Mark Anthony Fernandez looks forward to making a movie with old flame Claudine Barretto

IMAGE 0


Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto (inset) hope making a movie together will provide the closure they never had when their juvenile relationship suddenly ended after they simply stopped talking.


Natuwa si Mark Anthony Fernandez nang malamang isa na ring Kapuso ang dating karelasyon na si Claudine Barretto. Mas lalo siyang natuwa nang iparating sa kanyang gagawin na nila ang isang movie sa ilalim ng Viva Films at co-produced ng GMA Films.

Noong isang buwan pa raw siya sinabihan ng kanyang manager na si Dondon Monteverde tungkol sa film project na ito.

"May go signal na iyon, matagal na. That was the time na pumirma si Claudine sa Viva Films. Ang alam ko ay project iyon for Viva Films. Wala pang pumapasok na co-prod ang GMA-7. At may nagsabi na rin sa akin before na may plans nga na pumirma si Claudine with GMA-7. Pero siyempre, quiet lang kaming lahat about it until nga lumabas na.

"Siyempre, masaya ako na kasama na natin siya sa GMA-7. This is something na hindi inaasahan ng lahat, di ba? Knowing that Claudine has been one of the first talents of ABS-CBN na pinasikat nila. Nakakagulat talaga ang paglipat niya bilang Kapuso.

"But I know na pinag-isipan nila ito nang mabuti and that they made the right decision. Kaya wine-welcome ko si Claudine Barretto bilang isang Kapuso," ngiti pa ni Mark.

OLD FLAMES. Dalawang beses lang na nagkasama sina Mark at Claudine sa pelikula, sa Pare Ko (1994) at Mangarap Ka (1995). Hindi na nasundan pa kahit na nagkaroon sila ng serious relationship.

"Sa Pare Ko naman, ang partner ni Claudine doon was Jao Mapa and Jomari Yllana. Sa Mangarap Ka na kami talaga nag-pair and doon na rin nag-start ang relationship namin.

"Hindi na nga nasundan ang movie na iyon, e. Supposed to be may gagawin kami ulit... pero hindi natutuloy parati. Then supposed to be, kasama ako sa naging soap drama niya na Mula Sa Puso. But something happened kaya natanggal ako sa cast at pinalitan ako ng ibang actor. Since then hindi na kami nagkatrabaho talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In regards sa gagawin naming movie, wala pa akong idea kung ano ang istorya. Hindi pa kami nag-story conference about it. I heard na for February 2010 ang target nila, pero hindi pa ako sure. Malalaman niyo naman kapag nandiyan na talaga ang balita."

CLOSURE. Galing na mismo kay Claudine na okey sa kanya na gumawa uli sila ng movie ni Mark, para raw magkaroon na ng closure ang kanilang paghihiwalay noon. Inamin ni Mark na hindi nga sila nagkaroon ng formal breakup. Basta naghiwalay na lang sila na hindi man lang nag-uusap.

"That's true. Talagang basta na lang natapos ang naging relationship namin. It was a hard time for me noon. Maraming problema at marami akong hindi magagandang ginagawa noon. Siguro kaya basta na lang natapos ang relasyon namin, it's because ayokong madamay pa siya sa mga nangyayari sa akin.

"Bad boy ako noon, e. Kaya siguro gano'n ang nangyari. Pero everything turned out great in the end. Claudine became one of the Primetime Queens sa ABS-CBN at nananalo pa siya ng mga awards. Ako naman, I survived the darkest moments of life and I had a great comeback on TV with GMA-7. Kaya naging maayos ang lahat for both me and Claudine.

"Kaya to work with her again is really okay. Siguro nga doon na magkakaroon ng closure ang lahat. Kahit na hindi na namin i-verbalize, the fact na she agreed to do a movie with me again, sobrang pasasalamat ko na sa kanya iyon."

WITH RAYMART'S BLESSING. Ang maganda pa nga raw nito ay pumayag ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago sa proyekto na iyon.

"Kami naman ni Raymart, wala kaming problema. Magkasama kami sa series na Darna and we sometimes talk, lalo na kapag may mga eksena kami. Nagkakabiruan kami ng taong 'yan.

"Noong wake ni Papa [Rudy Fernandez] last year, sabay silang pumunta ni Claudine. Doon ko last time na makita si Claudine. Nag-usap kami nang konti noong time na iyon. Natuwa ako sa ginawa nilang iyon for my dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait si Raymart at tama lang na naging sila ni Claudine. Nakakatuwa namang isipin na pumayag siya na magsama ulit kami ni Claudine sa movie. It's a nice gesture coming from Raymart. Kaya I want to thank him for that."

SUPPORTING MOM ALMA. Tungkol naman sa pagtakbo ulit ng kanyang inang si Alma Moreno sa ParaƱaque City bilang councilor, all-out ang support ni Mark rito at willing nga siyang magbigay ng financial support.

"Siyempre naman, mama ko 'yan at lahat ng gusto niyang gawin, 100 percent ang suporta ko sa kanya any time. Sinabi ko naman kay Mama na any time she needs my help, magsabi lang siya at nandiyan ako.

"Si Mama naman kasi, hindi na mawawala sa kanya ang pagtulong talaga. She loves what she's doing at nagkakasakit 'yan kapag walang ginagawang tulong sa kapwa niya.

"Kaya noong mag-file siya for reelection as councilor, hindi na ako nagulat. Alam naman ni Mama na kaming mga anak niya ay nandito lang and we are very proud of her."

Muling pinabulaanan ni Mark na hiwalay na raw si Alma at ang kanyang mister na si Marawi City Mayor Fahad Salic. Sa katunayan nga raw ay kagagaling lang ng ina sa Maguindanao kunsaan sinamahan nito ang kanyang asawa para makiramay sa mga naging biktima ng karahasan doon.

"Kelan ko lang nakausap si Mama at magkasama pa sila ni Mayor nung mga oras na iyon. Kahit si Mayor, nagkausap kami. Marami silang nilalakad parati sa kunsaan-saan.

"I guess, kaya may mga speculations na hiwalay sila is because hindi sila madalas na makita na magkasama. Wala silang pictures na together sila except sa naganap na wedding nila last year.

"But I assure everybody na sila pa rin at masayang-masaya si Mama kay Mayor. Baka nga magsama-sama ulit kami sa Christmas. Wish kasi ni Mama na magkasama kaming mga magkakapatid sa Pasko," pagtatapos ni Mark Anthony Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN