Jinkee Pacquiao on Krista Ranillo: "Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya?"

IMAGE 0


"Madami pa siyang makikilalang iba na single, di ba? Bakit kailangan pang sa isang may asawa? Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung nasisira yung family... Dapat tulungan na lang na buo ang family, maging masaya sila para sa amin," says Jinkee Pacquiao about Krista Ranillo, who is being linked to her husband Manny Pacquiao.


Pagkatapos itanggi ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang nababalitang relasyon diumano nila ng sexy actress na si Krista Ranillo at paghingi ng paumanhin sa pamilya nito, tila iba naman ang mensaheng nais iparating ng misis ng boksingero na si Jinkee Pacquiao.

Nauna nang sinabi ni Manny na "matalik na magkaibigan" lamang sila ni Krista. Nagbigay na rin ng mga pahayag ang pamilya at manager ng sexy actress at sinabing walang katotohanan ang mga isyung naglalabasan tungkol kina Manny at Krista.

Pero sa exclusive interview ni Jiggy Manicad ng GMA News kay Jinkee, hindi man direktang sinagot ni Jinkee ang isyu kina Manny at Krista, isang makahulugang mensahe naman ang ipinarating niya sa sexy actress.

"Bata pa siya. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. May future pa siya. So, isipin niya kung magiging masaya ba siya kung makiki-join siya sa isang tao na may family. Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya?

"Madami pa siyang makikilalang iba na single, di ba? Bakit kailangan pang sa isang may asawa? Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung nasisira yung family... Dapat tulungan na lang na buo ang family, maging masaya sila para sa amin," kalmadong pahayag ni Jinkee.

Pero hindi inilihim ni Jinkee na labis siyang nasasaktan sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanyang mister at sa sexy actress.

"Nasasaktan ako na yung pinag-uusapan yung aming pamilya, di ba? Kasi dapat hindi pinag-uusapan ang aming private life, kasi may mga anak ako," paliwanag niya.

Sa naunang panayam sa kanya ni Mo Twister sa Showbiz Central noong Linggo, November 22, ay inamin ni Jinkee na ang kasalukuyang isyu na ito ang pinakamalaking pagsubok sa pagsasama nila ni Manny. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi raw basta-basta susuko si Jinkee dahil handa siyang protektahan at ipaglaban ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipaglalaban ko hangga't kaya ko," sabi ng maybahay ni Manny. "Mahirap 'yong magtayo ng isang pamilya na binuo namin, tapos basta-basta mawawala. Tapos sa isang intriga lang or sa isang pagsubok lang, bibitaw ka. Nung mula umpisa hanggang sa ngayon na ten years kaming nagsama [ni Manny], mahirap na balewalain ang lahat."

Tinanong din si Jinkee kung gaano niya kamahal si Manny at ang kanilang mga anak?

"Siyempre buong buhay ko, parang nasa kanilang lahat," sagot niya. "Hindi ako perfect wife, hindi ako perfect mother, pero ginagampanan ko yung tungkulin ko bilang asawa. Kaya ako nandito, kaya ako nabubuhay para sa mga anak ko, para sa asawa ko."

Inamin ni Jinkee na mahirap ang maging misis ng isang Manny Pacquiao—na kinikilala sa buong mundo bilang isa kundi man pinakamagaling na boksingero ngayon—dahil para raw nasa ilalim ng magnifying glass ang kanilang buhay.

"Mahirap din na masaya... Yung private life, parang open sa mga tao. Pero ito yung ibinigay ng Diyos na role namin dito. Kailangan naming tanggapin." Pero nasasanay na rin daw siya sa atensiyong ibinibigay sa kanila ng publiko.

Pagdating naman sa boxing career ni Manny, sinabi ni Jinkee na ang mister pa rin niya ang masusunod dito. Pero kung siya raw ang tatanungin ay mas gusto na niyang tumigil si Manny sa pagboboksing. "Naaawa ako sa kanya, natatakot ako kasi buhay yung nakataya diyan, e," sabi ni Jinkee.

Pero mukhang matatagalan pa ang pagreretiro ni Manny dahil marami ang humihiling na labanan niya ang American boxer na si Floyd Mayweather Jr. Si Mayweather ang dating may hawak ng titulong pound-for-pound king, na hawak na ngayon ni Manny. Kung magkakasundo ang dalawang kampo ay malamang na maganap ang laban nila sa susunod na taon.

Pagdating naman sa apat nilang mga anak ni Manny, ito ang asam ni Jinkee: "Sana maging successful sila in the future, kung anuman ang gusto nilang gawin. Maging God-fearing sila, maging masunurin, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung aalukin naman daw siya ng TV show, mas gusto ni Jinkee ang may kinalaman sa pagpapaganda. Naging beauty consultant daw kasi noon si Jinkee, na ngayon ay endorser na ng Belo Medical Group.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Jinkee para sa kanyang asawa.

"Manny, nandito lang ako palagi sa likod mo, no matter what," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN