Isabel Oli says she's not exclusively dating anyone right now

IMAGE 0


"I have no boyfriend. I'm dating. Kapag may boyfriend ako, malalaman talaga kasi okey lang din naman na sabihin ko. Pero just now talaga, wala. I really go out lang kung may date. 'O, tara, go out tayo. May ipapakilala ko.' Yung ganun," says Isabel Oli.


During the press launch of GMA-7's upcoming primetime series Full House last Monday, November 23, marami ang nakapansin na mas gumaganda at tila mas nagiging sexy ang mga kasuotan ng aktres na si Isabel Oli.

May plano ba siya to go the sexy route?

"Sexy, hindi. No, hindi talaga," nakangiti niyang sagot sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sexy siguro na parang ibang way of sexy. Not yung parang ibe-bare lang ang lahat. Hindi ganoong sexy. Actually, nag-pose na ako before for Uno and Manual, pero yun na ang todo, yun na yun. Naka-shirt at naka-shorts. At saka pina-package ako na not talaga for sexy. And personally, ayoko rin. Huwag na lang din."

NO CONSTANT DATE. Kinumusta rin namin kay Isabel ang kanyang lovelife. Kailan lang kasi ay napabalita na may special someone na siya at matiyaga raw na sumusundo sa kanya sa tapings.

"I have no boyfriend. I'm dating," mabilis niyang sagot. "Kapag may boyfriend ako, malalaman talaga kasi okey lang din naman na sabihin ko. Pero just now talaga, wala. I really go out lang kung may date. 'O, tara, go out tayo. May ipapakilala ko.' Yung ganun.

"Hanggang ganun na lang muna. Wala na munang exclusive. Dati kasi, nagde-date ako, this guy from Cebu, yun talaga. Pero ngayon, parang hindi pa rin naman yata right time."

Kumusta na sila ng guy na yun?

"We're still friends pa. May communication pa rin, but go out, wala na," sabi ni Isabel.

Parang binasted na niya?

"Hindi naman. Hindi naman kasi siya nanligaw. Hindi talaga."

Pero may mga nanliligaw naman sigurong iba sa kanya?

"Wala, parang mga nagyayaya lang. Mga ganun lang."

After her relationship with Paolo Contis, aminado si Isabel na wala pa raw siyang nagiging boyfriend.

"Wala pa... wala pa talaga."

NOT TRAUMATIZED. Natawa naman ang aktres nang ipaalala namin sa kanya na magpa-Pasko rin nang mabalita ang breakup nila ni Paolo last year. So we asked her kung nagka-trauma siya because of what happened to her and Paolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, no trauma. Hindi talaga... hindi ko matatawag na trauma. Kumbaga, nag-e-enjoy ako na ganito lang," sagot niya.

Ano ang feeling na hindi pa siya nagkakaroon ng panibagong relationship samantalang magkakaanak na sa ibang babae ang kanyang ex-boyfriend?

"Actually, I really don't mind na ganoon ang nangyayari. Kasi hindi ko rin naman... Sobra kasi akong happy sa nangyayari sa life ko. Sobrang ang daming blessing na ibinibigay na minsan nga, hindi mo hinihingi, pero ibinibigay. Sobra-sobra talaga at overwhelmed ako sa lahat ng nangyayari sa akin. Good or bad man kasi, nakikita ko na may itinuturo sa akin, e," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN