Karylle dragged into cyber crime by impostor who used her photo on the Net

IMAGE 0


"Ngayon kasi mahirap ang buhay, totoo. Pero hindi yun dahilan para manloko tayo ng tao. There's always a way. There's always a better way. At kailangan hindi tayo gumagawa ng masamang bagay at manggagamit pa tayo ng ibang tao. Siyempre, idinadamay mo pa ang iba," says Karylle.


Isang cyber crime ang isiniwalat ng The Buzz kahapon, Nobyembre 29, kung saan nadawit si Karylle dahil sa paggamit ng isang babae ng mga litrato ng singer-actress sa panghuhuthot ng libu-libong pera sa Internet.

Noong Nobyembre 27 ay lumabas sa isang daily broadsheet ang isang news article titled "Falling for Internet date cost an American P100,000." Dito ibinalita ang tungkol sa isang American national na si Allan Toor na nasangkot sa isang Internet-related scandal.

Sa isang letter dated October 19, 2009, addressed to the Cebu City police, ikinuwento ni Toor ang kanyang pinagdaanan. September daw nang maka-chat niya sa isang online dating website na cherryblossoms.com ang isang Pinay na nagpakilalang Arkishra Toribio Manuel, babaeng 29 years old na nakatira raw sa Consolacion, Cebu.

Nagsimula diumano sa pagkakaibigan ang ugnayan nina Toor at Arkishra na nauwi sa seryosong relasyon. Engaged na raw sila at inayos pa ni Toor ang mga papeles ng babae para makalipad ito at makalipat sa lugar niya sa Florida. Nagpadala raw ang Amerikano ng P100,000 sa babae para sa placement fee, visa processing, pamasahe, at iba pang gastusin. Sa nakatakdang arrival ng inakala niyang fiancée, nauwi sa wala ang paghihintay ni Toor. Walang sumipot na Arkishra sa airport.

Pero hindi doon natatapos ang eskandalo. Dahil ang mga larawang ginamit ng babae para ipakilala ang kanyang sarili sa Internet ay mga larawan pala ng singer-actress na si Karylle. Nakapaloob daw sa letter ni Toor ang kopya ng ipinadalang pekeng visa ng suspect na ginamit ang litrato ng singer-actress. Inilakip din niya ang pictures na ipinadala ng babae. Lahat ay pictures din daw na galing sa Multiply site ni Karylle.

Ayon pa sa artikulo, ang initial findings ng Cebu City police ay lantaran daw na naloko ang Amerikano. Bistado na nga ito sa paggamit ng mga larawan ni Karylle. Buko pa ang inimbentong address ni Arkishra. Malaki rin daw ang posibilidad na marami na ang naloko ang taong gumawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinanap ng The Buzz sa Internet ang sinasabing online dating website na cherryblossoms.com. Dito nakita ang sinasabing profile ni Arkishra. Kapansin-pansin daw na ang profile picture na nakalagay rito ay larawan ni Karylle. Pero ang account ayon sa nakasulat dito ay closed na at hindi na active.

Tsinek din nila ang Multiply account ni Karylle at dito nakita ang parehong larawan na ginamit ng taong gumawa ng account sa nasabing online dating website. Ipinasa na raw ng Cebu City police ang kaso sa Criminal Investigation and Detection Group ng PNP na may special unit para sa mga krimen may kinalaman sa Internet.

KARYLLE REACTS. Samantala, hiningan ng pahayag ng The Buzz si Karylle tungkol sa naturang isyu. Magkahalong gulat at lungkot ang kanyang naging reaksiyon.

"May nag-email sa akin, akala ko joke. Hindi naman kapani-paniwala na nangyari. Hindi ko pa naiisip or hindi pa nagsi-sink in yung gravity ng situation. Tapos yun pala... nabasa ko, grabe naman pala. Ang lala naman ng nangyari na yun," bulalas ni Karylle.

Ano ang feeling niya na nagamit nang ganun-ganun na lang ang litrato niya sa panloloko?

"Well, more than me, siyempre naaawa ako doon sa taong [Toor]... Iisipin mo na lang naloko yung puso niya, tapos nagbigay pa siya ng pera. Parang, okay, foul."

May balak ba siyang magdemanda?

"Sa ngayon kasi hindi ko pa naiisip na tawagan si Atty. Tessa Ramirez [lawyer character na ginagampanan ni Lorna Tolentino sa Dahil May Isang Ikaw kung saan kasama rin si Karylle]!" pabirong tugon na lang ni Karylle. "Tingnan na lang natin kung ano yung magiging development."

Bilang mensahe naman sa babaeng gumamit ng pictures niya, isang paalala ang iniwan ni Karylle.

"Ngayon kasi mahirap ang buhay, totoo. Pero hindi yun dahilan para manloko tayo ng tao. There's always a way. There's always a better way. At kailangan hindi tayo gumagawa ng masamang bagay at manggagamit pa tayo ng ibang tao. Siyempre, idinadamay mo pa ang iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN