Regine Velasquez was wedding singer and Ogie Alcasid reception host at Michelle van Eimeren nuptials

IMAGE 0


Regine (right) and Ogie (left) clearly demonstrated their close friendship with Ogie's ex-wife Michelle (center) and her new husband Mark Murrow, when they played major roles at the couple's special day last November 21. But the most touching part of the affair was when Ogie and Michelle's two daughters, Leila and Sarah, gave their mom away.


Nakausap ng Startalk last Wednesday, November 25 sa airport ang magkasintahang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Kababalik nila mula sa Australia, kunsaan ay dumalo sila ng wedding ng dating asawa ni Ogie na si Michelle van Eimeren kay Mark Murrow noong November 21.

Ayon kay Regine, "It was beautiful. It was beautiful. Everybody was, all of us were very happy for the newlyweds."

Tumanggi namang magbigay ng detalye ang dalawa hinggil sa naturang kasalan.

"Siguro it would be better not to talk na lang tutal tapos na naman... besides that we don't really know where the exact location is, I'm not from there," pahayag na lang ni Regine. "The important thing is we witnessed such a beautiful wedding, yung union ng two people who really, really love each other. It was really good, it was wonderful."

Pero kinumpirma niya na siya nga ang naging wedding singer at si Ogie naman ang nag-host ng reception.

Pabirong sinabi ni Ogie, "Siyempre, bilang host, iilan lang naman ang mga Filipino na naroroon. Mga kapatid ko. Siyempre, medyo na-challenge rin ako sa kaka-English."

DAUGHTERS' MAJOR ROLE IN WEDDING. Tungkol sa kanyang dating misis, "I've never seen her this happy, fulfilled at hindi mo ma-describe ang feelings."

Ang mga anak nilang sina Leila and Sarah ang nag-give away sa mommy nila.

"I'm very proud of my daughters. I'm very, very proud of them," sabi ni Ogie. "Siyempre, gusto mo naman na ang mga anak mo, secure sa magiging asawa ng kanilang nanay. At si Mark ay talagang katangi-tangi at mahusay na lalaki."

Ayon kay Regine, malapit daw sa isa't isa sina Ogie at Mark.

"Whenever we are there, Mark and Ogie are very, very close. As a matter of fact, may joke na nga kami ni Michelle na baka they are having an affair. Pero, no, gano'n talaga sila ka-close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sa mga bata, alam nila na dalawa na ang tatay nila. For me, ha, ganoon ang feelings ko. Although, kapag nandun si Ogie, hinahayaan ni Mark na maging tatay siya. 'Saka makikita mo naman, he really takes care of them. He takes care of Michelle so, di ba, he's such a great man."

Matagal nang alam ni Regine ang mga wedding plans ni Michelle.

"Even before the wedding, we've been talking about it. Ipinakita niya sa akin kung ano ang gusto niya. So, we talked and whenever we go there, that's what we do, we talk a lot.

"Except itong pagpunta namin, she's a little bit busy, so I tried to help whenever I can. Washing dishes or trying to help her out with her makeup. Kasi, you know, siya lang talaga. Wala namang mga wedding coordinator, siya lang yun and a few friends. Very, very close friends. Talagang pinaghirapan nila ang wedding."

UNUSUAL FOURSOME. Naiintindihan ni Regine kung bakit sa tingin ng ibang tao ay "weird" ang closeness niya and Ogie with Michelle and Mark.

"We're not expecting naman everybody to understand. But right now, for us, the most important thing is that we're not doing this for anybody else. We're not promoting a movie. Hindi naman kami nag-record ng album na kaming apat.

"We're doing this really for their kids, for Leila and Sarah, to give them a semblance of normal life. As we all know, kapag may ganitong nangyayari sa isang pamilya, ang nagsa-suffer palagi ang mga bata."

Habang nasa Australia, inaasikaso pa rin daw nina Ogie at Regine ang benefit concert nila sa December 5 para sa mga victims ng typhoon Ondoy.

Ayon pa rin kay Regine, "Lahat yun inaayos ni Ogie from overseas. Even a month ago. You know, Ogie did this, he wrote the song, to encourage people. To give hope to people. Hindi naman namin 'to ginawa para magpasikat. It wasn't like that. And he's the only one who was able to do that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you know what? All the artists who said yes to Kaya Natin 'To, first, they did it because they wanted to help and they wanted to, yun nga, para sabihin sa mga tao na there's hope. Kaya natin 'to.

"Second, it was because Ogie asked them. Kumbaga, ganun nila nirerespeto si Ogie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN