sa Ondoy victims. So, para sa akin, naging maganda ang mga pangyayari dahil nakapagbukas kami nung Halloween.

"Ang pangalan ng Embassy ngayon is Encore. It's Encore because every great performance deserves an encore. Yung dating Embassy cuisine is now Suite, it's a dessert bar. Tapos yung dating Embassy, lilipat naman sa NAIA 3 for next year. Wala kaming na-encounter na financial difficulties. Sa awa ng Diyos, lagi naman kaming masagana."

Hindi kaya dahil sa mga gulong nangyari sa Embassy noon kaya sila nag-decide na isara ito?

"Security, alam mo, ang gulo, hindi depende sa venue," sabi ni Tim. "Ang gulo ay depende sa taong nagpupunta. Sana yung mga taong pumupunta, maging mas disiplinado. Hinigpitan namin lalo yung security. Ngayon, we have 90 CCTVs [closed- circuit televisions] at any given time. We have about a thousand security guards at any given night, bouncers and all that na well-trained talaga. Kami, ginagawa namin ang part namin. Sana ang mga tao, gawin din nila ang part nila."


FUNDRAISING SHOW FOR ONDOY VICTIMS. Isa si Tim sa mga celebrity na nagbigay ng tulong para sa mga kababayan nating nabiktima ng bagyong Ondoy. Ito ay ginawa niya sa pamamagitan ng fundraising show na Hoy, Hoy, Ondoy! Ang proceeds ay napunta sa Philippine National Red Cross at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako ang nag-produce nun," sabi niya. "I was in Singapore, from there, takbo na kami agad sa Manila. I got a place, I got the NBC Tent, I got all the artists. Nagtawag ako ng mga banda, we confirmed 30 bands, we got a place sponsored, lahat, pati yung mga music suppliers, lighting suppliers, and even food. Ang ginawa namin sa bar, kung anuman ang mabili, lahat will go to Ondoy victims... and all went to Red Cross and DSWD.

"I also went to my friends. Umupo ako sa mga meetings nila sa corporations, nag-appeal ako for help. One of them is Thai Airways, they gave tickets for auction. Sinabi nila ito sa Thai government and sa Thai Embassy. Ang Thai embassy nagbigay ng 100 sacks of rice, isang buong eroplano na puno ng bigas para sa Pilipinas. Ten thousand blankets, relief goods... Yung mga malilit na efforts na ang daming naging resulta.

"Gumawa din ako ng commercial sa National Geographic with Heart Evangelista] and Bianca Gonzales, lumalabas siya all over the world—sa Star World, Channel V... Nag-appeal kami ng help para sa mga Filipinos, sa mga nasalanta ng Ondoy."

MANO PO 6. Kasama si Tim sa entry ng Regal Entertainment sa 2009 Metro Manila Film Festival, ang Mano Po 6. Tampok sa pelikulang ito sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Heart Evangelista, Dennis Trillo, at marami pang iba.

Para kay Tim, isa ito sa hindi niya malilimutang experience.

"Sharon calls me 'Syoti,' I call her 'Achi Shawie.' Yun ang tawagan namin sa isa't isa. Dati pa close na ako sa kanila, maging yung family namin. Parang kapatid ko na si KC [Concepcion, Sharon's daughter]. Si Achi Shawie, lagi siyang nagpapasalamat sa akin for taking care of KC, kasi alam niya na pag magkakasama kami, okey si KC. May tiwala siya sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa shoot namin where ako yung parang kanang-kamay sa negosyo ni Sharon at ng pamilya nila, masaya dahil dun ako sa dressing room niya. Nakita ko din si Kris [Aquino], so parang, 'Wow, the biggest stars of the Philippines!' They're so humble and sobrang mahal nila ang trabaho nila."

Bukod sa malapit sa kanya ang Megastar ay sinabi ni Tim na pinapanood na niya ang mga pelikula nito nung bata pa siya.

"Ang naaalala ko lang nung bata ako, pumipila kami ng mommy ko para manood ng movies niya [Sharon], pumupunta kami sa Escolta and Avenida. When you're young at nakasama mo yung somebody na pinapanod mo lang nung bata ka pa, iba yung feeling, parang name-mesmerize ka. I'm happy to have this experience. Parang bucket list 'yan, 1 to 100, na-check mo, 'a movie with Sharon.'"

Sa TV naman, isang showbiz-oriented talk show ang sisimulan niya sa QTV 11, ang Tweetbiz. Makakasama niya rito sina Mr. Fu, Sam YG, at ang Survivor Philippines: Palau runner-up na si Justine Ferrer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN