Vic Sotto says he did not propose to Pia Guanio during their safari trip

IMAGE 0


"Well, it's a perfect setting. Sa totoo lang, kahit sino ang mag-propose sa lugar na 'yon, mapapasagot niya kaagad ng 'yes' ang babae. Pero hindi yun kasi ang pinunta namin doon. Nagbakasyon lang talaga kami ni Pia and we are taking our time," says Vic Sotto about not proposing to longtime girlfriend Pia Guanio during their safari trip.


Kung magkaroon daw ulit ng mahabang bakasyon ang comedian-TV host na si Vic Sotto, gusto niyang magbakasyon ulit sa Africa, kasama ang girlfriend na si Pia Guanio.

Nagbakasyon kasi ang dalawa sa South Africa noong October. Birthday treat ni Vic 'yon for Pia dahil matagal na raw talaga nilang planong makapag-safari. Tuwang-tuwa nga si Vic dahil malapitan niyang nakita ang mga hayop na sa TV at sa Manila Zoo lang niya nakikita noon.

"Pinakagusto kong makita talaga ay ang lion. Sa Manila Zoo kasi, malayo silang tingnan, e. Sa safari trip namin, halos nandiyan lang sila sa paligid mo. Si Pia naman, gustung-gusto niya ang elephant. Grabe, ang laki pala talaga ng elepante!" natatawang biro ni Vic.

Dagdag niya, "Nakakatuwang makita sila sa lugar nila talaga. Talagang free silang gumala. Kumbaga, let them play in their natural habitat. Makikita mong tumatakbo sila, kumakain at nagpapahinga na wala silang nararamdaman na panganib. By seeing all that, doon mo talaga maa-appreciate ang creation ng Panginoon. Doon mo mabibigyan ng halaga ang buhay natin at ng mga hayop na ginawa Niya. It's truly beautiful at gusto kong bumalik talaga," saad ni Vic.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa presscon ng Ang Darling Kong Aswang last Tuesday, November 24.

NO PROPOSAL YET. Sobrang romantic nga raw nang magpunta sila ni Pia sa Cape Town kung saan makikita ang napakagandang sunset.

"Ang ganda-ganda talaga!" bulalas ni Vic. "Kasi yung sunset, makikita mo na in between the ocean and the rock formations. Kung nandoon lang kayo, hay, nakaka-in love yung lugar! Tamang-tama lang na may kasama kang pareho ang nararamdaman ninyo, e. Masaya kayong dalawa. Pang-lovers talaga ang lugar na 'yon."

Hindi ba niya naisip na doon na mag-propose kay Pia?

"Proposal na naman ba? Hindi na kayo nagsawa talaga sa tanong na 'yan, a!" tawa ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "Well, it's a perfect setting. Sa totoo lang, kahit sino ang mag-propose sa lugar na 'yon, mapapasagot niya kaagad ng 'yes' ang babae. Pero hindi yun kasi ang pinunta namin doon. Nagbakasyon lang talaga kami ni Pia and we are taking our time.

"Parati ko namang sinasabi na may oras at panahon para diyan at hindi naman namin 'yon ipagkakait sa mga kaibigan at mga kamag-anak namin. Darating din 'yan, maghintay na lang kasi kayo!" tawa niya ulit.

WHERE IS JOSE? Sa latest film ni Bossing Vic na Ang Darling Kong Aswang, kapansin-pansin na hindi kasama sa cast ang madalas niyang maging sidekick sa pelikula na si Jose Manalo. Ang mga sidekick niya this time ay sina Wally Bayola at Ritchie D' Horsie.

"Gusto ko talagang makasama si Jose sa movie," sabi ni Vic. "Kinausap ko na siya before kami mag-shooting, pero siya na ang umayaw. Nahihiya raw kasi siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya at gusto niya munang ayusin 'yon lahat. Ang pangit daw na lumalabas siya at nagpapatawa samantalang marami ang nagagalit sa kanya."

Nasangkot kasi si Jose at ang asawa nito sa alleged jewelry at real-estate scam. (CLICK HERE to read related story.)

Dagdag ni Vic, "Naintindihan ko naman ang problema ni Jose and dasal ko na maayos na nga lahat ng mga problema niya. Siyempre, nami-miss namin siya sa Eat Bulaga! at kung maayos lahat ay gusto namin siyang bumalik sa show.

"Ang payo ko nga lagi kay Jose ay ang pag-ingatan niya ang pangalan niya dito sa trabaho natin. Isang maliit na pagkakamali mo lang, nama-magnify. Dumaan na kaming lahat sa ganyan and we survived. Huwag lang mawawalan ng pag-asa si Jose at lagi siyang humingi ng tulong sa Panginoon. Nothing is impossible with the Lord," mensahe niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN