Dingdong Dantes excited to work with Marian Rivera again, more than in follow-up project with Rhian Ramos

IMAGE 0


"It's really hard to fill in the shoes of Richard Gomez. Unang-una sa lahat, parang I'm very honored na ako ang napili nilang pumalit sa kanya. That's why I want to do my best and, at the same time, not to lose yung totoong personality ko. Pero ano lang, relax-relax lang talaga," says Dingdong Dantes about replacing Richard Gomez in Family Feud.


Kahapon, November 24, ay nag-first taping day si Dingdong Dantes para sa Family Feud.

Pagkatapos niyang mag-tape ng tatlong episodes, nagkaroon muna ng press conference sa 17th Floor ng GMA Network Center bilang pag-welcome kay Dingdong as the new host of GMA-7's daily game show. Siya ang pansamantalang papalit kay Richard Gomez, who had to take a leave of absence dahil sa plano nitong pagtakbo sa 2010 elections.

Bago ang presscon, sinilip muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ni Dingdong sa Studio 5 ng GMA Network Center. Napansin namin ang ginagawang dance move ng aktor sa tuwing ini-introduce siya. Ayon sa actor-TV host, siya mismo ang nakaisip nito.

"Ako lang. Tapos, ginagawa ko nga siya noong dry-run. Sa umpisa lang yun," nakangiti niyang sabi.

Dahil first day pa lang niya as the new host of Family Feud, aminado si Dingdong na pinag-aaralan pa niya ang lahat ng dapat gawin.

Dagdag niya, "It's really hard to fill in the shoes of Richard Gomez. Unang-una sa lahat, parang I'm very honored na ako ang napili nilang pumalit sa kanya. That's why I want to do my best and, at the same time, not to lose yung totoong personality ko. Pero ano lang, relax-relax lang talaga."

GOMA'S REPLACEMENT. Gusto ba niyang makausap si Goma at makakuha ng ilang tips mula rito since gamay na nito ang paghu-host ng Family Feud?

"Oo, ever since naman. Sa karamihan ng mga bagay, I really look up to him. Lalung-lalo na pagdating sa bagay na ito, na temporarily, e, magre-relyebo ako sa ginagawa niya."

If ever, ano ang mga itatanong niya kay Goma?

"Well, itatanong ko siguro sa kanya kung paano niya gine-gauge kung sino ang dapat halikan!" natatawang sagot ni Dingdong.

Pero hahalikan din ba niya yung female contestants sa show?

"Gaya nga ng sabi ko, kung siguro, e, contestant or audience na ang mag-request, mahirap naman tanggihan yun, lalung-lalo na kung magkakaroon sila ng konting gana dahil dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala kayang magselos sa kanya?

Natawa muna siya bago sumagot. Ani Dingdong, "Wala... wala naman. It's a game. It's all for fun at, siyempre, wala namang malaswang halik na papayagan sa TV."

May pamilya ba siyang iwi-wish na sana ay makapaglaro sa Family Feud?

"Siyempre, gusto ko yung pamilya ko versus yung pamilya ni Marian [Rivera, his rumored girlfriend]. Sana nga magkaroon ng ganoong chance. O kaya puwedeng Darna at saka Stairway to Heaven!" natatawang sabi niya.

Tinanong din namin si Dingdong tungkol sa reaksiyon niya sa pagkaka-lift ng ban sa mga celebrity na tatakbo sa 2010 elections. Nagdesisyon na kasi ang Supreme Court na payagan ang mga celebrity na planong tumakbo next year to continue their work on TV kahit na nakapag-file na sila ng candidacy, gaya ni Goma who is running for a local post in Ormoc City.

Nagkataon pa nga na kung kailan first day of taping ni Dingdong sa Family Feud ay saka naman lumabas ang desisyon ng Supreme Court.

"Kanina lang?" balik-tanong ni Dingdong sa amin. "Well, ganun ang batas natin, e. Nagkakaroon ng changes na hindi natin ine-expect, but it always goes through a process. Nagkataon lang na ako ang nalagay rito. Nagkataon din na ngayong araw lumabas yung batas na yun at first taping pa.

"Pero siyempre, ako e, tumanggap lamang ng isang task. And I believe that I'm a replacement since ang pagkakaintindi nga ng lahat dati, dahil hindi nga siya puwede because he's running. Ngayong nagbago pala, tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari."

Pero sa pakikipag-usap ng PEP sa manager ni Richard na si Wyngard Tracy, masaya raw sila at naniniwala kay Dingdong bilang bagong host ng Family Feud. At may reason naman daw sa lahat ng bagay at posibleng may ibang project namang gagawin si Goma.

Hindi na rin naman bago sa larangan ng hosting si Dingdong. Isa siya sa original hosts ng StarStruck at naghu-host din siya noon ng Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, siyempre, medyo matagal na rin akong hindi nag-host. At itong Family Feud, mas maipapakita ko yung personal side ko, or mas ako dahil mas relaxed siya. Mas game show siya and it deals with day-to-day issues na nakakatawa."

Pero isa ang tinitiyak ni Dingdong. Aniya, "Hindi ko pahihiyain si Richard Gomez na napalitan ko siya. So, I will strive for more para hindi naman niya sabihin na palpak ang pinalit sa kanya."

Kung hinahangaan ni Dingdong si Goma sa paghu-host ng Family Feud, si Dennis Trillo naman looks up to Dingdong as the host of StarStruck. Si Dennis kasi ang pumalit kay Dingdong as one of the hosts of StarStruck V.

"Well, pagdating sa ganun, e, naniniwala ako that we have our own personality. A host should always give himself. Yung character niya, e, yun ang magiging basehan ng character niya at execution niya, and it applies to all shows, to all people. So, I respect kung ano ang magiging interpretation ni Dennis at iba rin naman ang magiging interpretation ko sa Family Feud," sabi ni Dingdong.

REUNION WITH MARIAN. Ayon kay Dingdong, posibleng hanggang summer 2010 pa magra-run ang Family Feud. Ito ang dahilan kaya hindi pa niya masabi kung magsisimula na ba siya ng panibagong soap opera sa GMA-7 since magtatapos na ang Stairway to Heaven nila ni Rhian Ramos.

"Parang pangit din naman yata na dalawang beses kang nakikita sa primetime," banggit ni Dingdong.

May balitang magsasamang muli sina Dingdong at Marian sa pelikula at telebisyon next year. Totoo ba ito?

"Definitely, yes! Darating ang next year na magkakasama kaming muli. Maaaring sa TV or pelikula, or kung hindi man, sa stage play!" biro pa niya.

After his successful team-up with Rhian Ramos in Stairway To Heaven, gusto pa ba niyang makatrabahong muli ang young actress?

"It's, of course, beyond my control," sagot ni Dingdong. "Ang buhay naman kasi ng isang tandem, nakasalalay sa istorya, sa tamang material. Maaaring magkamali 'yan kung hindi maganda rin ang susunod. So, kung sinuman at kung anuman ang susunod, we have to be careful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Personally, gusto ba niyang makatrabaho muli si Rhian for his next drama series?

"Ako, mas excited ako na makatrabahong muli si Marian," pag-amin niya.

May usap-usapan naman na ang gagawin nina Dingdong at Marian na primetime series ay remake ng isa sa "Endless Love" Koreanovela na ipinalabas sa GMA-7. Alinman daw sa Autumn In My Heart, Winter Sonata, at Summer Scent ang magsisilbing reunion project ng dalawa.

DINGDONG'S GIFT TO MARIAN. Kung sa huling interview ng press kay Dingdong ay hindi pa niya masabi kung ano ang Christmas gift niya kay Marian, sa pagkakataong ito ay inamin na niya kung ano ang ibibigay niya sa kanyang rumored girlfriend. (CLICK HERE to read related story.)

Isa itong Darna chair na pinasadya pa raw niya talaga. Pero nangiti si Dingdong nang sabihin namin na siguradong may iba pa siyang regalo bukod dito at umoo na lang siya. Kung ano yung iba pa na yun, hindi na niya binanggit pa.

Second Christmas na nila ni Marian na magkasama bilang couple. Would he say na mas masaya ngayon kumpara last year na magulo pa ang sitwasyon ng relasyon nila?

"Masaya... hindi magulo yun," nakangiting paglilinaw ni Dingdong. "Pero happy ako nun. Magulo kasi yung sitwasyon, pero yung stability, happy ako."

Tila wala yatang kapaguran si Dingdong, lalo na ngayong linggong ito dahil sa dami ng projects at activities niya na naka-schedule. Hindi ba siya napapagod sa dami ng ginagawa niya?

"Well, actually, okey naman, nama-manage naman lahat. Medyo nakakaramdam lang ako ng pagod kapag nagkakaroon ng schedules na biglang pumapasok. Pag ganun, medyo mahirap," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN