Ina Feleo recalls the last days of her father Johnny Delgado

IMAGE 0


"Ang laking tulong kasi na yung passing niya was a very peaceful and beautiful passing. Actually, nandoon kaming lahat, family, and we were whispering to his ear, assuring him that we are gonna be okay. I was praying to his ear. Kasi at that moment, ang nanaig sa akin yung I wanted him to go home kumbaga kay Mama Mary. Kasi that's what he's always wanted. Sa bahay, kumbaga, tanggap namin. Pero siyempre, hindi pa talaga nagsi-sink in," says Ina Feleo about her f


Hindi mapigilang mapaiyak ni Ina Feleo, anak ng yumaong aktor na si Johnny Delgado habang ipinapakita sa big screen sa The Buzz studio ang pictures ng kanyang ama, kasabay ng pagkanta ni WCOPA singing champ Rhap Salazar ng "Dance With My Father."

Bahagi ito ng tribute ng showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN para sa respetadong aktor na sumakabilang-buhay sa edad na 61 noong Nobyembre 19 sa sakit na lymphoma, o cancer of the immune system.

Naulila ni Johnny—Juan Marasigan Feleo sa totoong buhay—ang asawa niyang si Laurice Guillen at mga anak na sina Ina at Ana Feleo. Sa interview ng The Buzz hosts na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino kay Ina kahapon, Nobyembre 22, sinabi ni Ina na nakatulong sa pamilya nila para harapin ang kawalang ito ang maayos na pagkamatay ng kanyang ama.

"Ang laking tulong kasi na yung passing niya was a very peaceful and beautiful passing. Actually, nandoon kaming lahat, family, and we were whispering to his ear, assuring him that we are gonna be okay. I was praying to his ear. Kasi at that moment, ang nanaig sa akin yung I wanted him to go home kumbaga kay Mama Mary. Kasi that's what he's always wanted. Sa bahay, kumbaga, tanggap namin. Pero siyempre, hindi pa talaga nagsi-sink in," kuwento ni Ina.

LAURICE'S FACE. Ayon pa kay Ina, sa huling sandali ng buhay ng kanyang ama, ang gusto nitong huling makita ay ang mukha ng kanyang asawa.

Kuwento ni Ina, "Ang gusto niyang makita... ang last face na gusto niyang makita was my mom. Sabi niya, 'I want you to be the last person that I'll see.' Kaya nga nung time na medyo naghihingalo na siya at nagkakaroon siya ng moment na parang dumidilat, 'Mom, mom...' tinatawag ko kasi para si Mommy yung huli [niyang makita]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At what point were they told that the end was near?

"Actually, a week ago lang," sagot ni Ina. "A week before his death. Kasi kumbaga, siyempre the doctors will do lahat ng puwedeng gawin, di ba? Pero when we brought him to this alternative doctor na ni-refer ni Direk Olive Lamasan, na nire-replenish ka with vitamins, ganun... So, si Mommy, we asked the doctor, 'How serious is it?' Sabi ng doctor, 'He's guarded.' Sabi namin, 'What guarded?' Malubha. Sabi ni Mommy, 'How many months does he have?' Sabi sa amin, 'Any time.' So, dun na nag-break down si Mommy, ako.

"Siyempre nakita ko si Mommy hindi ako kaagad... hindi ako makaano. Nakakabigla, kasi si Daddy, hindi mo ma-imagine siyang patay. Kasi he's so full of life, di ba?" sabi ni Ina.

PEOPLE WHO LOVE JOHNNY. During the VTR na ipinalabas bago ang interview kay Ina, ilang mga artista ang nagbigay ng magagandang pananalita tungkol kay Johnny bilang katrabaho at bilang tao—sina Jericho Rosales, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Amy Austria, Sandy Andolong. Gloria Romero, Sen. Bong Revilla, Phillip Salvador, at Cherry Pie Picache.

Listening to all these people paying tribute to her dad, what was in her heart?

"Nami-miss ko siya kaagad," wika ni Ina habang lumuluha. "Kasi parang I'm so overwhelmed na ang laki niyang kawalan. Because hindi lang kami yung pinakitaan niya ng kabutihan. Ang daming nakaramdam noon. And it's true, all his friends... Kumbaga si Daddy is not that public. Hindi siya masyadong nagpapa-interview. Pero kumbaga, 'pag nakilala ka niya, 'pag nakatrabaho ka niya, it's so sincere, malalim yung koneksiyon niyo at matagal."

Nang malaman daw nila na malapit nang matapos ang oras ng daddy niya sa mundo ay kaagad daw nilang tinawagan ang lahat ng kapamilya at kaibigan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi when we were told na it's time, sabi namin agad, we want this to be very comfortable for him. Immediately, we texted, we called all his friends and family to come and say whatever... Parang give the chance to say what he wanted to say. Pero you know si Daddy, nung dumating yung friends niya puro siya, 'I love you. I love you.' And then, it is more to give the people the chance to say what they wanted to say to him."

LAST DAYS. Ibinahagi rin ni Ina ang huling mga sandali ng kanyang ama.

"In the first two days in his last week, nakakausap pa siya. Yung first day mahina na, pero naririnig pa. To the last minute, rume-respond siya. The night before nang mag-Mass si Monsignor Clem, sabi niya sa amin, 'You know at this point, unti-unti nang nawawala yung senses.' But the last to go, he said, was hearing. So sabi niya, 'You whisper to his ear and you touch him. Assure him na he's going to a better place," kuwento ni Ina.

So, there was no pain?

"Yung pain... he was under pain meds. Inasikaso talaga namin na you know if he's going, ayaw namin na mag-suffer pa siya, as much as possible. Parang by request, pag nag-spasm siya, bibigyan siya [ng pain meds]."

Nang magkaroon siya ng chance para bumulong, what did she say?

"Ang dami kong sinabi. Pero yun nga, I thanked him talaga. I thanked him for the life that he's giving me and for everything na na-instill niya sa akin. And you know kasi si Daddy, siya yung... OA siyang tao kumbaga. Siya ang nagtuturo sa amin na mangarap, yung dreams, sa kanya ko talaga yun... Parang every time I go into something, ang layo-layo ng tingin niya. Feeling niya, kaya naming abutin yun. Ikaw, parang very unsure. Pero siya, sigurado siya. So, that's what I'm really gonna miss. Ngayon, pipilitin kong ako yung mangarap and I'll go for it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What can she tell her Mom and her Ate Ana at this point?

"Kami, we're trying to be strong for each other. Pero masarap 'pag uuwi sa bahay, pinag-uusapan pa rin namin si Daddy. Kung nandito si Daddy ngayon, ganun-ganun. Nararamdaman pa rin namin siya, e. Parang hindi pa wala, e. Parang nandudoon lang."

Sa huli ay nagpasalamat si Ina sa lahat ng mga taong nagdadasal para sa daddy niya.

"I really want to take this time to thank everyone who prayed for him. Since the time na nagba-battle siya with cancer hanggang sa huling sandali yung mga nagdadasal talaga, maraming salamat."

Bukas, Nobyembre 24, ay dadalhin na sa huling hantungan si Johnny sa Loyola Memorial Park. Magkakaroon muna ng misa sa umaga bago ang libing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN