Aga Muhlach doesn't need government position to help the needy

IMAGE 0

"Kasi marami rin ang nagtatanong sa akin minsan... ginagawa ko raw lahat ito, para patungo sa pangangampanya ko balang araw, bilang pag-aano ko... Pero wala talaga akong... wala talaga. Yun din ang gusto kong ipaalam sa publiko na mas masaya akong ganito na nakakatulong, lumalabas, nakikita ko rin sila, nakikita ko yung kahirapan, nakikita ko yung pangangailangan din nila, without really being in office," says Aga Muhlach.


Kasama ang Jollibee at ang Arellano University high school students, namigay ng mga regalo, mga gamit pang-eskuwela, at mga libro ang aktor na si Aga Muhlach sa sinalantang paaralan na Nangka High School sa Kabayani Road, Nangka, Marikina City.

Bahagi ito ng sinimulan niya at ng Jollibee na "Jollibee MaAga ang Pasko" toys and books donation drive 15 years ago. Sa loob ng labinlimang taon, bago sumapit ang Disyembre, nangongolekta na ng mga laruan at mga libro ang Jollibee para ipamigay sa mga nangangailangang bata. Mas naging matindi ang pangungulekta nila ngayon at pagtulong dahil na rin sa salantang iniwan ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Sa mga darating na araw mula December 1 hanggang 18, bibisitahin nina Aga, Jollibee Toy Scout volunteers, at ng Jollibee ang ilang selected schools sa Benguet, Pangasinan, Zambales, Laguna, Marikina, at Pasig para mamahagi ng mga tulong, maglinis, at magkumpuni ng mga paaralan.

Nagkaroon muna ng maikling programa sa isang maliit na classroom para kina Aga at sa Jollibee bago sila namahagi ng mga dala nilang tulong sa eskuwelahan. At sa kanyang speech kahapon, December 2, sa harap ng mga estudyante, mga guro at mga opisyal ng Nangka High School, naging malaman ang mga binitawang salita at paalala ng 40-year-old actor.

"Sa darating na eleksyon... Hindi ako kakampanya, at hindi ako mangangampanya kahit kailan, pero ibig sabihin, nakakagawa ako ng kabutihan, kahit hindi ako pumupuwesto. Kaya isipin niyo ring mabuti, lalo na kayong mga kabataan, pag nasa edad na kayo para bumoto, iayos niyo 'yan, ha." (CLICK HERE to watch video clip)

Kaya pagkatapos ng programa, agad na tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aga kung pahaging niya ba sa mga celebrities na kumakandidato ang mga binitawan niyang malalaman na salita.

"No. Never kong pariringgan ang mga kapwa ko artista o kahit na sinumang tao na gustong tumakbo sa pulitika. Ang sinasabi ko lang, gusto ko lang ipakita rin sa tao, sa lahat, na sa darating na eleksyon, napakaimportante rin at mabuti, na hindi lang tayo basta bumoto dahil kung sino ang nakakalamang, kung sino ang gano'n. Iboto lang natin yung feeling natin, tama. Di ba? Alam naman natin yun, ano... Yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi marami rin ang nagtatanong sa akin minsan... ginagawa ko raw lahat ito, para patungo sa pangangampanya ko balang araw, bilang pag-aano ko... Pero wala talaga akong... wala talaga.

"Yun din ang gusto kong ipaalam sa publiko na mas masaya akong ganito na nakakatulong, lumalabas, nakikita ko rin sila, nakikita ko yung kahirapan, nakikita ko yung pangangailangan din nila, without really being in office," mahabang pahayag ni Aga.

GOD'S WORK. Nais ding iparating ni Aga na hindi niya inaako ang lahat ng kredito sa pagtulong, o dahil gusto lang niya talagang tumulong sa mga nangangailangan. Pakiramdam ni Aga, instrumento lang siya ng mga taong gusto talagang tumulong at ng Diyos mismo para tulungan ang mga nawalan at nangangailangan.

Isang pagpapatotoo ng paniniwalang ito ni Aga ay nang matuwa siyang pangakuan ng bagong computer set ang isang batang estudyante na tinawag ng principal sa harap ng mga estudyante habang nagaganap ang programa. Pagmamalaki ng principal ng Nangka High School, ang estudyanteng tinawag niya ang top student sa year level nito, kaya nga natuwa si Aga sa bata.

Pero kalaunan nalaman ni Aga na dalawang linggo palang nanirahan sa community basketball court ang bata dahil inanod ng baha ni Ondoy ang bahay nito.

"Yun nga, e, you know, I don't really wanna make a big thing out of it, really. I mean, you know, since he's an honor student, I thought [giving him a computer] mas makakatulong sa kanya yun. Pero nalaman ko later on, na nawalan pala talaga siya ng bahay. You see, how God works? Makikita niyo yung happiness na bigay sa kanya nun? Hindi [dahil] sa akin, ha. Kundi ng Panginoong Diyos. Wow!" nasabi pa ni Aga.

2010 PREXY BET. Bagama't nabanggit na niyang wala siyang balak pumasok sa pulitika, natanong na rin si Aga kung sino naman ang "manok" niya sa darating na presidential elections sa 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabihin ko na ba? 'Wag na muna...," natatawa niyang sabi. "Basta iboto niyo yung sa tingin niyong gusto ninyo. Hindi dahil... Yung iba kasi, meron silang gustong iboto, pero dahil hindi popular, ayaw na nilang iboto kasi matatalo rin daw. Okey lang yun, ano. Ibig kong sabihin, kahit mahina yung feeling niyong gusto niyong iboto, iboto niyo pa rin yun. Para at least, maganda yung naging hangarin niyo at may saysay yung pagboto ninyo."

Sa pamimilit pa, kung sino nga ang iboboto niya para presidente, ito ang sinabi niya: "Basta, simpleng tao lang siya..."

AGA'S FAMILY. Kamakailan ay namatay ang ama ng misis niyang si Charlene Gonzalez na si Bernard Bonnin. Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aga si Charlene.

"Of course, it was hard for her. But then, you know, lahat naman tayo darating diyan... we just have to move on. Well, I can't really speak for her, but I know, she'll be fine."

Natanong na rin ang mga anak nila ni Charlene na sina Andres at Atasha. Kinakikitaan na raw kasi ng hilig sa pagsayaw at pagpe-perform ang lalaki sa kambal na anak ni Aga.

Nangingiting sagot ni Aga, "I'm not gonna stop them [from entering showbiz], but as always, as parent, we want our kids to finish school. But you know, they're too young to even talk about it. So at the right time, at the right age, we'll see. I've nothing against it, really. I've nothing against it. But I just want them to decide on their own when they can decide on their own."

CLAUDINE AND NETWORK WAR. Nang hingan ng reaksiyon si Aga sa paglipat ng isa sa mga nakapareha na niya sa pelikula na si Claudine Barretto, mula Dos papuntang Siyete, nagbigay ng kanyang kahilingan at mensahe para sa dalawang higanteng TV networks si Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, congratulations, Claudine. Your move to GMA... Well, you know, I wish really na maayos, to Channel 7 and Channel 2. Sana mawala na 'yang 'bakod' na 'yan, ano. 'Yang 'pader' na naghihiwalay diyan. Ang liit na nga ng Pilipinas... parang nagkaka... Ibig kong sabihin, pag may lumipat na isa, parang hindi na siya puwedeng kausapin ng grupong 'to. E, dati naman nag-umpisa ang industriya, mas malaki, mas masaya, na wala namang ganyan.

"So, I just hope if Channel 7 and Channel 2 compete, then let it be a healthy competition. 'Wag nating i-divide ang mga artista natin, which is really, really, not nice," mahabang pahayag muli ni Aga.

Going back to Claudine, ipinaalam ni Aga na makakatrabaho niya raw muli ang aktres. "I know I will work with her again. She signed a contract with Viva [Films], and I'm gonna do that movie with her.

"After my movie with Regine [Velasquez], I'll start sa Star Cinema with Angel [Locsin], then after that, with Lea [Salonga] na. Then after that...si Claudine, I know she's gonna be really busy next year."

Ipinaalam din ni Aga na may gagawin siyang TV show sa ABS-CBN next year. May usap-usapan na show raw ito with Angel, pero hindi pa sigurado ang aktor sa sagot niya. "I don't know yet. But my show will air April next year."

AGA'S WISH. Sa pagwawakas, tinanong ng PEP si Aga kung ano naman ang mga bagay na ipinagpapasalamat niya sa kabila ng mga kaguluhan at trahedyang dumating sa Pilipinas.

"A lot of things. The fact that I'm still here, I still breathe. My kids are okay. You know, sa lahat ng nangyaring gulo sa bansa natin, we're still okay. I just wish and hope na... justice for everyone. Sa lahat ng mga naaapi, lahat ng mga nawawalan ng mahal sa buhay dahil sa gulo ng gobyerno na 'to, I just hope na maayos na talaga, sana maayos na talaga. And my God... enough, please, enough!" huling mensahe ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN