Jean Garcia and daughter Jennica to star in TV remake of Ina, Kasusuklaman Ba Kita?

IMAGE 0


Jean says she will miss her castmates in the soon-to-finish Stairway to Heaven. "Talaga, kasi we are all really good friends. Lalo na kapag nananakit na ako, after that naman nandiyan ang nagtatawanan kami."


Nakaramdam ng lungkot si Jean Garcia nang malaman niyang iilang taping days na lang at matatapos na ang Stairway To Heaven.

"Talaga, kasi we are all really good friends sa kapag taping day. Lalo na kapag nananakit na ako, after that naman nandiyan ang nagtatawanan kami.

"Sa pagtatapos nga ng Stairway To Heaven, tutukan pa [ng viewers] kasi lalong titindi ang drama at kung anu-ano pang kalokahan ang gagawin ni Maita [her character] sa mga bida na sila Cholo [Dingdong Dantes] at Jodi [Rhian Ramos]," diin ni Jean.

FUN WITH VIC SOTTO. Eksaktong may pelikula naman si Jean pagkatapos ng kanyang TV series. Ito ay ang Ang Darling Kong Aswang ng OctoArts Films, M-Zet TV Productions at APT Entertainment, kunsaan first time niyang makakatrabaho si Vic Sotto.

"Isang malditang aswang ang role ko dito at okey lang noong i-offer sa akin kasi never pa akong nakakagawa ng movie pala with Vic Sotto.

"Tumanda na ako sa showbiz, pero wala pa pala akong nagagawang movie with Bossing Vic kaya I grabbed the opportunity talaga. Kahit na naglagare ako sa shooting set ng movie at sa set ng TV series, hindi ko na inintindi ang pagod kasi once in a lifetime ko lang siguro magagawa ang movie na ito with Bossing Vic.

"And true enough, nag-enjoy ako sa company niya. Sobrang nakakatawa si Bossing Vic! Kapag kaeksena ko siya, tawa lang ako nang tawa. Nawawala ang concentration ko. Kinabagan nga ako sa isang scene namin na supposed to be ay serious ako roon. Pero pinatawa niya ako nang paulit-ulit.

"Talagang we had so much fun working and bonding. Lalo na with Cristine [Reyes] kasi nagkaroon kami dito ng fight scene na napakahirap palang magsuot ng harness. Pero we all enjoyed doing it kasi nga para kaming naglalaro lang sa set.

"Nakaka-miss din tuloy noong matapos ang shooting namin. Ngayon sa promo na kami magkakasama since sa December 25 ito ipalalabas sa Metro Manila Film Festival. Kaya abangan nila ang mga hitsura namin sa parade on December 24."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONDOY TRAUMA. Nang kamustahin namin kung saan na sila nakatira ng anak niyang si Jennica, matapos maranasang ma-trap sa bahay nila noong bagyong Ondoy, sinabi nito na sa isang condo unit sila tumutuloy sa ngayon. Naghahanap ng bagong bahay si Jean sa same subdivision pero sa mas mataas na lugar na dapat.

"Regarding sa dating bahay namin, naku, ayaw na naming bumalik doon ni Jennica. Sobrang na-trauma kami talaga. But it's all in the past na. Ayoko namang mabuhay na dala-dala iyon. It's time to move to a new place and start a new life there. Basta safe ang lugar at malayo sa mga nakakalokang baha! Ang importante ay buhay kaming lahat at patuloy na nagtatrabaho," tawa pa niya.

Next year naman ay paghahandaan ni Jean ang kanyang bagong series kunsaan makakasama niya muli si Jennica. Ito ay ang TV adaptation ng movie na Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Ang mga orihinal na gumanap sa 1985 movie version nito ay sina Lorna Tolentino and the late Ms. Rita Gomez.

"I want to thank GMA-7 sa magandang project na ito na binigay sa aming mag-ina. I can't give out details pa about the project dahil hindi pa naman kami nagkakaroon ng story conference. But just the same, maraming salamat at pinagsama kami muli ni Jennica sa isang TV drama."

Ito ang ikatlong beses na magkakasama ang mag-ina. Ang una ay ang Impostora at ang sumunod ay ang Gagambino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN