False report about her health makes Sandy Andolong realize how many people love her

IMAGE 0


Sandy sets the record straight that she doesn't have cancer: "Meron akong kidney ailment but merong medication, name-maintain naman. I'm okay. It's not really something that serious. And my doctors are very happy with the last test. They allowed me to work and I can go anywhere. I can do whatever I want."


Last Sunday, November 22, sa Showbiz Central, maybumulugang teaser or headline na may cancer raw ang aktres na si Sandy Andolong. Ikinagulat raw ito ng marami, at ikinagalit ng asawa ni Sandy na si Christopher de Leon.

"Something as big as that, I just thought they should have first inquired kung totoo nga o hindi," ang sabi ng aktor, dahil kidney ailment lamang ang naging sakit ng asawa at ngayo'y maayos na ito.

Inamin ni Boyet na "natawa pa nga ako noong umpisa. But of course, as a Christian, ni-rebuke ko kaagad. In Jesus Name, I rebuke you!"

Ayon sa napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang nagkamali raw sa paghahatid ng balita ay ang head writer ng show na si Rey Agapay.

APOLOGY ACCEPTED. Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat naman at na-appreciate ni Sandy ang pagpapadala ng fruits and flowers ng Showbiz Central sa kanya bilang gesture of apology.

Iyong galit ni Boyet ay humupa na rin daw, natatawa niyang sinabi.

"Siyempre, initial reaction niya, ano ba 'yan? That's so impossible reporting. I was able to talk to somebody and I asked, saan nila nakuha yun?... According to one of the host, yung isang writer raw to that effect ang nagtsismis na parang may cancer ako which is not true. Not true at all. I'm very healthy. I'm very happy. God has been good and He's always been good to me."

Pinaliwanag ni Sandy kung ano ang naging karamdaman niya:

"Meron akong kidney ailment but merong medication naman. Name-maintain naman, yun lang. I'm okay. It's not really something that serious. And my doctors are very happy with the last test, okay naman ako.

"It's just maintenance, but I'm alright. They allowed me to work and I can go anywhere. I can do whatever I want."

FEELING THE LOVE. But because of that issue, na-realize daw ng akres na marami palang nagmamahal sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maski na na-retract na yun, ang dami pa rin nagte-text. From Batangas, all over the Philippines , they are texting me and my husband. Praying for me and people are really saddened about the news."

May mga nag-offer rin daw ng healing prayer.

"Meron! Marami, pero tinanggap ko na rin, di ba? At prayer is the most powerful ano, di ba?" natatawa niyang sabi.

Kahit hindi masama ang ikinabunga ng maling balita tungkol sa kanya, nais pa ring iparating ni Sandy sa mga talk shows, "be very careful especially yung something as serious as that. I-confirm niyo muna before you announce it...

"Si Gorgy [Rula, reporter] nga, tinanong ko, 'Gorgy, 'asan ka?' Nasa GMA raw. Sabi ko, tumalon ka kung nasaan man studio, i-correct mo sila right away. Okey naman, nag-retract naman right away and I feel they are so sweet also sending me flowers with a letter."

What worried Sandy the most was her mom at ang magiging reaction daw nito. Mabuti na lang at hindi nito nabalitaan.

"But some of my relatives are really reacted. Especially yung sa side ni Christopher. And my friends! Ang nakakatuwa, sa mga kaibigan ko na very, very close ko, medyo may tampo pa sa akin. Napaniwala siya. She was stunned. Parang ang feeling niya, huh? Bakit hindi ko alam? Sabi ko, ikaw naman talaga, isa ka pa. Puwede ba namang hindi mo malaman, e, isa ka sa mga malapit sa akin," natatawa niyang sabi.

WORK AS THERAPY. Na-interview ng PEP at ilang entertainment press si Sandy sa thanksgiving party ng Stairway to Heaven na ginanap sa 17th floor ng GMA building noong Thursday, November 26. Kinumpirma nito ang sinabi ni Boyet na kung may isang nagpapalakas daw sa kanya, ito ay ang pagtatrabaho sa Stairway to Heaven.

"Oh yes, talagang there's not a day that I don't look forward to going to our taping. Kasi nga, we're just a small cast. Parang nag-build bond. Nagkaroon ng bonding. Si Dingdong [Dantes] for me is like my own son. Naging close rin ako kay Ms. Jean [Garcia]. Kay Direk Joyce Bernal, kay Direk Andoy Ranay. Napaka-light nila to work with. Mami-miss ko," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa ito nang tanungin kung nakikita niyang sweet sa isa't isa ang mga bida ng soap na sina Dingdong at Rhian Ramos.

Aniya, "Ay, hindi ko alam 'yan!" Pero, "they look good together, I'll admit that. At talagang they complement each other at ang layo na ng nararating ng pagiging actor ng dalawa.

"At talagang onscreen, miski naman ang asawa ko, pinapanood niya ang dalawa, sinasabi niyang bagay sila. Nakaka-in love tingnan."

NEWS ABOUT LOTLOT. Naitanong din kay Sandy kung may communication pa rin sila ni Lotlot de Leon ngayong nasa States na ang stepdaughter ni Boyet.

"Yes, oo... nagkakausap kami sa telepono at nag-i-Skype kami. She said goodbye to us."

Naikuwento na ba niya ang pagkikita nila ni Nora Aunor?

"Hindi... nakikita ko lang sa Facebook. Alam mo naman sa Facebook, wala nang sikreto. Pero there's one time na nag-Skype kami, naikuwento na niyang nakausap na niya through the phone na I think, they are going to see each other.

"And she's happy and I'm happy for her."

Itinuwid ni Sandy ang balitang buntis raw si Lolot.

"Hindi, ah! Ano naman 'yan?" napabulalas siya. "'Yan ang hindi pa niya naikukuwento sa akin but I will tell you, it's not true. Hindi totoo yun. But knowing Lotlot, madaling maapektuhan yun. Konting maliit na balita, apektado agad. So I keep telling her, 'You know, nasa limelight tayo. Artista tayo. Kahit pa ano ang lumabas, if it's not true, huwag kang masyadong magpaapekto.'"

Baka umuwi raw si Lotlot next year, at maging ang Superstar na si Nora Aunor.

"Ay talaga? Welcome home!" masayang binati ni Sandy ang balita.

Kung magkataong magkita sila ng ex-wife ni Boyet ay okey lang daw kay Sandy. "Wala naman kaming problema ni Guy. She even calls me Mare."

GINA'S TWO CENTS ON FACEBOOK. Pumunta yung usapan sa Facebook message ni Gina Alajar tungkol sa tsismis kina Krista Ranillo and Manny Pacquiao. Ayon kay Sandy ay medyo late na raw niyang nalaman ang tungkol sa isinulat ng matalik niyang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I asked her, she told me nga about it kung ano ang nangyari. Sabi ko nga, ang Facebook, you know, sa mga status, you know, anything personal, you try to avoid putting it in your status.

"Mga inspirational messages, that's fine. But something like that, medyo huwag na lang."

Tila may plano raw si Matt Ranillo na ipakita sa lawyer nito ang status na na-post ni Gina.

"May laban ba?" nakangiting sambit ni Sandy.

Kung ano pa man, ang sabi ni Sandy, "Gina is my friend. I will be with her whatever happens. I will support her all the way... She's been my friend for three decades already."

Kung may pinanggagalingan ang mga sinulat ni Gina, "sa akin na lang yun!" natatawang sabi ni Sandy.

Nasabi na ni Gina na "unauthorized usage" ang nangyari kung bakit kumalat ang sinulat niya sa social networking website. Ayon kay Sandy, "she felt betrayed by a friend. Isang kaibigan din niya supposed to be... nasa friends list niya 'yan, e. But I told her, minsan, may mga friends na akala mo friends, pero, hindi naman pala. So, you have to be very careful. Be very careful."

Ayaw namang mag-comment ni Sandy sa isyung Manny at Krista. "But I'm praying na humupa na lahat ng ito because Jinkee is affected. I know how she feels. She's a good wife and mother to her children and a very good daughter-in-law."

Pero, "being a wife also and a mother as well," maliwanag kung saan siya panig. "Sa wife, of course!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN