Cristine Reyes is friends again with ex-boyfriend Dennis Trillo

IMAGE 0


"Ngayon, magkaibigan na kami. Minsan tumawag siya sa akin nung naospital ako kasi nag-alala siya. Pero more than that, wala na," says Cristine Reyes about ex-boyfriend Dennis Trillo (inset).


Kinumpirma ni Cristine Reyes na totoo ang napabalitang nagkita sila kamakailan ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo. Pero nilinaw niya na hindi yun date.

"Hindi naman yun date, as in romantic date. Date lang yun na parang catch-up lang, kumustahan lang. Usap-usap. Ganun lang. Wala namang balikang nangyari," sabi ni Cristine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ang Darling Kong Aswang last Tuesday, November 24.

Nagkaroon na ba ng closure ang lahat-lahat sa kanila nang magkausap sila?

"Yes," sagot niya. "Para at least matapos na rin dahil mahirap yung may itinatago kang sama ng loob. At saka magpa-Pasko na, magnu-New year na, so kailangan siyempre peaceful, lalo na yung Pasko natin at saka New Year. Mas maganda na start natin yung bagong taon na wala tayong kaaway or problema."

Dahil sa closure na ito, open ba ulit ang puso niya para sa bagong kabanata with Dennis?

"Not sa kanya... I mean hindi lang sa kanya, kahit kanino."

After ng pag-uusap nila ni Dennis, naging open ba ulit yung communication nila, like text or tawag?

"Oo, kasi parang natapos na yung issues, e. Napag-usapan na namin. Okay na lahat. Ngayon, magkaibigan na kami. Minsan tumawag siya sa akin nung naospital ako kasi nag-alala siya. Pero more than that, wala na."

So, ready na ba siyang umibig ulit?

"Oo, ready na ako."

AN OLDER MAN. Ayon kay Cristine, mas gusto niya na mas matanda sa kanya ang magiging boyfriend niya.

"Well, wala kasi akong atraksyon sa ka-age ko. Ang gusto ko kasi talaga is older than me," aniya.

Bakit mas type niya yung mas matanda sa kanya?

"Kasi gusto ko yung inaalagaan ako. Basta gusto ko lang ng older. Ayoko lang ng parang isip-bata. Kasi isip-bata ako, e."

May dumiskarte na ba sa kanya noon na DOM (dirty old man) o talagang malayo ang agwat sa edad niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa naman," sagot ni Cristine. "Usually, ang nagiging boyfriend ko talaga mas matanda sa akin, pero hindi naman ganun kalayo ang agwat sa edad namin. Gusto ko lang yung mature na mag-isip."

May idine-date ba siya ngayon?

"Right now wala pa, e. Hanap niyo ako!" biro ni Cristine. "Happy naman ako kahit walang dyowa. Kung dadating, dadating 'yan."

Pero meron bang nagyayayang makipag-date sa kanya ngayon?

"Meron, pero ba't ako sasama kung hindi ko naman gusto, di ba? So, might as well huwag na lang. Mas mabuti na yun kaysa naman paasahin mo yung tao, di ba?"

Meron ba from showbiz na gustong makipag-date sa kanya pero hindi niya gusto?

"Meron pero huwag na nating pangalanan."

WORK MUNA. More than her lovelife, mas naka-focus nga ngayon si Cristine sa kanyang career. Lalo na sa paparating na Metro Manila Film Festival dahil may entry siyang pelikula kung saan katambal niya si Bossing Vic Sotto, Ang Darling Kong Aswang, under M-Zet TV Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment.

"Work muna ako. Yung lovelife dadating din naman 'yan kahit hindi mo hanapin, e. Pati sayang yung mga opportunities na dumarating. Sana mas marami pang ganitong projects na katulad ng Ang Darling Kong Aswang ang dumating sa akin. Isa sa pinangarap ko yung makatrabaho si Bossing at natupad naman dito. I'm so happy and proud na maging leading lady ni Bossing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN